Ang bilis ng oras! Parang kanina lang lumilipad ang utak ko sa ibang dimensyon ng mundo pagtapos nun namulat na lang ang mata kong hapon na pala!
Prelim week na kaya inabala ko ang sarili ko sa paggawa ng mga reviewer. Nakakatulong kasi sakin yun kapag tinatamad akong magkabisado at magbuklat ng libro kapag exam. Once na gumawa ako ng reviewer, kung ano nakalagay dun..yun ang naintindihan ko. Hindi kasi masyadong epektib sa kin ang mabasa lang kung anong nakasulat sa libro. Mas epektibo kung ako mismo nagsulat kung ano ang naintindihan ko. Yun ang reviewer ko.
Kaya lang habang nagsusulat hindi talaga pwedeng hindi maiwasan ang antok. Kaya yun..matapos kong orasan ang sarili ko sa dpat na masulat lang..natulog na ako. Sa salas ako natulog, tinamad na kasi akong umakyat. Kahit na madalas akong bangungutin kapag dun natutulog..ginusto ko pa rin. hehehe...maganda naman ang naging panaginip ko eh..kumakain daw ako ng miryenda. Ang miryenda ko...fresh carrot na sinasawsaw sa..hmmm..mahirap i-explain eh dahil ang dip na yun ang hindi nag-eexist sa mundong ito. Ang dip na yun..hindi mo malalamang carrots pala ang kinakain mo.
habang nasa kasarapan ako ng pagkain ng karots sa panaginip ko bigla rin yun naglaho ng gisingin ako ni Manang para magmiryenda rin. Gusto ko sanang sabihin na busog na ako pero panaginip nga lang pala ang lahat. Para kasing totoo pero nakaramdam ako ng gutom kaya alam kong hindi totoo ang lahat ng kinain ko dun (sayang!). Nagmiryenda ako at nabusog pero hindi dahil sa karot kundi sa mais.
Pero speaking of bangungot...himala hindi ako nakatyempo! Yung pinakahuli kong bangungot nung matulog ako sa salas eh..muntikan nang humiwalay ang kaluluwa ko sa katawan ko dahil sa pagaakalang gising na ako mula sa bangungot.
(naaalala ko pa rin ang mukha ng lalaking pumipigil sa akin gumising..may pagkakahawig sa'kin! :P)
~o~
Hehehe..nakakatakot ang ganong experienced pero buti hindi ako binangungot kanina. Siguro dahil sa mangyayaring padasal.

Ginsing ako ni Manang kanina hindi lamang para magmiryenda. Aayusin kasi nya ang salas para sa mangyayaring padasal. Ang usapan kasi hapon yun darating kaya ginising nya na ako kaagad para ihanda ang magiging pwesto ng mga Santo.
Naging usapan ala-sais pero dumating ang mga tagapagpadasal ng Alas-otso. Naghapunan na kami ng mga alas-syete pasado dahil ginutom na dadi ko kakahintay. Buti naman sakto tapos na kaming maghapunan at maglikom saka sila dumating.
Mali pala ng info ni Manang sa amin. Ang dasal pala na yun ay hindi halos lahat sa bahay gaganapin kundi dun sa lugar ng asosayon nila tapos ang ilan pang dasal dito na sa amin kaya sila ginabi. At ganun naman pala daw talaga..Loko talaga si Manang!
Ang mga nagdasal ay mula sa "Asosasyon ng mga Kababaihan" na..yun (daw) ang association nila (ayon sa dadi ko na dinurugtungan ng "matanda" sa dulo ng pangalan) sa subd. namin eh. Yun lang ang alam ko.
Binalak kong kunan ng picture sila dahil dadi ko ang tagapagsalita (kaya pala pinagtyagaan nyang hintayin kanina) pero hindi ko nagawa dahil sa'kin pinabuhat ang bebing nasa baba rin. Gusto ko sanang iakyat kaya lang ayaw. Since nagdadasal na ang lahat at kung pipilitin kong iakyat lilikha lang yun ng ingay kaya pinagtiisan ko na lang na hindi na kumuha ng mga pictures bilang souvenir.
Matapos ang taimtim nilang pagdadasal..biglang ingay! Anak ng yan! pagnasama-sama pala ang magkakatoto sa ganoon ang ingay! Sabay sabay silang nagsasalita...pakilala dito..pakilala si ganyan..ni hindi ko na nga maalala ang pangalan ng matandang namumuno sa kanila eh dahil sa ingay. Natawa na lang ako sa reaksyon ng bebi habang buhat ko dahil naiingayan din.
Matapos ang padasal..dun ko tinanong ang mama ko kung bakit kami nagpadasal. Nasabi nya na pala sa akin ang dahilan noon nakalimutan ko lang..pero inulit nya naman din. :)
Ang mga paupahang town houses kasi dito sa subdivsion ay hindi nawawalan ng mumu. Malakas kasi makaramdam si mama sa bahay lalo na kung sila lang ng bebi ang naiiwan sa kwarto. Kahit tanghaling tapat nakakaramdam sya kaya nung malaman nyang sa ganitong padasal ay walang nararamdaman ang kapitbahay namin, nagpadasal na rin sya.
sa bagay, hindi naman na ako magtataka kung bakit nakakaramdam si mama dahil meron talaga. At hindi rin ako magtataka kung bakit halos lahat ng townhouses dito ay nakakaramdam dahil may history talaga ang subdivision na ito na maaaring pagparamdaman ng mga kaluluwa. (kinilabutan tuloy ako, hindi na ako magsusulat ng ganito!)
~o~
Ewan ko kung nakakaramdam ako pero kung ano man ang nararamdaman ko dito iniisip ko gawa lang yun ng utak ko at tinatakot ko lang ang sarili ko. Palakasan lang ba ng loob. Mahirap kasi kung makikisabay ako sa takot ng mga tao sa dito sa bahay. Mabuti nang kahit isa sa myembro ng pamilya ang nagmamatapang para may pangontra sa takot nila habang hindi pa umuuwi ang dadi ko mula sa trabaho. (ahem!)
Pero mahirap din ang ganun..(halatang sarili ko ang tinutukoy ko sa taas!) may mga ilang sitwasyon kasi na hindi ko matiis ang takot at parang meron nga! Pero ewan! Hindi ko pa rin sigurado kung yun na yun (ang mumu) o gawa lang ng mapaglaro kong imahinasyon. Basta mananatili pa rin ako sa katagang "to see is to believe"...
pero hwag naman sana...di bale na lang makakita ako ng paru-paro pero hwag lang din ako habul-habulin at dapuan.
hay...
~o~
Sandali lang ang padasal..medyo tumagal lang sa kwentuhan. Pero ayos naman na rin ang lahat. Sabi ng namumuno..once a year dapat may ganitong padasal every 16th ng kahit anong month. Ewan ko kung anong meron sa 16th, hindi ko naitanong. Nagpaiskedyul kami every Dec 16. but for now..magkikita-kita uli sa Aug 16 dahil pabe-blessingan itong bahay para tuluyan ng mawala.
sa tingin ko ayos na rin yun para hindi na rin maperwisyo ang galaw ng mga tao dito sa bahay lalo na ang mama ko.
I dont know what will happen in the next day, next week or so on but for now.. It is better to leave this all to GOD.
Yun na lang ang inisip ko to face the world without any fears.
~o~
Ei naalala ko..gumawa nga pala kami ng ate ko ng mocha dessert kaya lang bukas pa pwedeng kainin. :(
=aimme