26, 30, 5, 6, 20 .....
**********************
October 26, 2007
Araw ng enrollment namin nito pero nag-encode lang ako at inasikaso ang pagshi-shift ko ng course. Desidido na ako, tutal wala na akong ibang magagawa kundi gawin yun, Although alam ko pwede pang daanin sa pakiusapan ang ganoon. Ako lang talaga itong matigas at umayaw na sa kursong minsang pinangarap kong maging.
Nagpatulong na ako sa kaibigan ko para mabilis kong maayos ang lahat. Since una syang nakapag-shift, alam kong alam nya na ang lakaran. Habang nasa byahe ako, nung umaga ring iyon, ka-txt ko na sya na kung sino ang mauna sa amin, kuhaan nya na lang ako ng form.
Mabilis akong nakapag-shift. Matapos kong fill up-an ang form, agad naman na aprubahan ng associate dean. Marami ang nagshift nung araw ding iyon, sa pagkakaalam ko!
Marami ang nagulat nung malaman nilang magshi-shift ako. Yung iba kong kaibigan sinasabi na hwag daw akong lumipat kasi sayang. Iba naman, hwag daw FM ang kunin ko, bagkus MGA (manangement accounting) na lang. Iba rin naman, kung saan ako masaya... supportahan na lang!
~o~
Matapos kong paaprubahan ang shifting form na required for shifting course, kinausap ako ng isa kong kaklase na hindi ko masyadong naging ka-close. Halos parehas pala kami ng naging kalagayan sa kamay ng prof kong naging dahilan ng pagkakaranas ng pagkabagsak. (kapapanaginip ko lang sa kanya kanina)
Dalawang beses akong bumagsak at ganoon din sya. Hindi nya malaman kung ishi-shift nya na ba o itutuloy pa rin ang laban sa accounting. Nakakainis lang isipin na nagbibigay ako ng solusyon kung ano ang dapat gawin samantalang ang sarili ko hindi ko man lang maisipan ng ganoon.
"Ano bang balak mo? Gusto mo pa bang ituloy? "
"Hindi ko nga alam eh... ikaw ba?"
"Ako kasi nagshift na ako... mahirap kasi kung ipipilit ko pa ang accounting. Pero ikaw nasa sa'yo...kung gusto mo pang ituloy at gusto mo pa talaga ng accounting, tuloy lang... pero kung ayaw mo na... desisyon mo pa rin yan kung anong balak mo. O ano?"
"Ano bang course ang pinalit mo?"
"Financial Management..."
"Bakit Financial Management?"
".... marami kasing make-credit na subject. At ito lang ang nakikita kong malapit sa course ng accounting."
"bakit hindi ka mag-MGA?"
"Binalak ko rin pero...ayoko kasing makita sa transcript ko ang singko ko..."
"Ganun ba yun?... ayaw mo na ba talaga mag-accounting?"
"........hmmm...ayoko na! " *smirk* "ikaw ba?"
"........." *isip*
"Kung gusto mo pa rin ng accounting, pwede pang pakiusapan pagkakaalam ko. Yun din kasi ang balak ko. Kaya lang... napagisip-isip ko, kung baka sakaling payagan ako at hindi pa rin nagbabago ang nararamdaman ko sa course ko, walang mangyayaring maganda sa'kin. Masasayang lang ang oras ko dahil hindi ko naman gusto ang ginagawa ko. Sayang lang din ang perang ibinabayad para sa tuition ko gayung ayaw ko talaga ng course ko. Ang mahal pa naman ng units. Ayoko na lang talaga... Pero ikaw... kung talagang gusto mo ang course mo, bakit hindi mo ituloy, alam ko pwede pang kausapin si Sir tungko dyan...So ano na?"
"........" *isip "Sige try kong kausapin...."
"Aba...talagang gusto mo pa ang accounting ah...Sige try mo.... baka payagan ka pa rin nyan.. pano? una na ako"
~o~
By that time, inamin ko at tinanggap sa sarili ko na suko ako sa accounting. Kahit gustuhin ko man saguutin ang tanong nya sa akin kanina na "OO, gusto ko pa sana kahit papaano i-try" pero... tumanggi pa rin ako. Hindi ko na sinugal ang sarili ko sa isang maliit na hope, na pwedeng ring maging malaki, kung sinubukan ko sanang gawin. That time, naiinis man akong marinig sa mga kaibigan ko na "SUKO KA NA? bakit? SAYANG!" wala na akong magagawa. HIndi kasi ako yung tipo na kapag alam kong may hindi na tama lalo't nakasalalay na ang kinabukasan ko, gusto kong ipasok ang sarili ko sa isang sigurado ng bagay para wala na akong masayang at hindi pa lalong lumala ang sitwasyon.
That time, tinanggap ko sa sarili ko na "FM" na ako. Mahirap man tanggapin na sayang talaga ang mga efforts na ginawa ko for the sake of passing the course, wala akong magagawa. I know, hindi talaga magiging enough ang pagpapagod ko gayung wala sa puso ko ang ginagawa ko. Hindi ko nagugustuhan. Hindi ako nakakahanap ng kasiyahan at hindi ko makita ang sarili ko na magiging ganoon nga talaga balang araw.
So I think, What I had decided was enough to start a new life, to seek happiness, and to know what I've really wanted.
~o~
Matapos kong makapag-encode, pagkauwi sa bahay... may katanungang pumapasok na nman sa utak ko...
"ano ba talaga ang gusto ko?"
"yun ba talaga ang gusto ko?"
"maging ayos na kaya ang lahat?"
"makakabalik ba ako kagaya nung dati?"
"Tama ba ang desisyong ginawa ko?"
"mahina ba ako?"
Lahat ng tanong na yan ay isang kaguluhan sa utak na maaring magbigay ng magandang kahihinatnan sa buhay mo o kung saan pa man.
~o~
Nung highschool, gusto kong kunin ang IT (information technology). Hindi man ganoon kalawak ang alam ko sa kompyuter lalo na't networking... Iniisip kong mag-eenjoy ako dahil yun ang gusto kong pag-aralan. Kompyuter! wala akong ibang gusto kundi alamin... alamin ang misteryo ng kompyuter.
Pero nung nag-take ako ng entrance exam sa UST, ni isa na related sa computer na course ay wala akong naipasa. Binigyan ako ng sulat na naglalaman na, bumalik ako sa ganitong araw dahil... may offer silang course na pwedeng kunin from the result of my exam. may kaklase akong naging ganoon din ang sitwasyon, sinabi nya, educ daw ang inoffer. Nagdecide akong wag na lang pumunta. Hindi dahil sa nalaman kong educ ang offer na course kundi umandar na naman ang pride ko! sabi ko sa sarili ko:" Bakit ko tatanggpin ang offer nila kung hindi naman pala ang gusto ko na course ang ipapakuha nila sa akin?! HIndi na...ayoko na kung mag-aaral lang din ako sa kanila na hindi IT ang pag-aaralan ko!"
Pumunta ako sa UE at nag-take ng exam. That time, hindi ko alam kung bakit hindi IT ang nilagay ko. Bagkus, yung offer ng ate kong accounting na lang daw ang kunin ko. So, accounting nga ang nilagay ko. Alam kong mahirap ang accounting na course kasi nung highschool pa lang, hirap na ako. Pero sinunod ko pa rin ang ate ko dahil sa paniniwalang, "Lahat ng bagay ay pwedeng matutunan"
Sa awa ng Diyos, nakakuha ako agad ng exam na agad din makukuha ang result. Habang naghihintay ng pangalan, nakikita kong, yung kasabayan kong nagtest nung mga araw na yun, matapos tawagin ang pangalan, pinapapunta pa sa kabilang window para sabihing hindi nakapasa at palitan na lang ang course. Medyo nakakakaba dahil hindi ko alam kung ganoon din ba ang mangyayari sa akin o hindi. Matapos kong maghintay ng ilang minuto, tinawag na rin ang pangalan ko. Laking tuwa ko nung sabihin sa akin ng employee sa admiin office: "pwede ka ng mag-enroll anytime!" Wala akong ibang sinagot kundi "thank you po!" pero anong ibig sabihin nun...ibig sabihin pasa ako! hindi ako pinapunta ng kabilang winodw eh... pasado ako! Masaya akong ibalita yun pagkauwi ko sa bahay pero kinagabihan ding iyon bigla ko lang naitanong...yun nga ba ang gusto ko?? bahala na...matututuhan naman ang lahat!
Nung una, ayos ang lahat, pero hindi naglaon, hindi na naging maganda, HIndi ko na magustuhan ang ginagawa ko. HIndi ko maibalik ang dating "AKO" kapag nag-aaral. Nawalan ako ng gana...iniisip kong pinipilit ko lang gawin ang lahat dahil nararapat! Sinubukan kong hanapin ang aligayahan sa ginagawa ko, pero hindi ko makita! Sinubukan kong gawin at pagbigyan ang gusto ko--katamaran, hindi ko sineryoso ang pag-aaral, pero hindi ko nagustuhan ang resulta dahil alam kong mali, hindi tama, at hindi talaga yun ang hinahanap ko! Nakaramdam ako ng depresyon, frustrasyon, minsan nga sa sobrang defense mechanism na ginagawa ko araw-araw... pakiramdam ko baliw na ako!
Nakaramdam ako ng pagkabagsak sa unang pagkakataon ng buhay ko bilang estudyante. Isang napakasakit na dagok yun mula sa ginawa kong kawalangyaan sa pag-aaral. Hindi ko naman masisisi ang sarili ko dahil naghahanap ako ng kasagutan sa tanong na: " yun ba talaga ang gusto ko? o pinipilit ko lang ang sarili ko?" Mataas ang pride ko, aminado ako... ayokong sabihin at tanggapin na susuko ako sa isang bagay na nasimulan ko na. Pero sa nangyaring ito, tingin ko nararapat lang na maranasan ng isang taong kagaya ko na mataas ang pride at kailan man hindi pa naranasang tumayo sa sarili nyang paa! Kailangan maranasan ng isang taong kagaya ko ang bagay na ito upang malaman ang tunay na hinahanap nya,,, ang tunay na aral sa buhay nya at higit sa lahat kung ano ba talaga ang gusto nyang gawin sa buhay nya...
Dahil sa naranasan ko... lumipat ako ng ibang kurso... may pagtatanong pa rin tulad ng..." ito ba talaga ang gusto ko? maging ayos na kaya ang lahat?".... sa ngayon...ang sagot ko pa rin...EWAN KO!
Sa ngayon, bagamat hindi pa rin malinaw sa akin lahat, gayun pa man, nakikita ko ang sarili ko na bumabalik na sa dating "AKO" Unti-unti kong hinahanapan ng ikaliligaya ang panibagong kursong nakikita ko, at medyo nahahanap ko naman kahit papaano. Hindi ko man alam kung tama ba ang desisyong ginawa ko, hanggat maari, gagawin kong tama para hindi ko na maranasan pa uli ang nakaraan. "Mahina ba ako?" Aaminin kong OO, naging mahina akong tanggapin sa sarili ko na ayoko talaga ng una kong kursong kinuha. Nilunod ako ng mataas kong "pride" kaya napakalaking kamalian ang naranasan ko sa buhay ko. Gayun pa man, salamat na rin dahil dun, unti-unti kong nababago ang sarili ko. Nasasabi kong hindi na rin ako ganoon kahina dahil naranasan kong madapa at natutuong bumangon. Ngayon, bumabangon ako sa sarili kong desisyon na walang sinasandalang desisyon ng iba. Lahat ng ginagawa ko ngayon ay mula sa aking masusing pagiisip at hindi sa panghihikayat ng iba. Ayoko kasing maulit ang dati na lahat ng nasimulan ko ay nanggaling sa iba. Ngayon, ito ang masasabi kong tunay na simula dahil ako na mismo ang talagang gumagawa.
=aimme=
p.s.
*not edited*
So, if you see some repeated words or unclear phrases, sentences or paragraphs, it may be due to the author's tiredness or sleepiness. Thanks for your kind consideration....