--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Friday, October 23, 2009

Palilipasin na lang muna...ang mga bagay na hindi maintindihan...



Lumilipas ang mga araw na unti-unti kong nalalaman at natutuklasan
Lumilipas ang panahon na hindi ko akalaing mararanasan ang ganoong sitwasyon

Ipipikit ko na lang ba ang aking mata para hindi ko makita?
O bubuksan ko ang aking isip upang tanggapin at sabihing "ganoon talaga"?


Pilit ko mang kumbinsihin ang sarili
ang buhay ay di kailanman ma'y mananatili
kahit pagmasdan ko pa ang dahon, sa puno'y nalalagas
Ang buhay ay talagang lilipas


Ang gulo ng mundo
mahalaga at mahiwaga
Malabo para sa tao
di maunawaan... di maintindihan


Paano ba ang manatiling malakas?
sa isang sakit na wala pang lunas
Paano ba ang tumakas?
sa isang problemang hindi malutas-lutas


Pagkukunwari sa sarili
nagiging bato ang damdamin
Bumubuhos ang luha
kailan matutuyo sa mata


Nakakasawa na
Wala akong magawa
Hinahanap sa tala
Kung may nakatagong pag-asa...

Ang gulo ng mundo
mahalaga at mahiwaga
Malabo para sa tao
di maunawaan... di maintindihan


--------------------------------------

>_<









Thursday, October 22, 2009

Wala akong magawa...

Marami akong hindi maintindihan sa buhay...
Pilit ko mang wag na lang intindihin at wag pansinin
HIndi maaaring hayaan na lang dahil meron akong malay at ako rin ay isang nilalang na may buhay..

Maraming katanungang pumapasok sa aking isipan...
Pero ni isa mang sagot, wala akong mahanap
Mahanap ko man ang sagot, hindi pa rin doon natatapos ang lahat

Maraming mga bagay ang di ko nais makita
Pero dahil sa binigyan ako ng mata, wala akong magawa
Ipipikit ko ang aking mga mata,na bagamat madilim napapayapa ang aking isip.
Aanhin ko kasi ang maliwanag na matatanaw, kung ang kalakip ay nababalutan ng kadiliman?
Nanaisin kong manatali sa dilim kung kasing liwanag ng araw ang aking natatanaw.
"Pumipikit ako ng saglit...hindi para umidlip
Kundi para sa segundo lumilipas at dumarating
Nakukuha kong makatakas sa mundong aking nasisilip"

Maraming mga tunog ang di ko nais na marinig
Pero dahil sa binigyan ako ng tenga, wala akong magagawa
Kung maari ko lang piliin ang mga tunog na aking maririnig
Siguro...ang mga tawa ng aking ama, ina, ate, pamangkin- aking pamilya
Idagdag mo pa kapag kasama ko ang aking barkada lalong lalo na
kung kasama ko ang aking sinta.
Walang musikang mas hihigit pa, kung maririnig mo sa iyong tenga kung
gaano sila kasaya.

Maraming mga baGay ang di ko nais maamoy
Pero dahil sa binigyan ako ng ilong, wala akong magagawa
Aanhin ko ang ilong kung ang malalanghap ko ay ang pabangong
hindi para sa lahat ng tao
Hangin na nga lang ang libre sa mundo, yun pa ang papatay sa'yo!

Maraming mga bagay ang di ko nais malasap
pero dahil sa binigyan ako ng kakayahang makatikim at makalasap, wala akong magagawa
Pait, tamis, asim at alat, paano kaya kung namanhid ang dila ko o nasugatan?
makayanan ko pa kayang sabihin kung ano ang matamis sa mapait? ang maalat sa maasim?
Paano ko kaya masasabing masarap ang isang bagay kung hindi naman patas ang natitikman mo
sa natitikman ng tao.

Maraming mga bagay na di ko nais maramdaman
Pero dahil sa binigyan ako ng pandama, wala akong magagawa
saya, lungkot, takot,at kung anu-ano pa?
Bakit ba ang dami-daming pwedeng madama?
HIndi ba pwedeng iisa na lang!
sino bang taong gustong lumuluha?
Tingin ko naman lahat gusto magin masaya
Kung kaya ko lang magkunwaring walang nadarama
kung kapalit nun, sila ay magiging masaya...
Ayoslang siguro kung ganun nga
pero ano naman ang magiging lagay ko kaya?

----------------

Marami akong hindi maintindihan...
marahil naiintindihan ko pero di ko makita ang dahilan
San ko man idako ang aking isipan
Marami pa ring nabubuong katanungan
Wala akong mahanap na kasagutan
ni wala rin akong mapagsabihan

Hindo ko lang kasi lubos na maisip...
Bakit ako pa ang nakakasilip?
Bakit ako pa ang nakakarinig?
Bakit ako pa ang nakakaradam ng lamig?

Nakakapanghinayang....

Nakakalungkot....

Pero hindi para sa sarili ko...

Masaya akong nararanasan ko ang mga bagay na di ko gusto
Dahil kadalasan doon ako natututo
Bagamat magulo at ang sagot ay sobrang labo
Patuloy akong bumabangon
Pinipilit kong umahon
kahit ang kapalit noon isang matinding sakripisyo
sa sarili ko
dahil di ko din kasi alam kung paano? bakit? saan? at ano?
ang mga bagay na gusto ko...



----------------

Lilipas din ang panahon, tatawanan ko na lang ang mga bagay na sinulat ko dito...
sa panahong iyon..malamang kahit papaano alam ko na ang hindi ko maintindihan sa ngayon... :)