--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Saturday, December 17, 2011

Tama ka na

Hindi na makapagsalita
nawawalan na nang gana
Walang masabi, walang magawa
Paggising sa umaga
agad nakatulala

Hindi ko 'to ginusto
basta na lang ako natuto
baka maging masaya tayo
kung isa sa atin ang lalayo

Tama na...
sa mga pangako mong masaya
Bakit ngayon lumuluha
Kung sabi mo ay liligaya

Tama na...
sa mga pangako mong aalagaan
Bakit ngayon gan'to ang nararamdaman
Ako ngayon nasasaktan


Dala sa panaginip
ang sakit sa pagiisip

ang sugat sa damdamin
hanggang kailan pahihilumin

Titingin sa araw
palilipasin ang oras
sa gitna ng mga galaw
darating din ang oras...

Wednesday, December 14, 2011

KUNG ALAM MO LANG...



KUNG ALAM MO LANG......

isa lang ang gusto kong sabihin....

isang salitang ni ikaw ayaw mo rin marinig...

isang salitang ayaw nating maranasan

isang salitang hindi natin maiiwasan

isang salitang ayaw kong gawin sa'yo...

isang salitang ginagawa mo sakin ngayon....

isang salitang hindi namamalayan....

isang salitang mararamdaman na lang...

isang salitang paghuhugutan ng taon....

isang salitang hihilumin lamang ng panahon...

isang salitang nararamdaman ko ngayon....

isang salitang pilit kong tinatago...

isang salitang hindi naman ako dating ganito

Isang salitang pilit akong binago

isang salitang hindi mo napapansin

isang salitang ngayon ko lang aaminin

isang salitang hindi ko na kakayanin



Kung alam mo lang......


nasasaktan na ako....




*******

"kung alam mo na 'to

ano pa bang gusto mo?"

********

Hind sa lahat ng oras kakayanin ko pa 'to

HIndi habang panahon mananatili ako sa'yo

Wag sana dumating ang oras

habang naghhintay ka, sa gitna ng ulan

wala nang darating na "ako"