April 2, 2007 Monday, 9:38:43pmSa wakas nakapag-post ako uli. Actually dapat nga nung isang araw pa pero pinigil ng kapatid ko ang momentum ng pagpo-post ko. Anyway, andito na ako uli para makapag-post kaya sa ngayon hindi na issue yun..
********
Bago muna ako dumako sa ipo-post ko ito muna..
I try to look up my grades sa info kiosks ng UE. Yun ang kagandahan rin sa UE eh may online na pwedeng makita ang info about yourself. Anyway..yun na nga. I finally see some of my grades pwera lang sa P.E at Accounting. So, ok naman ang grades ko wala namang mababa o bagsak as of now. Pero sana wala nga talaga. Ok naman dahil ang pinakamataas na nakuha ko ngayon ay uno at ang pinakamababa na pero hindi naman talaga ganun kababa ay dos. The rest ng grades ko ay nasa line of one. Masaya na ang mata ko nun. Ayos na ayos na yun! Sana nga lang ay hindi ako bumagsak sa accounting dahil yun lang talaga ang pinakamahalaga sa lahat but it doesn't mean na pababayaan o hahayaan ko na lang ang iba pang subject. Basta sa ngayon yun lang muna ang inaabangan kong grade dahil dun ako nanganganib. Sana makapasa ako..
Ipagdasal nyo sana ako...
:)
********
My Long Lost Friend..After 6 years without any communication sa kanya, finally, nahanap ko na rin ang bestfriend ko na yun.
Back in time when I was in grade 4, ito ang taon na una ko syang nakilala. Itago na lang natin sya sa pangalang "Hanamichi". Sa unang tingin, makikita mo na sa itsura nya ang pagiging tahimik at pagkahilig mag-isa (ika nga: "loner" ang taong yun) Nung grade 3 pa lang ako, madalas ko na syang makita twing uwian. Iisang room lang kasi ang gamit naming dalawa pero pang-hapon ako nun at sya naman pang-umaga. Madalas ko syang mapapansin t'wing uwian na laging nagmamadali sa paglakad. Nagmamdali na kala mo may hinahabol. Sa itsura nyang iyon, isa syang taong hindi marunong mamansin at walang pakialam sa mundo. Pero gayun pa man, hindi umubra sa akin ang pa-epek nyang ganoon!Nung nasa grade 4 na ako, nag-shift ako ng pang-umaga. Sa pagkakatanda ko, wala nang panghapon sa grade 4, lahat ginawang pang-umaga kaya dun nagsimula ang "early life" ko sa school. Section 1 ako palagi, gayun din sya kaya hindi nga naman impossible na maging magka-klase kami.
Simula nung klase, hindi ko na matandaan kung paano pa nagsimula pero bigla na lang kami naging magkaibigan. Sa pagkakaalam ko ako ang pinakaunang naging bestfriend nya. Ako lang din kasi ang naging kalapit nya sa klase, ako lang din siguro ang nagkaroon ng lakas na loob para maging kaibigan sya bagamat kakaiba ang tingin sa kanya ng iba.
Si "Hanamichi" ay may ugaling hindi namamansin at loner tulad ng sabi ko kanina pero isa sa dahilan kung bakit naging ganito ang ugali nya dahil sa pamimintas ng mga tao sa paligid nya. (parang pang-anime ang kwento ng ugali nya..) Hindi naman din kasi kaila na kapansin-pansin nga naman talaga ang pagkakroon nya ng depekto sa mata. Hindi masasabing malabo ang mga mata nya. Hindi rin sya masasabing duling. Siguro masasabi kong banlag..yun.Yung dahilan kung bakit naging ganoon ang mata nya, akin na lang yun. Sikretong malupit na sa akin nya lang talaga sinabi. :) Ako na rin minsan ang naging tanggulan nya sa mga nangaasar sa kanya. Yun siguro ang dahilan kaya kami naging malapit sa isa't isa.
Masasabi kong kababata ko na rin ang kaibigan ko na 'to. At habang patuloy na lumilipas ang panahon, patuloy rin naming nakikilala ang ugali ng bawat isa. Isa sa ugaling hindi ko malilimutan ay ang kanyang pagiging "sweet" na kaibigan.
Bagamat malayo ang bahay nila, mula pa sa bayan, dahil sa kagustuhan nyang parati kaming sabay kung pumasok, sinusundo nya ako sa bahay. Naglalakad lang sya nun mula sa kanila papunta sa amin dahil alam ko naman ang estado nya sa buhay. Parehas lang kaming hirap! hirap sa pamasahe! heheh.. Isa pa mga bata naman kami kaya hindi uso sa amin o hindi namin alintana ang papagod-pagod o pananakit ng talampakan sa layo ng nilalakad.. :) Nilalakad lang namin ang eskwelahan t'wing papasok na magkahawak pa ang kamay habang nagku-kwentuhan. Normal lang yun sa mga bata noon.
Bukod sa pagiging "sweet", mabait din naman si "hanamichi", naalala ko, may isa pa kasi kaming kasama-sama sa eskwela, kaibigan rin namin, kapag walang pambili ng pagkain ang isa, sya na ang mismong tumataya..kaya minsan humahati na rin ako sa pagtataya. Sa kanya ko siguro nakuha yun. Naimpluwensyahan ako.
Bagamat hindi namamansin ng iba si "Hanamichi" na yun sa lahat lahat ng naging katagpo nyang tao, swerte ko at hindi ako napasali dun! Medyo..ay hindi pala medyo..talagang seryoso ang taong yun. Hindi mo masyado kakikitaan ng ngiti sa iba. Hindi nya masyado binibigay ang "cute" nyang ngiti kundi sa'min lang mga kaibigan nya. Likas na talaga sa kanya ang pa-mysterious epek na totoo naman.
Ang nakakatuwa ring balikan na ugali nya bagamat isa syang mukhang walang pakialam sa mundo ay marunong din magselos ang loko! Naalala ko nung grade 5 na minsan nagkahiwalay kami ng upuan dahil ginawang alphabetical order ang upuan nagkaroon ako ng iba pang kaibigan. Dahil sa letter "D" ang apelyido nya at ako ay "T" talagang ang layo nga naman nun! Medyo madalang kami nakakapag-usap t'wing klase at nakikita nya rin na halos iba na ang kadalasang kausap ko. Nako..nagselos ang loko! Hanggang sa dumating ang punto na hindi ako pinapansin at nagkaroon pa ng alitan sa pagitan ng isa ko pang kaibigan na madalas kong kausap. Yung mga oras na iyon, iniisip ko..ayokong dumating sa punto na papipiliin ako ng dalawang kaibigan ko na yun kung sino ang sasamahan ko sa kanila. Iniiwasan ko pero ganon ang nangyari!
Nakakatuwa ang isa kong kaibigan na itago na lang natin sa pangalang "tamahome" dahil handa syang magparaya. (sa ganoong edad..akalain mong ganon na kami mag-isip!) Kinausap ako ni "Tamahome" tungkol dun at sinabi nyang ayos lang kung si "Hanamichi" ang piliin kong samahan, hindi sya magagalit o magtatanim ng sama ng loob sa akin. Sa side naman ni "Hanamichi" talagang kahit magkaroon ng gera..papatos yun basta sya lang ang masamahan ko. Ganun ang ugali nya maipaglaban lang ako!
Nakakatuwang balikan yung mga oras na yun.. pero ang tanging desisyon para masolusyunan ang problemang yun.. Wala akong pinili sa kanilang dalawa. Parehas ko silang kaibigan bakit ko hahayaang may isang kailangang "mag-isa". Inisip ko, kung magpapatuloy ang ganoong alitan, mas mabuti na lang na wala akong samahan at ako na lang ang mag-isa at least magiging patas ang labanan. Sinabi ko sa kanilang dalawa iyon nung kinausap ko sila ng sarilinan. Yun, naging maayos naman ang lahat. Tanggap ni "Hanamichi" at ni "Tamahome" pero hindi pa rin sila magkasundo nun sa pagkakatanda ko kahit na pinagbati ko na sila noon.
Minsan na rin kaming nagkagalit ni Hanamichi pero hindi naman tumatagal yun. Hindi rin kasi makatiis ang loko! ako naman kasi basta 'pag nagkangitian na mula sa ganoong away..ok na yun! Bati na kami uli..limot kaagad kung anuman ang hindi napagkaunawaan. (sa madaling salita, nakaha ako sa ngiti!)
Bukod sa ugali nya, physically cute ang taong yun. Maging sa height naging "cute" rin ang biyaya sa kanya. Sa aming tatlo, sya ang maliit pero small man..terrible din yun. Astigin din ang utak nun! Matalino at masipag mag-aaral. (hindi gaya ko na nag-loko nung time na yun!) Simpleng tao lang sya at walang arte sa kung anu pa man. Bagamat iba man ang tingin sa kanya ng mga iba kong kaklase noon, dahil nga sa pagiging loner at walang pakialam sa mundo...masasabi kong isa sya sa pinaka the best na naging best friend ko at naging bahagi ng buhay ko!
:)
***********Matagal kong hinanap ang kaibigan ko na yun sa friendster. Siguro, since nung magkaroon ako ng account at isa pang account.(naging dalawa ang account ko) pero hindi ko sya matagpuan. Malamang nung mga araw na hinahanap ko sya wala pa talaga syang account. Hinhanap ko ang tao for just one simple reason nami-miss ko ang loko! Gawa na rin siguro ng matagal na samahan dahil naging kababata ko na rin. Isa pa, nung mabasa ko ang sulat nya nun sa akin..napagisip-isip ko, walang ibang may kasalanan kung bakit nawala ang koneksyon namin sa isa't isa kundi AKO! Ako kasi ang hindi sumusulat..heheh.. Masyado akong naging busy nung 1st year sa mga gawain. Dagdag na rin siguro na nagkaroon din ako ng panibagong kaibigan kaya hindi na ako gaano nakakapag-reply sa mga sulat nya.(kung sinu-sino kasing bestfriend ang inatupag ko! :P)
Pero ngayong natagpuan ko na sya uli, ako naman ngayon ang sumulat at naghihintay sa reply nya. Umaasa ako na sana hindi sya nagbago. Naalala ko kasi ang isa pa naming kaibigan noon. Medyo nagbago na ng ugali..kumpara noon. Sana hindi sa ganoon nabago.
************
Buhat sa kwento ko kanina tungkol sa kanya, pumapasok tuloy sa isip ko na napakabilis ng panahon. Hindi ko alam na dahil sa pagiging masyado kong abala sa pagtupad sa mga naisin ko sa buhay, may mga bagay na nakakaligtaan ko gawin o lingunin. Siguro ang lesson dun sa pagdaan ko sa daanang ginagawa ko, hindi masamang lumingon kung minsan para tanawin kung ano na nga bang narating ko..baka kasi tulad nito, may mga tao pa lang isa sa dahilan kung bakit ako ganito ngayon, nakalimutan ko pang pasalamatan. Mas malala, baka malimutan ko pa ng tuluyan.Siguro sa ngayon dapat eh.. subukan kong lumingon lingon sa mga taong nasa paligid ko para wala akong makakaligtaan o masaktan man lang. At least kahit na abala ako sa paggawa ng ng kung anu-ano dito sa mundo hindi ko makakalimutang nagdaan sila sa buhay ko. :)
Minsan kasi talaga dahil sa masyado akong focus sa gingawa ko, hindi ko na napapansin ang mga ganitong bagay kaya tuloy nagkakaroon ako ng kakulangan sa sarili ko. Siguro, oras naman ngayon na mabigyan ko sila ng atensyon.
balik tayo sa kaibigan ko...
Tulad ng kaibigan ko na yun, nakakatuwa dahil mula sa murang isipan pa namin nun, naimpluwensyahan ako ng maganda..gayun din naimpluwensyahan ko sya. :) Sana nga sa pagkakaroon uli namin ng koneksyon sa isa't isa maipagpatuloy namin ang dati naming samahan noon. Bagamat matagal na panahon na..hindi sana nawala iyon sa kanya gaya ng sa'kin ngayon. Na hindi nawala kahit kailan. Patuloy ko pa rin pinangangalagaan hanggang sa muli naming pagkikita.
(saang line ko nakuha yun??)
*************
Hay na ko po...masyadong ma-drama ang post ko..pero yun lang talaga ang nais kong sabihin. Sa ngayon hinihintay ko ang reply nya..sana nga lang ay mag-reply sya... Pero higit sa lahat..sana hindi nagbago ang lokong yun! pero tingin ko naman hindi dahil alam ko kung paano tumakbo ang isipan nun.
Sige hanggang sa susunod na post uli kapag nakapagreply na sya..
=aimme=

Labels: Friendships that have stood the test of time and change are surely the best. ~ Joseph Parry