--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Thursday, March 22, 2007

Departmental Exam at Eksena sa Jeep...

March 21, 2007
Wednesday 11:08 pm

Kumusta?? parang kailan lang kapo-post ko lang din dito...

Sa wakas..tapos na ang presentation namin sa marketing kanina. Sobrang ikli ng presentation namin kumpara ibang grupo na naunang mag-present. Sobra talagang ikli na hindi mo aakalaing nag-present kami. Senatorial jingle kasi ang finals namin sa marketing kaya naman expected naming magkaka-grupo na hindi naman kailangan pahabain ang presentation. Pero ok naman ang naging resulta, bagamat kanina halos walang kumakanta kundi ako at ang isa ko pang kaibigan na si "Re" na kung saan nung praktis kami ang hindi kumakanta. Ang leader namin..yun! natameme at nawala sa sarili sa loob ng ilang minuto habang nasa presentation. Samantalang kanina habang naghihintay ng turn namin sa presentation sya yung sabi ng sabing kumanta raw ako at lak'san ang boses ko. Yun pala...kabado lang ang loka kaya ako ang napagdiskitahan sabihan ng sabihan. Hmmm...Ok na rin, at least tapos na.. Wala na akong gaanong iintindihin sa ngayon kundi departmental na lang sa accounting this coming saturday.

Speaking of Deparmental Examination...Dito gumanda ang araw ko at nabuhayan ng loob dahil sa narinig ko.

Nagkaroon kami ng depatmental sa Marketing at BM last saturday. Alam ko na nasabi ko na yun dito sa last post ko. Anyway, yun nga...during accounting class, hay nako..nagkaroon pa kami ng quiz sa investment. Gusto ko na ngang lukutin na lang ang worksheet ko at h'wag na lang magpasa dahil ang hirap sagutan. Nag-aral naman ako (medyo..basa basa lang!) pero hindi ko mai-apply ang mga nababasa ko sa problem na binibigay ng prof ko. Gayun pa man, sa awa pa rin ng DIyos hindi ko nilukot ang papel ko bagkus pinilit kong sagutan...medyo alam ko naman ang proseso ng pagsagot ang problema lang hindi ko alam kung tama ang mga pinagsasasagot ko.

Edi yun nga... natapos ang accounting subject na may sama na naman sa loob ko. Ewan ko..mukhang babagsak na talaga ako sa subject na'to. E..basta! balik muna tayo sa topic..Edi yun nga uli...nagmadali akong magbihis ng damit for presentation sa marketing. Pagkapasok ko ng room inanounced ang result ng departmental sa marketing. Hindi ko na lang muna pinagtuunan ng pansin. Lumabas muna ako ng room para magpainit..(uy..ano yun??) Malamig kasi sa room. Pero bagamat naghahabol na nga sa presentation, malaki ang topak kong lumabas muna at manatili nang ilang minuto sa labas. Pagkapasok ko ng room, binigay sa akin ang answer sheet na ginamit ko sa departmental. Hindi ko na pinagtunan ang score hanggang sa inanounced ang top 5 sa kalse sa departmental exam.

(Nako po ito na...)

Ito ang eksena...

Prof: O ito na ang top 5 sa departmental exam nyo sa marketing..
Ako: ....

ambiance: maingay...nasasabik ang lahat..habang ako deadma! KJ ako KJ!

Prof: O ang nangunguna sa inyo... ang top 1...

music:drumbeat lang!

Prof: Tejones!
Ako: huh??

Prof: Sino si Tejones?? Na'san sya??
Ako: Ma'am! Ako po..

Prof: Ay..oo! Ok very good..ang taas mo! ikaw highest,, 67
Ako: pilit na ngiti lang... hindi ako makapaniwala eh..

Ambiance: nagulat..namangha ang iba...na-disappoint ang mga scholar...nasasabik pa rin ang iba sa paghintay ang pangalan.

the end...

Nung tignan ko ang papel ko. Anak ng yan! 67 nga ang score ko over 75 items. Ang taas nga talaga ng nakuha ko! Hehehe..nakakatuwa! Matapos ang quiz ko sa accounting na mukhang bagsak pa ata yun..ito ang pinalit. Ang lakas ko kay GOD grabe! Unang una pa ang napili nyang paglagyan ko! Habang binabati ako ng kaklase ko...ngiti lang. Pero sa loob loob ko..gusto kong tumawa ng malakas dahil sa tuwa. Akalain mo kasi yun...departmental exam ako ang nag-top sa klase! Yun..pigil ako sa reaksyon...pero masaya. Proud pero humble..hindi ko naman pinagmayabang. Baka bawiin ni GOD eh..sayang!

Nung uwian...heheh..parang gusto ko na ngang umuwi eh para sabihin dito sa bahay...kaya lang..konting pigil muna sa sarili. Dumaan muna ako ng chapel bago umuwi. After ng ilang minutong pagsasasalamat..umalis na ako dahil hindi na rin ako gaano makapaghintay...

********************

Eksena sa jeep...

Habang nakasakay ako sa jeep pauwi, lumilipad ang isip ko sa nangyari at nalaman ko kanina. Pero mas nagulat ako sa nasaksihan at narinig ko habang nakasakay ako sa jeep.

Setting: Loob ng jeep...crossing dimasalang bridge

Pangunahing
Tauhan:
Mamang Driver
Ginang

Extras: Ako at iba pang pasahero..

Madalas akong umupo sa likod ng driver o di naman kaya sa likod ng nasa harap naka-upo. Dun na talaga ang pwesto ko tuwing uwian. Bagamat lumilipad ang utak ko nun habang binabaybay namin ang Dimasalang Bridge, napukaw na lang ang aking atensyon ng marinig ko ang pinag-uusapan nila..

Hindi ko sadyang marinig 'to..Sadyang malapit lang kasi ako sa kanila kaya rinig ko.. So ito na yung eksena..

Pasahero 1: Mama..para po!
Driver: tinigil ang jeep
Ginang: (hindi umusog ng upuan..gustong katabi si Driver..)

Ako: Aba..ayaw umusog ni manang ah!..baka asawa 'to ni Manong (sabi ko sa sarili ko)

Konting katahimikan ang namayani sa jeep at pawang ingay na nanggagaling lang sa kalapit na iba pang namamasadang dyip ang maririnig na tunog...

Driver: Asawa mo andyan??
Ginang: Oo...

Ako: Ay hindi pala sila mag-asawa..

Driver: Paano kung makita mo ang asawa mo, hmm...andito kaming dalawa sa harap mo..sinong pipiliin mo? Sino ang mas magiging matimbang sa puso mo?
Ginang: Syempre...ikaw...

Ako: Whaaaaat?? Nasan ba ako?? Totoo ba 'tong narinig ko?? Nanliligaw si Manong sa tanghaling tapat, sa ganoong edad at sa ganoon lugar...nak ng yan! Sa bagay...kahit ganoon na sila katanda hindi nawawala ang pagkakaron natin ng karapatan.."karapatang umibig" :P

background music: Kahit maputi na ang buhok ko version of Soapdish

pero mukhang na "Somewhere down the Road" si Manong Driver dahil taken na si Manang..siguro mas magandang OPM para sa kanila ito na lang..*change BG music*

BG music: "Bakit Ngayon ka Lang" by Top Suzara at Pops Fernandez

So tuloy ang Love story nilang dalawa sa Jeep...

Driver: Umiinom ba ang asawa mo?
Ginang: Lasinggero nga yun eh!

Ako: kaya pala kumakaliwa si Manang..

Driver: Hmm..tapos pag lasing sya sinasaktan ka..
Ginang: Di naman..kinakarate lang! (sabay ngiti)

Ako: Parang natutuwa pa si Manang na kinakarate sya ng asawa nya ah...

Nang makarating sa unang 7'11 na kung saan doon ang sakayan ng mga hataw ng dyip..hindi ko na nasundan ang istorya dahil sa sabay-sabay ang ingay..Hanggang sa ito na lang ang narinig ko..

Ginang: Wala kang busina?
Driver: Oo..pipi nga ito eh..hindi naman ako gumagamit ng busina.. Pati FX ko wala rin busina yun. Pipi rin pipi..

Ako:sosyal si manong..bukod sa dyip amy FX pa..Kaya pala sumasama si Manang...

Nang makarating na sa Terminal ng Blumentritt..HInabol ng paalamanan ni MAnong si Manang...

Driver: Bye.. (habang nakatitig kay Manang na hindi naman nakatingin si Manang)
Driver: Hoy!..bye..
Ginang: Ay..oo bye..

the end..


Hindi rin ako tsismosa ano?? pero hindi ko naman sadyang marinig yun. Tulad ng sinabi ko sa taas kanina bago ko pa amn simulan 'tong kwento..nasa likod lang nila ako..Hindi pwedeng hindi maiwasan na marinig silang dalawa na nag-uusapan o may pinag-uusapan. Actually, isa pang eksena sa dyip na yun ay yung mahuli ako ni Manong driver na nakatingin sa kanya at nakikinig. Syempre ba naman..ikaw kung may nagsasalitang tao..ngalan naman di ka titingin sa kanya! Pero ng mahuli nya ako, umiwas na lang ako ng tingin at nagkunwaring tumitingin tingin ako sa unahang daanan. Hehehe..ayos din sa alibi eh no??

*****************

Hmm..may continuation pa yan pero istorya ko na mismo sa loob ng dyip. Hindi love story na kagaya kina Manong Driver at Manang..basta saka ko na lang iku-kwento..hindi ngayon kasi inaantok na ako...*yawn*

Sige po..hanggang sa susunod na post..

Sana makapasa sa Deparmental ng Accounting....

:)

=aimme=




Monday, March 19, 2007

at last...

March 19,2007 Monday 12:13am
Inumaga na ako sa pag-iinternet ah...
Ang tagal ko na rin hindi nakapag-post dito. Ang huli kong post ay yung bago pa pumunta ang dadi ko sa china. Ang tagal na rin talaga kung tutuusin dahil malapit nang matapos ang march samantalang ang huli kong post ay simula pa lang ng buwan na 'to. Gayun pa man...ayos lang at least may first and last post ako this month of march, akmang akma lang sa mga nilagay kong title sa bawat post ko...("first..first...first..." then.."at last...")
**********************
Marami nang nangyari nitong mga nakalipas na araw..napakarami talaga. Isang hindi malilimutang pangyayari na nais ko nang kalimutan...Pero buti at salamat natapos na rin ang lahat ng yun..
Defense...
tapos na namin i-present ang proposal...nakakakaba nung mga oras na yun pero buti naka-survived din dun. Nasagot at nai-depensa ko naman ang proposal...ayos na yun! kaya nga lang medyo palyado ako sa pagdi-discussed nung proposal. hmp! inaamin ko hindi ako naghanda dun..Mas inuna ko pa kasi ang pagtulog kaysa aralin ang lokong proposal na yun! kaya yun..hindi ko alam kung paano ko sisimulan ang pagsasalita sa harap ng madla. Inisip ko matapos ang kahihiyang ginawa ko sa sarili ko...Mas mabuti nang paulanan ako ng tanong dahil mas madali sa akin ang ganoon kaysa ang mag-discuss ng hindi ko naman alam kung ano ba dapat ang kailangan i-dicuss. Wala lang! Sa palpak na discussion buti nabawi ko sa question and answer potion ng letch kong prof!
Departmental Exam
*Marketing
Madali ang departmental sa marketing.Kahit hindi ko mag-review at may idea ka lang sa bawat term, ayos na! Nagbasa lang ako nang notes ko sa fx na may kasamang papikit-pikit ng mata. Hindi ko kasi talaga maiwasan ang hindi antukin sa byahe kaya nung nasa fx minabuti ko na lang na ipikit ang mata ko. Nagkapag-review ako ng pormal pagkarating ko ng school sa cr ng mga babae (natural pangbabae hindi pang lalake!). Last minute review na lang talaga ang ginawa ko dahil dun mas pumapasok sa utak ko. Sa awa ng Diyos natapos ko ang exam within 45mins sa maximum hour na 2 hours. So, nagkaroon ako ng 1hour and 15mins rest sa buong period ng exam. Pangalawa ako sa natapos mag-exam. Mayabang ako eh..kaya para hindi mahalata hinintay kong magpasa ang karamihan para makisabay. Yun ayos naman...bawi sa grade at bawi rin sa tulog.
*BM o Business Mathematics
Kung anong kinadali ng Marketing sya namang kinahirap ng BM. Sa subject na 'to lang ako nag-review dail puro formulas ang dapat kabisaduhin pero pagharap ko sa exam..Anak ng yan! walang lumalabas na sagot! Hindi ko alam kung bakit pero nung matapos ang exam..Iisa lang ang reaksyon ng bawat BA student sa exam..mahirap, nakakalito at puro hula na lang ang ginawang pagsagot sa exam. Siguro 50%..hindi pala 60% ang puro hula lang na ginawa kong pagsagot,40% ang alam kong tama at 10% ang hindi sigurado kung tama dahil meron sa choices na 2 ang may lumabas sa computation pero isa lang dun ang tamang sagot. Hay nako...akalain mo...sa loob ng 2 oras...buong BA students ay natutong manghula! Manghula na lang ng sagot para hindi lang maging blanko ang 1-50 items ng exam.
Mahirap talaga ang exam...sana nga magkaroon kami ng finals dun uli. Pero for sure alam ko hindi ako babagsak dun dahil mataas ang nakuha ko nung midterm. Perfect ko ang exam ko nung nakaraan kaya sa tingin ko hindi naman masyadong bababa ang grades ko dito sa subject na'to.
*Statitics
Kinompyut na namin ang tentative grade namin dito. Nakakuha naman ako ng 88.04 % na grade na kung tutuusin mataas na to para sa isang math subject. Tinatanong kasi kami ng prof namin kung gusto pa naming kumuha ng exam for finals. Isa-isa kaming tinanong, majority sa amin ang hindi na dahil...ewan..mataas na rin naman na sila. Sayang nga naman ang grades nilang mataas kung kukuha pa sila ng exam na may posibilidad na lalo pang itaas ang grades nila o lalo rin ikababa ng grades nila. So para makasigurado na sa grades..umayaw na silang mag-finals. Ako, bagamat mataas na ang nakuha kong grade sa stat, gusto ko pa rin kumuha. Hindi ako naksali sa karamihan...pakiramdam ko kasi..hindi ko pa rin grade yan sa finals dahil kulang ang pinakamahalaga para masabi mo sa nakuha mong grade na derserving mo talagang matanggap yun. Kukuha ako ng exam sa tuesday para i-test ang sarili ko kung may natutunan o nag stock ng sa isip ko ang mga natutunan ko. Wala lang trip ko lang kumuha ng exam...Hindi para itaas ang grades ko kundi i-challenge ang sarili ko. Wala namang problema kung mas bumaba o tumaas..ang mahalaga dun..nasubukan ko ang sarili ko at nalaman ko sa sarili ko kung ano ang natutunan ko. Coverage ng exam from beginning up to the last topic. Mahirap ng konti pero...ayos lang yan..Kaya yan! hehehe...: )
*Accounting
Nako...hindi ko na alam kung ano pa ang magiging kinabukasan ko sa subject na 'to. Hindi ko alam kung papasa ako o isa-summer ko nalang ang subject na'to. Ewan! Halos 85% sa loob ng klase ang bagsak nung midterm at isa ako doon. Kala ko nga nung prelim bagsak ako pero nung kinumpyut..pasa pala. Pero nung midterm na..wala na... Pinag-iwanan na ang grades ko. Hopefully, makapasa ako sa departmental dahil yun na alng talaga ang pag-asa ko. Bukas quiz na namin...HIndi pa ako nag-rereview...paano kaya ako makakahabol kung ganito ako ng ganito?!
Tama na nga muna sa mga subject at ang sakit na rin sa ulo kung iisipin yun...change topic na muna tayo..
*Digital Camera
Kung nabasa mo ang last post ko tungkol sa listahan ng "pasalubong" paguwi ng dadi ko buhat china, yung title na nakita mo dito...yun ang natanggap ko! Hehehe...ayos at may digi cam na ako...sila kasi puro rubber shoes ang sinulat at beauty products...kaya yan...yun ang natanggap nila. Eh ako..wala man akong sinulat pwera lang sa ang ginawa ko lang ay sabihin sa dadi ko na pinapasabi lang din yun ng ate ko na "digi cam" daw...yun ang pinasalubong ng dadi ko sa akin! Kala kasi siguro ng dadi ko para sa akin yun...pero hindi! galing yun sa ate ko..ako lang ang nagsabi. Ok pala ang ganun ano?? Ako tuloy ngayon ang may pinakamagandang pasalubong sa lahat! :) Pero para sa lahat pa rin naman ang digi na yun. Ako lang ang magiging caretaker para hindi masira....
*Marketing jingle
May praktis pa ako bukas ng marketing pero hindi na ako tutugtog.Cancel na ang concert ko! Wala eh..inayaw ko na rin. Pero natuwa ako sa gitara ng ka-klase ko kanina dahil bagamat puro alikabok dahil napaglipasan na ng panahon at putol pa ang 5th string, maganda at malabot ang mga strings. Hindi masakit sa kamay at higit sa lahat ang ganda ng tunog. Namimisko tuloy ang gitara ko. Miss ko na si Pik...
*Blog..
May nakalam na nga pala ng blog ko..Ang wala kong kwentang blog na naglalaman ng kwento ng buhay ko ay meron na rin visitor ngayon.Ayos lang...Medyo nakakailang..pero sige..ayos lang! ayos lang...ayos lang...ayos la..ayos...ayo..ay..a......O_o
*********************
Masyado na akong naaliw dito at hindi ko na naman namalayan ang oras..pero di bale... If ever na matapos na namin ang jingle...ipo-post ko na lang ang mga photos ng perfromance namin. So for the meantime, babu na muna..at may kailangan pa akong asikasuhin. Hanggang sa susunod na buwan na lang uli...
:)
=aimme=

Sunday, March 04, 2007

First...first..first..

March 4, 2007 Sunday 8:47 pm

kasalukuyang nagta-type sa notepad...

First post ko 'to para sa buwan ng Marso. Ang bilis talaga ng araw...parang kailan lang kasi tapos ngayon..magbabakasyon na.Kasalukuyan ako ngayon nagta-type sa notepad (di pa ako nakakonek sa internet) Hinihintay ko kasi ang mama ko, gamit pa ang phone eh..kausap ang ate ko. Hindi pa sana ako magpo-post dahil sa dami kong ginagawa pero dahil sa ang gagawin ko ay nasa internet..heheh..break lang muna...siguro...

************************'

Hay nako...ang dami talagang pinapagawa ng mga prof para sa finals. Ang daming requirements..hindi naman sa naghahabol kami ng grupo ko sa paggawakaya lang sabay sabay nagbibigay ang mga prof ng gawain. Magkakalapit lang din ang mga deadline..kaya yun..andami. Weekends na nga lang ang pahinganawala pa!

***********************
Off topic muna...sumingit ang ate ko sa eksena eh...

Bukas aalis na ang daddy ko papuntang HongKong for business purposes. Pinapasulat ng daddy ko kung ano ang gusto naming pabili bilang pasalubong sa pag-uwi nya..(nak ng yan! taray ng dadi ko ah..)hay nako..ewan..di ko alam! wala naman akong maisip...samantalang ang iba kong kapatid..sus! kala mo excite na excite isulat kung anong gusto nilaPanay ang tanong sa'kin kung anong size ng rubber shoes ko, sandals o step in ko...sa madaling salita na lang ay size ng paa ko! Hmp! buti kung para sa akin ang ginagawa nila pagtatanong!Hindi naman ako ang magbe-benefit kundi sila..Ginawa pang reference ang size paa ko para malaman nila ang size ng paa nila! Ay sus..patawarin!

Sa totoo lang, hindi ko alam kung bakit sa twing pag-uusapan ang pasalubong galing ibang bansa, bakit hindi nawawala sa listahan ang rubber shoes na yan?! Dahil ba sa kalidad ng paggawa dun...mas maganda?? Ewan ko..malay ko...basta hindi ko ilalagay yun sa listahan ko! (kung gagawa nga ako ng listahan!)

Bukod sa mga rubber shoes na yan...dumagdag din ang beauty products para sa kapatid kong bunso! Sus..patawarin... talaga nga naman oo...ewan..bahala sila!

Tapos na ang mama ko gumamit ng phone pero tatapusin ko muna 'tong post na 'to... tuloy tayo sa usapan...

Hanggang ngayon wala pa rin akong maisip...nagtanong tanong ako sa kapatid ko kung anong pabibili nila.. pero kagaya ng snabi ko sa taasdi pa rin nagbabago ang isip nila na yun ang ipabili. Ayoko nga ng beuty products dahil hindi ko gusto yun! Hindi ko na kailangan ang ganun dahil likas naman na akong...maganda ano! (o.. walang kokontra!) heheh..joke lang! pero kasi...nasa pag-aalaga mo na lang yun ng sarili mo. Disiplina lang ang kailangan para gumandaang katawan mo...Disiplina lang talaga para gumanda ka physically, mentally, emotionally at spiritually...yun lang! pero ang hirap din gawin...kailangan ng human effort talagapara magbunga nga naman ng maganda. (yan ah..nakakuha na kayo ng beauty tips sa akin!)

Isa ko pang kapatid..ang lakas ng topak! Chinese Costume daw! "Baliw!" sabi ko. Wala naman syang mapapla dun! Dagdag lang ng pampasikip ng damitan nya sa durabox ang ginagawa nya eh..hmp!

Ewan...wala siguro na lang akong ililista! Hindi ko kasi alam...Chocolate na lang sana..kaya lang..bawal na ako sa matamis. Hindi na sanay ang lalamunan ko simula ng magkasakit akoPinagbawal sa akin yun. Magaling naman na ako mula sa sakit na yun (sikreto kung anuman mang sakit yun!) kaya lang parang inaatake pa rin ako ng sakit ko na yun kapag kumakain ako ng sobra.Basta..erase na rin ang chocolate sa listahan...sa madaling salita..wala talaga! bahala na lang ang dadi ko kung anong gusto nyang ipadala o ipasalubong. Ok lang kahit wala syang pasalubong sa akin..basta makauwi lang sya ng ligtas...hahaha..(ang drama mo mimi! )

*****************************

Balik tayo sa naudlot na usapan kanina...

First time kong sasabak sa Oral defense. Hay nako po...isa yun sa inaalala ko ngayon. Bukod sa first time kong masusubukan ang humarap sa mga panel, ang swerte talaga ng grupo namin nakami pa talaga ang pinakaunang grupong isasalang dun. March 14 na yun...consider as finals na namin sa english. Hindi pa namin tapos ang progress report ng proposal namin..hindi naman naghahabol kaya langparang kailangan pa rin namin ng maraming time for mastery...(ewan ko pero baka ako lang ang nag-iisip ng kailangan pa ng maraming oras dahil sa kaba). Sana matapos din namin kaagad 'tong PR para sa paghahandakailangan ko rin kasing ihanda ang isusuot kong business attire. Sa ngayon di ko alam kung saan ako kukuha nun pero tingin ko meron naman ang ate ko...hopefully kasya sa akin yun para hindi na ako gagastos!

Bukod sa english, nakisabay din ang marketing namin. Nabanggit ko na ang gagawin namin sa previous post ko dito. Pero sa mga taong hindi nabasa yun (kung may nagbabasa nga ng blog na ito) Pinagagawa kami ng Jingle!Senatorial jingle...Isa pang inaalala ko..first time kong tutugtog ng gitara sa klase. Since kami ang gagawa ng lyrics at mag-aadopt na lang ng music o sounds ng kanta...napagdesisyunan ng ka-group ko na itugtog na langyun sa gitara. Hay nako...ang lakas nilang mag-suggest ng ganun gayung yung nag-suggest hindi naman marunong tumugtog! Dahil sa grupo ko nga yun at syenpre kailangan kong tumulong...tinangggap ko na lang din ang offer.Actually, napasubo nga ako dun eh. Hindi naman kasi mababanggit na kahit papaano na may alam ako sa gitara kundi sinabi ng kaibigan kong nakarinig at nakitang marunong akong tumugtog. Nung minsan kaming nasa practice kami ng sayaw nagdala ang kaibigan isa ko pang kaibigan ng gitara...that time medyo sinasanay ko na talaga ang sarili ko sa gitara. Eh...nung time ring yun hiniram ko at tumugtog ako...Yun nalaman nila na medyo marunong ako tumugtog.

Pero sa lagay ko ngayon...ewan ko..Matagal ko na kasi tinigil ang pagpa-praktis ko ng gitara. Tinigil ko yun simula ng makita ko ang keyboard naming wala ni isa mang gumagamit. Simula nun...kapag wala akong ginagawa yun na ang palipas oras koimbes na manood ng t.v. sa hapon o kung anu pa amn kundi ko trip matulog. Isip-isip ko...pang-keyboard na ang kamay ko hindi pang-gitara..

Sinubukan kong galawin uli ang sira kong gitara na mas lumala na ang sira ngayon. Nakakapanghinayang at masakit lang talaga sa loob kung babalikan ko ang pangyayari kung bakit nasira yun kaya hindi ko na lang iku-kwento.Basta..nag-try akong tumugtog..kanina lang din..pero ang sakit na sa kamay..hindi ko alam kung ang problema ay yung string talaga nya o ang kamay ko mismo. Pero di bale...pwede pa namang masanay ang kamay ko dahil sa Mar 16 pa ang live concert ko!Marami pang pwedeng mangyari...marami pa akong pwedeng magawa at marami pa akong oras para mag-praktis. Kaya nga lang tulad ng sabi ko kanina...sira ang gitara ko..wala pa sa tono..hindi naman ako marunong magtono..ang alam ko lang tumugtog!(baliw!)

Pinagiisipan ko kung babawiin ko na lang ang pagpayag ko sa kanila. Wala naman din kasi akong gitarang paghihiraman. At ayoko na ring humiram dahil nadala na ako! Ayokong umako uli ng kasalanang alam kong hindi naman ako ang may gawa. Hehehe..bagong kwento na naman 'to pero basta! ako rin kasi ang nanghiram bagamat hindi ako ang gumamit, responsibilidad ko yun kaya ako na ang umako..

Basta..ewan ko...pwedeng magbago ang isip ko opwede na ring hindi na...(may isa kasi akong salita!heheh) Tutal kasi C D G lang naman ang chords...ayos na yun! practice na lang ako...sana hindi maging sintunado ang pagtugtog ko. Maging ayos sana...

*******************************

Tapos na ang mama ko sa telepono...kanina pa..

Tama na muna siguro ito...tama na rin 'tong pahinga ko...hanggang sa susunod na lang na post. Hopefully matapos namin ng grupo ko ang lahat ng dapat matapos. Makapasa sana kami sa defense at maging matagumpay sana ang live concert ko sa marketing! hehehe.. :)

adios!

=aimme=

p.s.
Ingat nga pala sa flight ng dadi ko tomorrow! Ingat din kayong nagbabasa nitong blog ko! Kita kits sa susunod kong post!

Labels: