FEC 421
Dream-PArt 2
After doing a simple poem for my previous dream, parang ayoko na atang sumulat! lalong lumalala ang mga eksena at patuloy na naging wirdo! May mga taong hindi ko kilala na umeksena. Sila pa ang kasama sa bida. Maganda naman kung tutuusin pero hindi ko gusto ang nagsi-ganap kaya...hindi na ako susulat pa para maalala yun! Kung tutuusin gusto ko nang kalimutan pero kapag nababanggit ang salitang "panaginip" o lumitaw man ang ilang mga bagay na nakita ko dun, naaalala ko. Pero di bale..lilipas din ito! sa ngayon, never na akong gagawa! Period!
~o~
FEC 421
Yun ang subject code ng OJT- office internship... na binabalak kong i-enroll. Nag-enroll ako nung friday lang. Maaga akong pumunta, hapon ako natapos... sa huli... na-enroll ko na nga. Solve kami ng kaibigan ko sa pag-aalalang hindi kami papayagan. Pero ngayon...napapaisip ako... solve na nga ba ang kagustuhan ko??
Inabot kami ng kaibigan ko ng ilang oras sa kakaisip kung paano namin ipapaliwanag sa admin kung bakit kailangan namin makuha ang ojt. Kinailangan namin isipin yun dahil sa di inaasahang pagpapatupad na bawal ang waiving of subject. Malamang, since inimplement yun, para naman kaming sira na pupunta pa sa admin para sabihin na magpapa-waive kami. Mahirap ng masabihan ng isang terror na college secretary na "hindi ba kayo nakakaintindi!" kaya nagkaroon muna kami ng konting pag-pa-praktis sa pangungulit.
Inabot nga kami ng ilang oras, pero sa pagtunganga na rin at walang ginagawa. Malaki kasi talaga ang posibilidad na hindi kami payagan since ang pag-asa namin ay yun lang talaga. Kaya bago sumabak sa kahihiyang aabutin, kumuha muna kami ng lakas sa mcdo. Sa burger at mcfloat at konting kwentuhan sa RCBC robbery, medyo nakalimutan namin ang pangamba at takot.
Ala-una na rin pasado nung magkaayaan na harapin ang dapat harapin. Pero bago ang lahat, pumunta kami sa kaibigan naming nagtatrabaho sa loob ng school, Baka sakaling may mahugutan ng tulong. Pagpunta namin dun, parehas din pala kami ng problema! Pero ayos naman sa pagbibigay ng payo.. "encode muna kayo, tapos kapag hindi na-add, punta kayo sa admin". Dahil sa wala nang iba pang maisip, sinunod namin sya. Laking katangahan nga naman, bakit nga naman ba nag-jumped kami agad sa conclusion, since di pa naman namin nasusubukan gawin iyon?? Pagdating sa pag-eencodan ng subjects...ayon! pasok agad lahat...walang waiving of subjects na nangyari dahil lahat ng mga subjects na napili namin ay pwede kahit pre req. Lalo na ojtna di pa talaga dapat ngayon, next sem pa! hay...may halong saya dahil sa katangahang nagawa namin. Solve kami...nakapag-enroll na...pasukan na lang ang hinihintay. ayos na...Ako kaya??
~o~
Hindi ko alam pero masaya naman ako na na-enroll ko ang subject na ito. Importante na kasing makuha ko ito para hindi na ako naghahabol sa oras pa for the next sem. Mabuting mas pinaaga ko para isang taon na lang talaga ang gugugulin ko sa pag-aaral (with one summer class). Kaya lang, ewan!bumabalik kasi ang pakiramdam na naramdaman ko last sem nung una naming pinag-planuhan ang ojt.
Hindi ako takot. Kinakabahan...sandali...pinakiramdaman ko ang puso ko..hmmm...hindi naman! Nag-aalala...siguro nga..pero ewan kung bakit??
Hindi sa wala akong tiwala sa sarili ko eh...tsk! Ako pa! basta sarili ko ang pinaguusapan, ayokong napapakialaman! Tiwala ako sa bawat desisyong ginagawa ko para sa sarili ko! Pero sa ngayon kasi... nagkakaroon ako ng mga doubts sa papasukin ko! Handa na nga ba ako sa ganito?? Kung tutuusin, ito na nga ang pinakahihintay ko matagal na. Kapag kinukwentuhan ako ng ate ko tungkol sa trabaho nya..nakakainggit, nakaka-excite, na parang gusto ko na ring gawin ang ginagawa nya. Noon nga...o magpa sa hanggang ngayon, parang minamadali ko ang pag-aaral ko para lang sa ganito. Pero, bakit ngayon parang...timeout muna! T_T
HIndi ko kasi malaman sa sarili ko kung natuto nga ba ako sa field na napili ko? May natutunan ba ako?? yung tipong hindi mo na kailangang ng libro o kung ano pa man para malaman mo uli ang isang bagay dahil automatic kapag nabanggit yun ay nasa utak mo na agad! yung tipong ganun?? Sagot ko.. parang oo na...alangan ako! Pero kung tutuusin, sabi na rin ng mga prof na nagdaan sa buhay ko, "ang lahat ng pinag-aaralan namin ay theory lang! Hindi lahat ng yun ay mai-aapply sa kapag nagta-trabaho kana!" sa bagay, totoo naman! Isa ito sa pinanghahawakan ko para medyo bumalik ang engganyo ko sa minsang ginusto ko. Isa pa dito ay yung mga kwento ng ate ko. Kahit na nakakalula minsan o nakakasawa nang pakinggan dahil pa-ulit-ulit, medyo lumalakas na rin ang loob ko kpag sinasabi nyang madali lang! Humahawak kasi sya ng mother PO ng isang kompanya. Graduate sya as BS Communication Arts, napakalayo sa course na natapos nya pero nagamay nya ang gayung kabigat na gawain. Pano pa kaya ako e mas dun ang field ko? Malamang mas gamay ko yun!
Pero hindi ko pa rin alam... siguro sa simula lang ito kasi papasok pa lang ako. Once na nasa loob naman na ako, dun ko na lang masasabi kung ayos ako o hindi. Kung may kulang pa o tama lang! malamang madadagdagan ang malalaman ko pero sana lang wag ako magulat sa kung anong makakaharap ko dun!
~o~
sa ngayon ikapapasalamat ko talaga ang pagkakaroon ko ng ojt. Kahit na buong araw akong magiging wala sa bahay, kasama na rin ang klase dun! 4 hours na araw araw ang ojt tapos 7 hours na klase...hay...kakayanin ko yan! Basta salamat na lang ng marami sa Kanya dahil 'to na ang napiling maitadhana sa akin. Ayos lang, magiging maganda naman ang reward eh. 1 taon na lang..tapos na ang lahat!
Siguro.. Think Positive na lang...to throw away all the doubts or whatever! basta basta!! Bahala na sa pasukan! Tulad ng sinasabi ko noon at magpa sa hanggang ngayon... "GAWIN ANG DAPAT GAWIN!" wala eh...basta! Adjah adjah! yun na lang muna siguro! T_T Ayokong idaan sa tulog ang lahat! T_T
Mawala na sana ang ganitong pakiramdam!
T_T
GOD Bless...
:D
=mimi=