--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Thursday, October 30, 2008

Great Expectation

Napapansin kong masyadong napapadalas ang paglalagay ko sa blog ko kumpara nung nakaraang o nagdaang mga buwan. Sa bagay hindi na ako magtataka pa dahil yung mga panahon na iyon ay subsob ako sa mga gawain. Laking ikinapasalamat ko lang dahil hindi ito kinabigay ng katawan ko. Bukod pa doon mas maganda pa ang naging benefit sa akin ngayon!

*********

Galing ako ng eskwelhan kanina para mag-enroll. Kung tutuusin, nung miyerkules pa ako nandoon, hindi ko lang ntapos asikasuhin ang lahat nung mga araw na iyon dahil sa tagal ng pilang inabot ko doon. kaya naman, dahil sa inabutan na ako ng gabi sa eskwelahan, bumalik na lang ako ngayon.

Hindi naman talaga ako tatagal ng ganoon sa eskwelahan kung hindi na kami ng kaibigan ko magrereklamo sa bagong policy ng school. Sa totoo lang, ang eskwelahan ko ang nakikita kong may magandang pamamalakad ng enrollment dahil sa organisadong proseso nito. yun nga lang dahil nga sa bago na rin ang naupong namamahala nito, maraming nagbago na sadyang hindi masyadong naging pabor sa mga estudyante.

Nagreklamo kami ng kaibigan ko tungkol sa bagong units ng curriculum namin. Expected na namin kasi na ang units for this 2nd sem is 24.. maximum na yun! Binalak nga namin na since 24 units kami, mag-oover load kami kahit 27 lang para summer grad na kami pero may nalaman nga kaming hindi inaasahan. Since binago ang policy, yung units namin ay naapektuhan. ang dating 24 naging 21 na lang! Malaki ang epekto nun sa akin dahil after ng sem na ito, hindi ako papayagang mag-summer dahil magiging 15 units ako! Hindi ako magiging summer grad! At bukod pa dun, nanghihinayang ako dahil ang matitirang subjects ko na lang ay halos minor na lang. So, naghain kami ng reklamo ng kaibigan ko.

Una, nagpa-initial evaluate muna kami dahil yun ang proseso para malaman kung malapit ka na nga ba grumaduate. Tapos namin magpa-evaluate, expected na talaga namin na hindi kami papayagan na mag-overload dahil nga sa marami pang units ang natitira. Pero may iba pang dahilan kung bakit...gagamitin kasi namin ang documents na iyon.

Pangalawa, pumila kami at naghintay hanggang gabi para lang maihain sa associate dean ang reklamo namin: anuman yun? ito yun!
"mapagbigyan kaming mag-overload kahit 24 units lang. hindi naman talaga namin hiling ang sagarin agad ang units. basta madagdagan lang ngayong sem para umabot kaming maging summer grad" Buti mabait ang dean at naintindihan kami. Pumayag naman as long as walang pre-requisite. Inisa-isa namin sa kanya nakita nya namamng malinis ang intensyon namin at marunong kaming sumunod sa usapan. Pinirmahan nya ang overload form kaya medyo ayos na. Medyo ayos lang kasi may isa pang approval nakailangan.

pangatlo, pumunta kami ngayon sa registrar para magpa-approved ng overload form. medyo nainis na ako sa babae dahil maayos akong nagtatanong, hindi naman ako sinagot ng maayos.

Sabi ko: "ma'am after po nito, anong pong susunod na gagawin?"

sinagot ba naman ako ng pabalang! sabi nya: " sa college nyo!"

Hindi ko na lang pinatulan dahil mas ninais kong umalis na lang sa place na yun. isa pa, ayokong masira ang magandang record ko sa school ko kaya kahit na inis ako... tumahimik na lang ako at nag-thank you bilang pagpapakita ng respect. Kung tutuusin, maiintindihan ko kung kaya sya napasagot ng ganoon ay dahil sa marami syang ginagawa, eh kaya lang hindi eh. Wala naman syang mabigat na ginagawa! isa pang kinadagdag ng inis ko pati ng kaibigan ko, naghintay kami ng matagal, pirmang di tatak lang pala ang ilalagay para ma-approved! Sabi nga ng kaibigan ko, sana nag-volunteer na lang tayo na magtrabaho dito. kahit walang sahod at least naging mabilis lang ang trabaho. Tumawa na lang ako sa sinabi nya, kaya kahit papaano nawala ang inis ko. nakakainis kasi ang sagot eh...kasi, common sense naman na sa college talaga namin ipupunta yun pero ano pang kailangan tapos nun. Yung proseso ang hiningi ko pero hindi nya naibigay!

Apat, alam kong wrong pero we did that kanina. Sumingit kami sa pila ng kaklase ko! weheheh... kung tutuusin naman kasi, hindi naman na talaga namin kailangan pumila dahil ibabalik na lang ang form na yun tapos babaguhin na lang ang units tapos nun, tapos na! Pero laging mainit talaga ang mata sa min ng guard.. pero dahil sa pagtyatyaga namin kumuha ng diskarte, nasa unahang pila agad kami! Pinagtyagaan naming hintayin matapos ang lunch break nila. Hindi kami umalis. Nagbunga naman ng mganda... naasikaso kami agad, pinayagang mabago ang units, ready for encoding na kami. Sa wakas nakuha namin ang hiihiling namin. Ga-graduate ako nitong summer. Ayos!

****************

Nasa encoding room kami ng kaibigan ko at tuwang-tuwa dahil nanalo kami sa pinaglaban namin. Maraming tao sa loob pero dahil nga sa ayos ang eskwelhan namin, mabilis makapag-encode ang mga estudyante dun. bagamat medyo nagkaroon ng pila sa labas, mabilis naman ang usad nun.

Nag-eencode kami ng subject... may lumitaw na "dialog box" sa screen ko. Nak ng yan! qualified ako for college scholar! Pasok ang average ko. mas mataas sa inaasahan ko. Bagamat may bago na naman akong lalakarin bukas, Ayos lang dahil may magandang benefit naman yun! Nasabi ko na iyon sa mga magulang ko dahil sa ilang mga kadahilanan pa. Sa ibang post ko na lang ilalagay siguro yun... Nalaman ko na rin naman na makakapasok ako pero hindi ko akalaing malaki para ang discount ko ngayon. Sakto nga ang pagkapasok ko gayung lumaki ang tuition ngayon. Kalahati rin ang mababawas kaya malaking tulong talaga ang pagkapasok ko. Nakakatuwa dahil kahit last sem ko na ito kung tutuusin ay nakapasok pa ako. Actually, plano ko yun talaga for some other reason na hindi ko na muna babanggitin dahil ayaw kong magpaka-senti ngayon. sa next post siguro baka ilagay ko. so yun nga! Buti napagbigyan ako sa gusto ko na ito dahil nga sa lihim kong rason. Nakakatuwa lang dahil hindi ko akalaing masasama ako gayung dala ng OJT at EVSAP (business planning) hindi ako nagkakaroon ng oras na makapag-aral sa iibang mga subjects. Bukod pa dun, ngayon lang ata sa nakaraang sem na wala akong ibang dalang gamit kundi pang OJT lang at EVSAP. may mga libro ako sa ibang subject pero hindi ko binabasa. ni wala nga akong notebook eh! minsan papel lang at minsan as in walang sa dalawang nabanggit ko ang dala ko. Siguro maliit na notebook pang ojt. Yun ang hindi ko kinakalimutang dalhin. Pagkauwi ko sa bahay, halos pinagpapaliban ko na ang pagkain ng hapunan, agad tulog nalang matapos ihanda ang damit at gamit ko para bukas. kapag may exam, minsan hindi na ako kakapagreview. Kung ano na lang ang naaalala ko...yun na lang... Kung tutuusin pressure nga sakin ang sem na ito dahil pinagsabay ko ang OJT at EVSAP na masyado talagang matrabaho. Tapos full load pa ako...hindi ako nagbawas ng units. But still I used to manage all of that. Napasa ko na nakapasok pa ako sa scholar. kaya naman natutuwa ako!

Although nakakatuwa ang nangyayari ngayon about sa school, may konting pangamba pa rin akong iniisip eh...

****************

Personality ko na talaga ang mag-anticipate sa kung anong nangyayari sa akin ngayon kaya naman kahit alam kong maganda ang biyaya sa akin ngayon medyo napapaisip ako tungkol sa mga taong nasa paligid ko. Simula kasi ng tumuntong ako ng college, pinangunahan ko na ang sarili kong hindi ako yung magiging tipo na "book worm". Although, ika nga ng iba dapat seryosohin na pero hindi... against ako dun! Dahil sa hindi ko pagkakaroon ng masayang buhay nung highschool, sinabi ko sa sarili ko nagagawin ko yun ngayon college, kaya naman, around first year to secoond year... naging ok ako. Nadevelop ang personality ko. Mental skills and kahit papaano emotional na rin (heheh..) medyo nagakaroon ng enhancement and development. Pero mid 2nd year and third year, nagka-problem na naman ako sa kurso ko. Hindi ko na iku-kuwento pa dahil nasabi ko na iyon dito matagal na. Kaya ihalintulad nalang natin yun sa isang taong nagsusuka, yung tipong gusto mo nang magsuka pero hindi mo pa malaman kung kailan mo ito maisusuka. Dumating ang oras na naisuka ko na ang dapat na isuka. Kaya yun...naging maayos na ulit ako. bagamat marami at nagkaroon ng malaking epekto iyon sa mga taong nasa paligid ko, wala na akong magagawa. Hindi ko naman kasi ginusto ang makaramdam ng pagsusuka... kailangan ko na talagang isuka para gumanda ang pakiramdaman ko kaya isinuka ko na. kailangan ko lang ang pagiintindi at pang-unawa nila. Marami akong narinig na hindi maganda... ganun naman kasi talaga kung nagkakasakit ka... parang magagalit sa yo ang buoong mundo saka ka susuportahan. Alam kong marami akong nadismaya, pero kung nakaramdam man sila nun, mas isipan naman sana nila na mas higit AKO dahil SARILI ko ito! Actually, may masakit akong natanggap nun na salita na hindi ko talaga makalimutan. Ang dating kasi nun parang nahusgahan ako ng mali sa nagawa ko gayung hindi naman nya alam ang totoong dahilan. Expected ko na na yun talaga ang maaring matanggap ko na salita kaya kahit na alam kong alam ko sa sarili ko na I am being misjudged by this people, just accept it na lang! alam ko naman kasi na nadismaya ko sila... anong rights ko mag-explain? although I do have a rights to defend, useless pa rin. Dun ko na-confirmed na dahil sa patuloy kong pag-function nitong college, lumalaki din ang expectation ng mga tao sa paligid ko sa akin.

Expectation...

Isa sa mga kinaayaw kong salita!

"Expectation" coming from them has something to do with "demanding" eh. Kahit na its not directly implied, pero ramdam kong andun yun eh. From the moment I took accounting course, lumabas ang "expectation" na yun. At habang gumaganda ang performance ko, lumalabas si demand. Honestly speaking, sa nakikita ko, kung walang expectation there would be no development. Kung wala ring demand there would be no development, too. So, kailangan ng expectation and demand to have development. Pero speaking sa dalawang salita na ito, hindi magiging maganda ang outcome kung walang unity sa willingness mong i-accept ang expectation and demand. Kahit tignan mo pa sa definiton ng "demand" in economics, it is still refers to the willingness of the buyers to buy a product in a given of price. So "willingness" is one word to have a better result in demand. "Expectation" yun lang kasi ang pinagmumulan... sana naiintindihan pa ng kung sino mang bumabasa ng blog ko ang pinagsasasabi ko! T_T

Ngayon, dumako na tayo sa pinangangambahan ko. Ayaw ko na kasing mabuhay sa expectation ng mga tao sa paligid ko. i want to live in my own expectation to myself. Tignan mo ang nangyari sa akin ngayon, I used to obtain scholarship kahit alam kong medyo mahirap makuha yun. but still, I useed to obtain that by my own expectation to myself. I used to plan and yet that is only a plan. So I have to be more competence not just only confidence. My willingness to sacrifice?? hmmm... hindi din eh.. my willingness to accept whatever may come along drives me to this outcome. I just did whatever should be done. I used to have fun sa ginagawa ko without expectating something bigger. Scholarship is just my plan, kung hindi ko man makuha...wala akong paki! kung makuha ko man...thank you! So kumbaga sa sales "break-even" ang habol ko sa pag-aaral. Mas mabuti syempre ang kumita ng profit, wag lang maging loss. Pero nasanay na akong maging neutral. So in this case, I want it to be balance...

Since na-obtain ko ngayon ang scholarship, expect the unexpected! ganun talaga yan! Hindi na mababago ang mag-increase na naman ang expectation as well as demand sa akin. So I have to prepare myself. Pero tulad nga ng sinabi ko, I dont want to live up in their expectation. Nakaka-pressure kaya! So, gagawin ko kung ano ang dati ko pa ring ginagawa. Hindi ako makikinig sa kung anong gusto nila dahil this is my own life. Kailangan ko support hindi demand! wehehe... Sa datin naman ng pananalita ko parang may tinutukoy na akong tao, pero definitely wala. may bumubuo lang pero marami sila. Malamang madaling sabihin na magulang dahil sila ang nagpapaaral sa akin pero hindi lang sila ( pero isa talaga sila dun!ehehe) marami pa! wahaha...MAsyado lang kasi akong maapektuhan kung pakikinggan ko ang lahat ng hinihiling at gusto nila para sa kin. Susundin ko lang ang mga gusto nila kung ginusto ko rin gawin para sa ganun sakin pa rin ang sisi!

Basta... Totally, it is a benefit, to have my scholarship now. Pero I just hope this time, ginagawa ko na ito sa sarili kong kagustuhan since nagawa ko nang gawing patas ang labanan ngayon!

Sinabi kong nagkaroon ako ng plano, so I think hindi na yun magbibigo dahil kung maiintindihan mo ang nasabi ko sa itaas. Malalaman mo kung bakit last term ko lang pinalanong magkaroon ng scholarship! heheh...

Ang dami ko ng pinagdaan kaya naman bago ako umalis ng college, gusto ko nagawa ko ang dapat kong gawin na wala na halos pagkakamali at atraso sa mga tao.

Parang last messege ang dating ah... pero salamat sa mga tao na ito dahil kung hindi dahil sa kanila... malamang hindi ako makakaisip ng ganito.

"No pain, no gain'



=mimi=
p.s.
ang haba! "p.s" na lang ang basahin mo!

"Great Expectation" paborito kong korean movie na pinagbidahan ni "Kim Sam Soon"

Monday, October 27, 2008

Nilagang Itlog Part-1

Paano ba malalaman kung luto na o hindi pa ang nilagang itlog?

Hindi ako nagpapatawa o nagbibiro, seryosong tanong ito! Kung bakit ko tinatanong… hmmmm………….wala lang.

Ginising kasi ako ng ate ko ng Linggo ng madaling araw para tulungan sya. Medyo nahuli sya ng gising kaya dahil sa wala pa ang kasambahay namin sa bahay, nagpatulong na sya sa paggawa ng egg sandwich. Halos wala pa akong tulog nun kung tutuusin. 30 minutos pa lang siguro ang naitutulog ko kung gisingin nya ako kaya naman kung anong iutos nya ay sinusunod ko ng walang pag-iisip.

“Maglaga ka nga ng itlog” sabi nya sabay abot sa kamay ko ng dalwang itlog. Agad ko naman kinuha at nilagay muna sa mesa habang kinukuha ang mala-kaserolang pagsasalangan ng itlog. Nang meyo natauhan at nagising-gising ang utak ko, nasa loob na ng banyo ang ate ko ng maitanong kong, “paano ko malalaman kung luto na ang nilagang itlog na ito?”

Aminado ako na wala akong masyadong alam sa pagluluto. Ang kaya ko lang lutuin ay mga prito. Natuto akong mag-prtio sa panonood lang sa nanay ko nung sya pa ang nagluluto para sa amin. Natuto na rin akong magsaing sa dahilang ayaw kong maasar na hindi akong marunong magsaing. Sa mga natutuhan ko tungkol sa pagluluto, doon ko nalaman sa sarili kong mabilis akong matuto kahit isang beses ko pa lang ginagawa. Pero balik muna tayo sa itlog.

Nasa CR na ang ate ko nung tanungin ko sya kung paano malalaman kung ayos na ang itlog. Nang pilit kong tanungin sya kahit nasa banyo na sya… ang sagot nya: “hintayin mong kumulo!”

Matagal kong tinitigan ang itlog sa mala-kaserolang (actually, hindi ko alam ang tawag sa pinaglagyan ko ng itlog) pinaglagyan ko nun dahil sa iniisip ko ang sinabi ng ate ko, Medyo tumitino na ng konti ang utak ko kaya naman hindi ko tinanggap ang sagot ng ate ko. Nung mga oras na tinitignan ko ang itlog ito lang ang nasa utak ko.

“Hindi pwedeng sa pagkulo lang ng tubig ang maging batayan ko dahil may isang itlog dito na kalalagay ko lang! Ano bang gagawin ko?”

a. sundin ang sinabi ng ate ko
b. hintayin kong mag-crack ang shell
c. hintayin kong maubos ang tubig sa mala-kaserolang lalagyan at least safe-work ako
d. hintayin ko na lang si manang since sya naman ang nakakaalam
e. uhmmm…wala sa nabanggit!
f. mali ang letter....( wag na lang...)

Hindi ko sinunod ang letter “a” dahil alam kong mali nay un. Kawawa at sayang ang isang itlog na halos kalalagay ko lang kung susundin ko ang sinabi ng ate ko. Habang nakatingin sa kumukulong tubig at pinagmamasdan ang tatlong itlog. Napatingin ako sa oras, “mag-aalas singko na pala. Hintayin ko na lang kaya si manang?! Pero lagot ako sa ate ko dahil nagmamdali nay un!” So letter “d” ay na-disregard na rin. Maya-maya habang tinititigan at inoobserbahan ang itlog, may nakita akong “crack”. Nung mga oras na iyon, mukhang nakakita na ako ng sagot kaya yun na lang ang sinunod ko para “fair” sa tatlong itlog. Hindi ko na pinagtuunan ang letter “c” dahil hindi ako magtya-tyagang paubusin ang tubig na nilagay ko sa mala-kaserola nay un. Medyo naparama kaya ang nailagay kong tubig! Hindi ko masisisi ang sarili ko nung mga oras na naglalagay ko dahil binigla ako ng gising nun.

Nang sa tingin ko luto na ang mga itlog… saka lang dumating si manang. Inisip ko, “kita mo nga naman talaga ang pagkakataon, mukhang gusto talaga ng mga itlog na ito na ako ang magluto!”

Maganda ang pagkakalaga ko sa mga itlog, luto lahat ang mga “pula” hindi naging malasado ang mga iyon. Tama lang din ang mga puti. Maayos ang lahat pero hindi ang oras dahil paalis na ang ate ko, katatapos ko pa lang hiwain ang mga iyon. Nagdahilan na lang ako para hindi na ako mapagalitan pa. Matapos ang ginawa kong egg sandwich, tulad ng idinahilan ko, nakaalis naman sya ng mas maaga pa sa inaasahan.

Naging maayos naman ang lahat, may mga sumobra pang palaman na ginawa ko. Nagpalaman pa ako ng tinapay bilang agahan ko sana pero naisip ko wala pa akong tulog. Hindi ako makakaligo kung hindi ako matutulog kaya matutulog na lang ako. Pero dahil nga sa ginisng na ako at matagal na rin akong gising dahil sa kagagawan ng ate ko, kahit anong klase ng lwesto ang gawin ko sa sofa naming hindi ako makatulog! Nagpatugtog na ako music buhat sa cellphone ko pero wala ring nangyari. Nagkagulatan pa kami ni manang kaya lalo akong nagising kaya umakyat na lang ako at pumunta na lang sa kama ko ulit. Baka sakaling makakuha na uli kahit isang idlip. Nakuha ko naman ang gusto kong mangyari pero tanghali na akong nagising. Bukod pa dun, ang matinding sakit ng ulo naman ang naging kapalit.

----itutuloy....

=mimi=
p.s.
Gusto kong palitan ang heading ng blog ko. Pero may doubt pa rin ako sa pangalang ilalagay ko kaya hindi ko pa rin mapalitan..

Tuesday, October 21, 2008

OJT and EVSAP: the better and the worst...

Alam mo bang halos inaabot ako ng ilang minutong nakatitig sa screen para lang magisip ng title sa post ko?! Mas mahirap mag-isip ng title kaysa sumagot ng quiz o exam! Anyway, sige ito na yung post ko..
@@@
Pwede na siguro akong magsaya ngayon dahil sa wakas natapos na rin ang sem na ito. Ito na siguro ang isa sa mga sem na hindi ko masasabing mahirap pero hindi ko rin masasabi na madali dahil sa marami talagang gawain ang nagawa ko hindi lang pang eskwelahan yun kundi pati na rin sa labas ang eskwelahan.

Dalawang bagay lang naman ang nagpahirap sa kin ngayon at magpapadali ng buhay ko sa susunod na sem - Ang OJT at EVSAP. Kinuha ko ang dalawang yan ng sabay sa iisang sem. Hindi ko akalain naman kasi na may temang “killing me softly” ang magiging hatid nyan kapag kinuha iyon ng sabay. Kaya yun… parang dahan dahan ko ngang sinasaktan ang sarili ko! Dagdag pa dun… full load pa rin ako kaya talagang “suicide” na ang ginawa ko sa sarili ko nitong sem. But since gaya ng nasabi ko sa taas, ang temang “killing me softly” ay unti-unting napapalitan nang “I will survive”. At habang hinihintay ko na lang ang paglabas ng mga grades ko, hindi maglalaon ang pinaka tema ko na ay ang “survivor” ng destiny’s child! Weheheh..

@@@

OJT and EVSAP

Halos ang dami ko ring sakripisyong ginawa dyan! Bukod sa mga tulog na pinalampas ko pati pagkain sa tamang oras naapektuhan na rin. Hindi ko na rin masyadong nagagawang makapaglibang-libang gaya ng panonood ng TV o maging up to date sa mga bagong kanta ngayon. Ni current events nga ay malay ko na! Siguro nalalaman ko na lang yun sa kaibigan kong kapag nakakakwentuhan sa school. Hindi na rin ako nakakapag-aral ng maayos sa ibang mga subject dahil pagkauwi sa bahay gusto ko nalang ay matulog. Sa bagay hindi ko naman talaga gawain ang todo aral talaga. Pero ibig ko lang ipatungkol dun ay, hindi na ako nakakapagreview ng maayos kapag may exam o quiz man. Laging on the spot…stock knowledge which is hindi dapat ganun. Swerte na lang siguro ako kung matapat ng Monday ang exam dahil at least sa weekends may time ako. Ngayon sem lang ata ang wala akong kadala-dalang notebook para sa mga important lessons. Ang dala ko lang notebook sa bag ay pang OJT. Maliit pa! Tapos mukha pa akong maraming dala dahil bukod sa libro ay lagi pa akong may baon na academic uniform kahit may exemption ID naman ako for OJT. Kung tutuusin hindi ko alam ang silbi ng ID nay un dahil hindi kami pinapapasok kung hindi kami nakauniform. Its so useless nga eh! Hindi ko alam ang purpose ng exemption ID kung hindi naman pala kami mae-exempt. What is the use of the word “exempt” if you will not be exempted? Hindi ko malaman… hindi ko maintindihan! Ewan! Basta salamat na lang at tapos na! Hindi ko na bibigyang issue pa since dahil sa tulong ng jacket and sweater ko hindi nalalaman ng manong guard na hindi ako naka-uniform. Hindi naman kasi sa ginugusto kong hwag mag-uniform kundi wala na akong time para magpalit pa. Isang consideration na hindi man lamang nila naisip. Isang purpose na hindi hindi ko alam kung bakit hindi pinapatupad sa exemption ID. EWAN! Bahala sila…

Hindi na rin ako nakakapaglaro ng badminton every weekends nun! Dahil sa pagod, binabawi ko ang tulog ko. Pero minsan nga dahil sa may overnight sa EVSAP wala talaga akong tulog! Pasalamat ako nung mga oras na iyon ay hindi bumibigay ang katawan ko. Around finals na nung magka-health issue na naman ako. Isang bagay na ayaw na ayaw kong pagusapan dahil ayokong nasho-showbiz ako! Pero usually naman talaga, finals ang dating ng sakit ko. Hindi na bago sa kin yun. At kinapapasalamat ko na rin dahil parang ang weird naman na hindi ako magkakasakit although hindi ko naman talaga hinihingi at ayoko talagang hingiin yun! Basta ang dami pang nangyari sa akin na sa awa ng Diyos! Hahah…natapos na rin na wala masyadong naging problema sa huli.

@@@

Kung tuuusin hindi ko naman kailangan sapitin ang ganito kung hindi ako nagmamadali sa buhay ko. Minsan nga napapaisip ako nung mga panahon na napapagod na ako, “ba’t nga ba kailangan tumakbo kung hindi naman pinagbabawal ang paghinto?” pero sadyang pinili ko pa rin ang pagtakbo. Kaya yun! Pero habang tumatakbo ako, dun ko naman nalalaman na kailangan ko nga pala talagang tumakbo! Isa sa mga dahilan ay dahil, masyado na akong nahuhuli sa mga kasabayan ko. Kailangan kong makasabay kahit papaano dahil kung hindi, maiiwan ako! Iyon nga pala ang dahilang muntikan ko nang makalimutan dahil sa pagod! At hindi ang dahilang “nagmamadali ako!”. Pero syempre tao lang naman ako…nakakaramdaman pa rin ng pagkapagod at pagkayamot. Hindi pa rin nawawala ang papipiliang “tuloy sa pagtakbo” o “huminto”. Kahit medyo pagod na ako nung mga oras na iyon hindi ko pwedeng sundin ang payo ng itchyworms na “steady lang tayo” dahil nga sa maiiwan ako; Napapagod na akong tumakbo kaya ang magandang solusyon na ginawa ko…maglalakad na lang ako! Bawal ang huminto… pero hinihingal na ako… edi maglalakad na lang ako! Hindi rin naman kasi sinabing bawal ang maglakad. So why not?? Mas mabuti nay un at least tuloy-tuloy pa rin ako. Kung pagsakay naman ang pwedeng tumatakbo sa utak mo, mukhang hindi mo naiintindihan ang pinagsasasabi ko dito. Hindi applicable ang sasakyan dahil walang lugar dun ang gulong kundi paa lang. Hindi naman pwedeng manghiram ng ibang paa para lang tumuloy ka sa buhay mo di ba? Isa pa, kung meron masasakyan o kung pwede man…hindi ko rin nanaisin dahil sa sobrang bilis na hatid nun! malalampasan ang mga importanteng makikita o mga bagay na mararanasan mo sana kung gamit mo ang mga paa mo.

(O_o): paano kung pilay??
(-_-): mas mahirap yun kung tutuusin pero tiyagaan lang talaga. “Kapag may tiyaga…may nilaga!” Enjoy mo lang ang lahat at dahil hindi mo mararamdamang may kakulangan sa iyo!

San na nga ba ako natungo??

@@@@

Ngayong bakasyon..masaya akong mapapahinga ako..pero isa rin sa ikaaayaw ko ito dahil hindi ko alam kung anong pwede gawin sa mga susunod na araw. Ayoko naman kasing uubusin ang oras ko sa panood lang ng TV. O di naman kaya pagaalaga ng pamangkin na ginagawa ko ngayon habang nagta-type ako! T_T. Ayoko naman din na nakatutok na lang ako sa pc (na gusting gusto kong gawin ngayon!). Gusto ko gigising ako sa umaga na alam kong may dapat akong gawin hindi yung tipong “wala akong ginagawa kaya ginagawa ko ito” O_o sa ngayon magiisip muna ako ng dapat kong gawin…

Ano bang gagawin ko? (>_<)
=mimi=

Friday, October 17, 2008

Kung bakit ba naman kasi nakita ko pa?!

****************
Hindi na tuloy naging maganda ang madaling araw ko. nakakainis! dala ng ka-intrigahan sa buhay, amy natuklasan tuloy akong di maganda! Hindi ko nga malaman kung bakit hanggang ngayon, AKO! NAAAPEKTUHAN pa! samantalang ang lahat ay sadyang limot at lumipas na!
Hindi ko naman masisisi ang iba. Kasalanan ko naman talaga! Kung bakit ba naman kasi, inalam ko pa! Edi sana.. nabubuhay akong tahimik na, kagaya nya! Hmp!

****************

Huwag mo na lang pansinin ang nakasulat sa taas... dala lang yan ng kainisan sa natuklasan kong hindi ko inaasahan mula sa nakaraan. Gusto ko na lang hayaan ang lahat kahit na...Teka...napapansin kong puro may "an" ang katapusan ng ginagamit kong salita ah! Nakakainis! kasi naman tungkol din kay... sa simula na yan ang nakita at natuklasan ko! Nako talaga! kung bakit naman kasi napag-interesan ko pang tignan ang hindi na dapat tingnan pa! Ang alam ko lang naman kasi kanina, nakatitig lang ako sa harap ng kompyuter at walang magawa. Alam ko mahaba pa ang oras ko para mag-review sa exam mamayang hapon kaya ito ang ginawa ko. Pero hindi ko alam kung bakit sa kanya ako dinala ng pagkakataon. Bwiset!

BAdtrip!

Sige na nga...sige na nga... bahala na.

Ang dami na rin kasing nangyari!
nakaraan na yun kung tutuusin...
sa panahong nagdaraan at lumilipas...
ewan! kung bakit bumabalik pa
lagi naman na ako ngayon may kasama
lahat ng oras, hindi na sya ang inaalala
ewan ko lang kung bakit ngayon naisip ko pa sya.

Dala lang siguro ng malikot kong isipan
alaala ng mapait na nakaraan
yikes! kinikilabutan na ako! pramis! >_<
masyado nang nakikita ang aking saloobin
iiwasan na lang siguro at wag nang papansinin
ewan! bahala na kung ano pa ang dapat na gawin
last na ito.... nararapat ko na sigurong tapusin!

*********************

Magulo lang ang aking isipan...
nagulat lang sa aking natuklasan.
Pero tuluyan ko na talagang iwasan.
ang mga alaalang buhat sa nakaraan.


tsk.. tsk..tsk...

Kasalanan ko ang lahat ng ito eh!

Saturday, October 11, 2008

May nagtext...

(Hindi naman ito talaga ang balak kong i-post pero sige ito muna...)


Ang text na ito ay padala lang ng kaibigan kong hindi ko na nakikita pero buhay pa rin sya sa cellphone ko. Hindi kami nagkakakitaan sa school pero sa cellphone, nalalaman kong she's still existing!

the quotes is like this

"My last piso k at di k
unli:

ngtxt ang 3 tao n
pnkamp0rtnte sau!

PAST
tntanung qng my pgasa
png iblik ang dati
nu (lam mung may
puwang pa xa sau)

PRESENT LOVE
tntnung qng gnu mu xa
kmhal(yaw m xang mwla
dhl d mu kya)

CRUSH
Inaaming my pgtingn xa
sau at tntnung kng **some text mssing***

********

Natanggap ko ang text na iyon habang nasa FX ako. Medyo na-intriga ako sa itatanong ni "crush" sa text kaya nagbura ako ng isang quote na padala rin ng taong nagpadala sa akin nito. Maya maya ayan na...

"....CRUSHInaaming my pgtingn xa sau at tntnung kng gnun
krn b (nra2mdman mung nhu2log kn s knya)

Kninu kyang tanung ang sa2gutn m??"

*****************

Whew! ang hirap palang mag-type ng ganito. Sumakit ang batok ko sa kakalingon! Anyway, dun natapos ang pagbabasa ko ng text nya. Dahil sa mahaba-haba pa ang byahe...di ko alam kung bakit pinatulan ko ang tanong. Nag-isip nga ako, at ganito ang naisip at sagot ko...

PAST tntanung qng my pgasapng iblik ang datinu (lam mung maypuwang pa xa sau)

(-_-): Bakit pag-aaksayahan ko ng piso 'to eh binalewala nga ako ng lokong ito! PAST is PAST! wala nang puwang puwang...ako pa naman ang tipo na hindi nagpapakawala kung gusto ko ( sabi ng manghuhulang nainterbyu ko noon) PISO na lang ang load ko, syempre dapat mapunta 'to sa taong deserving at hindi sa taong tinake ako for granted!


PRESENT LOVEtntnung qng gnu mu xa kmhal(yaw m xang mwla dhl d mu kya)

(-_-): if ever tanungin ako ng ganito...hindi ko sya masasagot kung gaano dahil for the first place you cannot measure a feeling, especially love. pero para sa kanya ang natitira kong piso if ever dahil he deserve to know the answer.

(pero tignan muna natin si crush!heheh)

CRUSHInaaming my pgtingn xa sau at tntnung kng inaaming my
pgtingn xa sau at tntnung kng gnun krn b (nra2mdman mung nhu2log kn s knya)


(-_-): kung crush lang ang pag-uusapan...hmmm...crush lang talaga yun! pero nahuhulog?? mukhang malabo yun since ayon dito sa text my "present love" na ako. So although hindi naman masasabing imposibleng mangyari but then.. sa tipo at ugali ko... hindi mangyayari ang ganito dahil kay "present love". So sorry kay crush kahit crush ko sya. Pwde ko rin syang replayan pero saka na lang kapag nagka-load ako ng marami. Pero sayang dahil malamang kinakabahan yun sa magiging sagot ko! heheh pero sorry...bibitinin ko muna! Kailangan unahin ang dapat unahin eh...sorry! heheh

the end

****************

Yun ang tumatakbo sa utak ko habang tumatakbo rin ang sasakyan na sinasakyan ko papuntang school. Nauna akong mag-isip muna ng sagot sa text na hindi tinatapos ang mismong message. Hindi ko namalayan may kasunod pa pala ang lokong yun!

"ciempre malandi k
MAGPALOAD KA NG
BONGGANG BONGGA!
hahahaha :D"

amf...nako talaga! with smiley pa ha at tumatawa ah! nakakainis! matapos kong mag-isip ng kung anu-ano..Buong akala ko seryosong tanong yun, yun pala kalokohan na naman ng bruhang 'to! Buti na lang... hindi ako agad agad nagrereply sa mga ganitong text lang. Kundi pahiya ako!

Pero tinawanan ko na lang ang sarili ko habang pababa ng FX. Naisip ko lang kasi na tama nga naman sya...wala naman kasi sinabing bawal ang magpaload. Ininform ka lang na piso ang load mo at may nagtext sayo. Wala rin namang sinabi o binanggit na kailangan mong mag-reply agad. Sinabi lang dun, kaninong tanong ang sasagutin mo? at hindi ibig sabihin nun na hindi pwedeng hindi mo sagutin ang lahat dahil wala naman ding sinabing restriction sa pagsagot. Hindi batayan na piso nga lang ang load mo dahil supporting information lang yun sayo na paubos na ang load mo.

hehehehe... nakaisa sa akin ang classmate ko na ito ah... lesson learned: dapt tinatapos muna ang message bago mag-react o magisip ng kung anu-ano agad para di madismaya sa kasunod! heheh... kung nagsend ko talaga ang sagot ko nakakahiya ako! weheheh..

Pero teka..hindi ako papayag na matawag na malandi ah! :b....

Hmmm...para sa tanong na kung sino ang rereplyan ko... tingin ko nasabi ko na yun sa taas, Hay..pramis hindi na ako papatol sa ganitong mga text lalo na't galing sa kanya dahil puro kalokohan lang ang hatid ng bruhang yun!

****************
Dito na lang muna... tagal ko na rin hindi na-update ito. maya na lang siguro ulit pagkarating ko. Aalis na naman kami ng ate ko eh...

=mimi=

P.S
Sayang din pala ang quotes na binura ko...di hamak na mas may meaning yun kaysa sa text na ito. Masyado kasi akong nagpadala sa kung anong sasabihin ni crush eh... (>_<) Sa mga bagong pangalang ng shoutbox ko: mmmm...pano kayo nakapunta dito?? >_<>