--- The Uncertain World ---

if you dont like something, change it. If you can't change it, change your attitude!"

Wednesday, November 29, 2006

Life is what you make it


Fill your mind with noble thoughts
The light to others bring
Find the good in everyone
the joys of living,sing
Fill your heart with deep,strong faith
Let hope and peace prevail
O'er the problems that bother you
Trust God without fail
Fill your days with labor true
Persist till your goal hit
Within your hands the magic rests
Life is what you make it


Hindi ako ang gumawa ng tulang yan! Galing yan sa tasa kong niregalo sa akin ng kapatid ko nung last b-day ko. Sayang kasi ang poem kung mawawala lang sa tasa dahil sa sobrang paglilinis sa kanya.

Ang taong gumawa nyan ay si Jessi A. Israel. Salamat sa inspiring poem nya!

"For I know the plans I have for you,
declares the Lord,plans to Prosper you and not to harm you,
plans to Give you Hope a Future."

-jeremiah 29:11
=mimi=

Sunday, November 26, 2006

MTV-Live and MYX Live, which is which?

Kumusta naman ba ito?
Medyo...matagal na rin akong hindi nakapagsulat dito ah...Hmp!
Hehehe...Ang bilis ng araw! Ilang days na lang din ang bibilangin malapit na kaming mag prelim. Malapit na rin ang Christmas break kaya yung mga prof ko ngayon halos naghahabol sa mga requirements, activities, assignment o kung ano pa man gusto nilang ipagawa sa mga estudyante. Katatapos ko lang gumawa ng assignment sa dalawang subject. Pero may dalawa pa rin ring subject na hindi ko pa nagagawan. Bukas na lang siguro yun. Kainis! ang dami kasi! I think I should have a break for a while!...you know....
---------------------------------------------------------------------------
Matapos kong ihatid ang kaibigan ko sa sakayan...dyan-dyan lang sa amin. Gagawa na dapat uli ako ng assignment. Pero...hehehe..tinawag ako ng ate ko dahil sa MTV Live (channel 22 sa cable). Naks! Itchyworms! Hindi ko alam kung anong oras nagsimula yun pero at least kahiut 30mins pa ang nalalabi before 9:00 nakaabot pa rin ako ng panonood sa T.V. Siguro nagsilua yun mga 8.
Nung tinawag ako ng ate ko, ang naabutan kong kanta, yung "Antipara". Nasa first album nila yun. Wala sa 2nd. Hhehe...buti na nga lang meron na akong 1st album nila. Kasi naghahanap ako nun, wala na. Salamat na lang sa nagregalo sa kin nun nung b-day ko. Hehehe..nagkaroon din ako!
Teka...ito nga pala kinanta nila sa MTV LIve... (yung mga naabutan ko lang)
Antipara
Theme for Noon time show
Buwan (hehehe..ang paborito ko!)
Awit ng Barkada
at yung last..One ball
So, five songs pa pala ang naabutan ko. Ok na din kasi at least naabutan ko ang buwan. Ang galing ng performance nila. Natuwa ako.LAlo na sa "Buwan"! As usual, syempre...yun ang gusto ko eh pero naalala ko yung sinabi ng best friend ko na hirap si Jazz sa pagkanta ng "buwan" kaya yun ang inobserbahan ko kanina. Hmm...ayon naman sa pagkakaobserba ko, ok ang naging performance nila sa buwan. Kahit medyo parang iniba nila ang style sa pagkakanta nun,siguro talagang sinadya nilang ganun para maiba. Kung hirap man si Jazz, natural lang dahil ang taas ng tono ng buwan tapos nakaupo pa sya. Naiipit ang tiyan! :P
"Naninikip ang tiyan dahil kumakanta ako ng buwan!"
hehehe....baka yun yon! Hmm...BAD! :P
---------------------------------------------------------------------------------------
Habang naaliw ako sa panonood ng MTV live, nung nag commercial, nilipat ko sa MYX. Hay nako po! Anak ng yan! MYX live naman ang drama ng channel 23 (myx). Tapos ang nagpeperform HALE pa! Nagkasabay pa ang dalawa. Hirap nun..di ko alam kung anong uunahin ko sa kanilang panoorin. ANg hirap ng Lipat dito, lipat dyan. Mapupudpod ang daliri ko sa kakapindot ng remote. But since, napanood ko naman na ang MYX live ng hale (kahit na sa panonood ko rin nung time na yun ay di ko naumpisahan) mas pinanood ko ang itchy. Mas Love ko na kasi si Papa Jugs kaysa kay Papa Champ! hehehe....biro lang! Patas lang ang dalawang bandang yun sa akin.
Hmm...tutal napanood ko naman na ang Hale at mas trip ko mapanood at marinig ang kantang "buwan" naging "ka'tol" na muna ako at hindi "haler". Isa pa ang inaabangan ko lang naman sa kanta ng hale sa myx ay yung "last song" na ipe-perform din nila bilang huling kanta nila sa myx live. O di ba tugma?
Naiintriga kasi ako sa kantang "Last song" ng Hale at idagdag mo pa ang "the final song" ng Callalily. Nakakagulat lang kasi dahil yung mga title ng kanta nila ay yung naisip kong pamagat para sa ginagawa ko ring song. Ewan ko kung matagal na nilang naisip ang salita na yan pero ako sa totoo lang matagal na! Yan pa nga ang gusto kong ipangalan sa magiging 1st album ko kung baka sakali! Hehehe...ang lakas mag-illusyong magkabanda e no? Pero to tell you honesty, medyo nasa isip ko ang magkaroon ng banda, someday. Kumbaga eh, pagtapos na ako sa pag-aaral at may trabaho na rin kahit paano. O yung sabihin natin medyo stable ako financially. Ppasukin ko ang banda! hehehe...:P
----------------------------------------------------------------------------------------
Last song at Final song...
Di ko pa alam ang lyrics ng kantang 'to. Hindi ko kasi naintindihan ang pagkakakanta ni Champ! At hindi pa nilalabas ng Calla ang kanta nilang "final". Gusto ko lang alamin kung parehas kami ng iniisip bilang ibig sabihin ng "final" o "last" song.
Sayang naunahan ako...pero ok lang. Hale naman ang kumanta. Ayos lang!
Sige hanggang dito na muna...baka may isunod pa kasi akong post. Ayokong i-wento sa iisang post lang. Ayoko nang humaba!
Sige...ito na muna ang aking "last post"!
=mimi=
P.s.
Ano kaya? LAst post na lang kaya ang gawan ko ng kanta?? (O_o)

Monday, November 20, 2006

Ewan ko....



Napapalingon sa tuwing ika'y dumadaan
Napapangiti hindi ko alam ang dahilan

Napapalingon sa t'wing ika'y dumadaan
Napapangiti hindi ko alam ang dahilan

Alam kong hindi pu-pwedeng maging tayo...
Pero minsan nag-iiba
Ang ikot ng...
Ang ikot ng mundo

-"ewan ko" -soapdish


Ewan ko...wala lang...

wala kasi akong ma-post ngayon...

Kaya...soundtrip lang muna with soapdish!hehehe... :)







=mimi=


P.s
Ang banner sa taas ay nanggaling sa official yahoogroups ng bandang soapdish.

Salamat ng marami...


(Waah! bat ayaw mag-apload ng isa pang picture? Tinopak na naman 'tong kompyuter na 'to!)

Saturday, November 18, 2006

Kami nAPO muna- Dream

Hindi maganda ang nangyayari sa akin ngayon. Anak ng yan! may sakit ako. Buti hindi naman natuluyan sa lagnat, diretso sipon at dry cough lang naman. Kaya ito hirap na hirap! Sabayan pa ng sakit sa ngipin. Gusto ko na ngang ipabunot para wala ng sira ang ngipin ko. Ito na lang kasi ang natitirang sira kaya once na pinabunot ko na'to Ayos na!

--------------------------------------------------------------------------
Kami nApo muna dream....

Bago ko i-kwento ang wirdong panaginip na yan may mas kakaiba pang nangyari sa akin ngayon kaya yun muna ang sasabihin ko. Tutal maikli lang naman....yung panaginip ko.

Ngayon, pumunta ako ng Sm Fairview kanina para bumili ng pangregalo sa pamangkin ko at sa ate ko. After class diretso akong fairview na gutom na gutom at antok dahil nature ko na talaga ang antukin, kaya lagi akong tahimik. Ok naman ang byahe, agad akong nakahanap ng FX papunta sa sm na yun. Hindi katagalan dahil wala namang trapik. Dahil nga sa antukin ako at tahaling tapat hindi ko namalayang nakatulog ako. Hindi ko gawain ang makatulog sa byahe pero siguro dala ng sakit, pagod, gutom, at init kaya nangyai yun.

Nasa "OLF" school na ako ng mamalayan kong ako na lang ang nag-iisang pasahero ng fx, hanggang sa may sumakay na mama. Madaldal at mabilis magsalita. Actually wala akong maintindihan sa mga pinagsasabi nya. Basta one thing I know about him, as far as i remember, isa rin syang graduate ng accounting course from san Beda. May asawa na ang mama. (obvious na obvious), looks professional from the way he talk (nagkaroon pa nga ng englisan portion sa loob ng fx eh). Inoperan nya ako ng mga accounting books. Inofferan in a way na walang bayad. Libre nyang ibibigay sa akin. Text ko lang daw sya or tawagan to get all the books he offer. Taas noo nyang pinagmamalaki na boxes of books for accounting ang meron sya. Ang reaksyon ko, dahil sa mukhang bagong gising (sa tingin ko) parang bata kunwari na amaze na amazed.

"oh..really sir, actually, I really need a lot of books for my subject in accounting, so thank you very much for the offer"

ewan ko kung tama yang grammar ko dahil lubhang gulat ako. Hindi dahil sa librong sinabi nya kundi sa pakikipag-usap nya sa akin. Anak ng yan! We're in the Philippines, you know?! buti nga hindi ko ginanon. Pero habang tuloy tuloy sya sa pagsasalita. There is only one person in my mind, That is Bob Ong. Kailangan kong ipaglaban ang prinsipyo namin! Kaya lang bigo ako! Anak ng yun! Na-gotcha ako sa english nun ah. Gising agad diwa ko. Nawala pa gutom ko!

Actually, mabait naman ang "mama". Thanks sa offer nya. Hindi ko alam kung papatusin ko o hindi. Binigay nya nga sa akin ang lahat ng contact # nya and then syempre hindi mawawala ang Name. Itago na lang natin sya sa pangalang "Mang Ernie". Nagmistulang nagpapaautograph ako sa kanya kanina dahil notebook na maliit ko pa ang binigay ko bilang sulatan sa mga # nya. Napuno ang isang page ng ntbk ko na hindi ko naman gaanong mabasa. Pero numero basang basa ko.

Na-end ang pag-usap nung pababa na sya..syempre automatic tigil na yun. So bilang pagtatapos at paggalang kay Mang Ernie...

"Sige po sir, Nice meeting you. Ingat po! Thank very much sa offer. I will try to call or text you...thanks po ulit"

"Ok, iha. God Bless you. Goodluck! Text me ha!"

the end...

-------------------------------------------------------------
Anak ng yan! Laking pasasalamat ko nung bumaba yun. ALthough sa tingin ko wala namang balak na masama. He just trying to offer lang talaga. Ang nakakatawa, dahil sa englisan portion kanina, ultimo driver kinausap ko na ng english.

"Ano sa tingin mo sa kanya? baliw kaya yun?"

"I think, he's not. From the way he talk, he looks really a professional. Isa pa, I really need a book for additonal references, kaya ok lang"


"...."

"....."

Anak ng yan! nung bumaba ako, natawa ako sa sarili ko. Ako ba yun? hindi ako yun! oh well, pinabayaan ko na lang. Ginutom na uli ako kaya tumuloy na ako sa sm para kumain.

--------------------------------------------------------------------------------------------

bakit wirdo ang pangyayaring iyon?

hmm...p*tcha! Ba't ba masyado akong lapitin ng mga matatanda?

may lolong judge, may lolong laging ngumingiti sa akin sa umaga pagpapasok ako, tapos ngayon may matanda pa uling kumausap sa akin at inofferan pa ako.

Anak ng yan, bakit ganoon?! Nyaks! hindi naman sa ano pero...alam ko gusto ko sa lalaki yung "medyo" matanda lang sa akin ng ilang years pero ayoko naman ng halos...Lolo ko na yun eh! Bat ba ang kagaya nila ang nakakapansin sa akin.

Anak ng yan! wla pa nga akong kaayos ayos nun dahil mukhang bagong gising ako tapos parang natipuhan pa ako! hinidi sa pinupuri ko ang sarili ko. Gusto ko lang linawin na kung bakit laging "matanda na" ang natatapat sa akin. P*tcha yan! ayokong mag-isip ng kung anu-ano pero sila ang naging dhilan kung bakit ako nakakapag-isip ng ganoon.

Anayway, thanks again for the offer Mang Ernie!

---------------------------------------------------------------------------------------------

Kami nApo muna dream...

Maikli lang 'to...gusto ko lang i-share dahil natutuwa ako.

Have you ever imagine na may isang bandang meloow ang genre nya tapos biglang magmamala-kamikazee ang dating?Sumisigaw!

Here how my dream goes...

The setting of my dream was on UE campus. MAy concert daw. The only band, clear vision of the band I saw was Kamikazee. nanonood sila habang nakaupo sa field ng UE kung saan andoon si Lualhati. Kagaya pa rin nga dati, ANg kamikazee talaga ay sadyang magulo na banda. At syempre dahil nga concert yun, walang estudyanteng nakaharang o nakikipag-autograph o kodakan sa kanila. Basta just a simple scene of, magulo sila at nanonood din ng concert.

Ito ang nakakatuwa sa panaginip ko. May isang banda na na magpe-perform ng Doobidoo from kamikazee version. At ang bandang iyon ay walang iba kundi ang bandang.....(drumbeat para suspense!)

"HALE!" doobidoo bidoo bi doo bi doo, doo bi doo bi doo ah....

Anak ng yan! kitang kita ng mga mata ko kung paano sumigaw si Champ at mag mala-Jay (vocalist ng kamikazee) Anak ng yan....di bagay!

So as my dream goes on.....nakita ni Arthur na kumakanta ako. Malapit kasi ako sa stage nuneh kaya napansin nya ako. Naks! Lumapit sya sa'kin hindi para haranahin ako (isipin mo doobidoo pang harana! di na!) Lumapit sya sa akin para ibigay ang microphone dahil hindi nyaalam ang kanta! Anak ng tokwa talaga! ba't ganoon pa?! Sinabi ko na lang sa panaginip ko..

"ay, sorry hindi ko rin kasi alam ang lyrics!" nyek!...p*tcha! ultimo sa panaginip palyado ako sa kanya!


But then, ok lang pinagpatuloy nya ang kanta, ayon sa takbo ng panaginip ko. Pero bago pa man tuluyang gumising at dumilat ang mga mata ko, katabi ko si Anne Curtis sa pwesto ng panooran kay Champ! Eh di ba nali-link si Champ kay Anne?

Then...cut! gising na ako ulit...hindi na natuloy....

Naku...pati panaginip ko napasukan ng showbiz!

Ganito ba dapat talaga ang banda, kapag kumanta may epal na artista?!


"ganito dapat pagbanda...pagkanta may epal na artista!
hanggang dito na lang ba ang masa?
hanggang dito na lang ang masa"- itchyworms "theme from noon time show"


Hanggang dito na lang? OO! Hanggang dito na lang ang post ko! Kainis! ultimo sa panaginip...hmp! di bale..ok lang...basta h'wag ko lang makikita ang isa na may iba!

Naks! sariling showbiz ko 'to!


Sige hanggang dito na lang.....



=mimi=

P.s.
Sorry sa mga expression na hindi ko dapat ginamit.

Thursday, November 16, 2006

Konseptong "Tong" (the crab-mentality concept)


Nakakita ka na ba ng talangka? Siguro naman sa tinagal-tagal mo ng nabubuhay sa mundong ibabaw, sigurado naman akong nakakita ka na. (ba't pa ako nagtanong di ba?)

Ano bang pagkaka-obserba mo sa mga talangka nasa loob ng batiya o balde?

Sa tingin mo, kung alam mo na ang ibig sabihin ng "crab mentality" bakit hinalintulad o binigyan ang pangalan nang kaisipang ito na "crab", talangka?

Ano bang meron sa talangka?

Ano ba ang konseptong "tong"?

Masama ba ang crab mentality?

At higit sa lahat na tanong:

Sino ba si "Tong"??


----------------------------------------------------------------------------------------

Crab o talangka: may pagka-brown o abo ang kulay kapag hilaw at nagiging orange kapag niluto. "Cancer" ang pangalan nya sa 12 astrological sign. may panipit at maraming galamay. Mabilis gumapang sa buhanginan. At tribo rin pala ng mga talangka ang dahilan kung bakit may mga butas na maliliit sa buhanginan ng tabing dagat. Sila pala ang may gawa nun. Don sila nakatira...nakita kong pumasok dun ang kamukha ni "tong " kaya I Therefore conclude na tirahan nila yun. Sayang di ako ininvite!

Mentality: Bukod sa word na "mental" na makukuha sa salitang iyan. Yun lang ang nakikita ko. Mental which means thinking,... hmm... thoughts...hmm...basta kaisipan ng isang tao. Basta pag mental is a word automatic pag-iisip kaagad ang papasok sautak mo dahil yun na yun!

Kapag pinagsama natin ang dalawang salita makakabuo tayo ng.... (drum beat...)

CRAB MENTALITY!

tanan!

Eh ano ba ang crab mentality? Anong kinalaman ni "tong" dyan?


-----------------------------------------------------------------------------------------------

According to my understanding, pag sinabi "crab mentality" isa na itong sakit sa lipunan kung saan walang ni isa mang tao sa mundo ang gusto magpalamang. Kumbaga eh...kung nasa taas ka, gagawa ang iba para ibaba ka para sila naman ang umangat tapos vice versa...ganun na rin ang gagawin ng iba. Ganoon ang pagkaka-intindi ko sa crab mentality.

Pero ano ba ang nasa isip ng mga lahi ni "tong"?

According sa kwento ng prof ko sa Statistic na ikinuwento rin sa kanya ganito raw ang konsepto ng mga talangka...ganito ang pagkaka-kwento nya sa amin...

There is one prof in (ayokong i-mention ang school) na nagpagawa ng research about crab mentality sa mga estudyante nya. Kailangan nilang i-research kung bakit "crab" ang pinangalan doon. anong mayroon sa crab? literary speaking anong kaisipan mayroon ang sa lahi ni "tong"! As the student go on a research, they try to observe a crab without knowing na kailangan buhay ang oobserbahan nilang talangka. (mga tanga eh no!) So nung tinanong sila ng prof...wala silang nasagot, malamang wala. Kung meron man...physically description of a crab lang ang mabibigay nila at kung ano ang crab mentality sa pagkakaintindi nila. On the next scene, A prof gave them a chance to repeat the observation but that time, buhay na! They must observe a crab in a bucket and see what a crab do inside that bucket.

so heto na sa conclusion...Yun na rin ang question and answer sa Stat...

Tinanong ng prof namin kung na try na namin mag-observe about a crab in a balde or palanggana. Some answered yes some are no and some doesnt care at all.

According to all observation, ang mga talangka sa palanggana ay nagpapatong-patong to reach the top for the reason of saving their lives sa mga nais na pumatay at kumain sa kanila. wehehehe...But then, dahil sa patong-patong sila...once nadulas ang isa lahat damay na... Nalala mo ang kwento ni "tong" na nagpatong-patong sila. Then again and again...they still try to reach their goal. Kahit wala na silang kawala tulong tulong pa rin sila sa pagpunta sa taas para makalaya o makaligtas.

Isa sa kaklase ko ang sumagot ng ganito: Ang mga talangka sa loob ng balde ay nais marating ang taas para makalabas but then hindi sila magtagumpay dahil sa pare-pareho silang naghihilahan pababa.

Kung i-babase natin sa paniniwala natin sa "crab mentality"...Korak! Pero how will you consider the way na nagpatong-patong sila to reach the top?


The answer of my professor goes like this...

Hindi totoong naghihilahan pababa ang mga talangka sa balde, bagkus nagtutulong-tulong pa nga sila to reach their goal. Just what i've said earlier (sa taas). "Crab mentality is not as bad as we think, "he said. For the reason na ang thinking pala ng mga inosenteng talangka na katulad ni tong ay pagtutulungan. Maybe because of the water that made them slipped away, siguro doon nabuo ang thinking na parang naghihilahan pababa. But actually, Hindi masama ang konsepto ni "tong", tyo lang mga tao ang may kasalanan kung bakit naging masama yun dahil sa hindi tamang paggamit ng konsepto nila. That's what i think.

--------------------------------------------------------------------------------

Nakakatuwa, nung marinig ko yun at nung nalaman ko yun. Kasi mapapatanong ka sa sarili mo, ano nga ba ang pag-iisip ng talangka?

Then by research, ang inaakala nating negative, positive pala talaga ang ibig sabihin. Tapos what makes the concept negative is because of us!
Baliw talaga tayo...Kung ganoon talaga ang konsepto ni "Tong" Sa lahat ng nangyayari sa atin, ang dahilan kung bakit may taong ayaw magpalamang is because of insecurities. Inggit! Yun! Siguro kaya mabait si "tong" ay dahil pinapakita sa kwento na hindi naman pala talaga ang konsepto nila. Ang gawain nila. Tanging ang dahilan ng pagiging ayaw palamang ng isang tao ay dahil ayaw ng bawat isa ng may umangat. Nag-uunahan pa silang umangat. Kaya siguro hinalintulad sa crab ay dahil na-obserbahan ng mga tao na itong mga talangkang ito ay mukhang naguunahan sa pagpapatong-patong para sa pag-abot sa taas without knowing na hindi sila nag-uunahan kundi NAGTUTULUNGAN! So, hindi pala talaga masama ang konsepto ni "tong".


-------------------------------------------------------------------------------

Sino nga ba si "tong"?

Si Tong?

Kung hindi ka nagbabasa ng libro ni "bob Ong" hindi mo talaga makikilala si "tong"

Si Pareng Tong ay isang talangka. Isa syang pangunahing karakter sa pang-apat na Libro ni Bob Ong. Ang Ika-apat na libro na yun ay "Alamat ng Gubat"- kwentong pambata para sa matatanda! Bili ka sa National Bookstore. Available pa rin yun, P100 pesos kung hindi ako nagkakamali...

Maganda ang istorya, medyo palaisipan pero kapupulutan ng aral.

Kung iuugnay mo ngayon ang konseptong nabasa mo sa post ko at sa konsepto ni "bob Ong" tingin ko medyo malilinawan ka. Hindi ako gaano makapag-react sa work ni bob ong applying this new concept sa blog ko hanggat walang nagtatanong. Hindi ako makapagsimula sa pagsabi ng nasa utak ko. Pero at least may ideya ka na about sa kwento because of this post! naks!



------------------------------------------------------------------------------------------

Sige hanggang dito na lang, wala na akong masabi pa. Pero para sa bagong tuklas ko na konseptong iyan, tingin ko dapat baguhin na natin ang sistema ng maling pag-iisip natin tungkol sa mga talangka. Kung positive naman pala talaga ang meaning nyan, bakit hindi natin gawin ang dapat na ginagawa pala nun? Gawin natin ang dapat nating gawin for the purpose of that good concept . Tingin ko mababawasan ang kaguluhan dito sa mundo. I-improve natin ang ating sarili....

sabi nga sa isang sayings: Improvements begins with I

Samakatuwid, simulan natin ang pagbabago sa ating sarili....


MAbuhay si Pareng Tong!




=mimi=

P.s.
marami pa sana akong sasabihin kaya lang andito na ang bebi kaya sige na....

This is my blog......



Nung una, hindi ko talaga alam kung bakit o anong dahilan kung bakit ko naisipan magkaroon ng blog. Iniisip ko nung makailang palit na in ako ng blog noon, siguro na inggit lang ako, natuwa o nag-inarte lang kaya naisipan ko mag-blog. Isa pang dahilan na dati kong naisip noon ay yung gagawin kong "diary" ang blog ko which is hindi ko napagtyagaan magkaroon sa buong buhay ko!

Diary...blog...But now i think i know the reason why??


----------------------------------------------------------------------------------------

Diary is different from blog although parehas silang nanggaling sa utak mo at nagku-kwento ka. They are the same in a way of telling your feelings or emotions, experiences (mapa-happy moments pa yan o sad, yun na yun!), telling secrets (pero hindi na yun magiging secret dahil may makakabasa rin ika nga: "walang sikreto ang hindi nabubunyag") then etc...etc.. What makes a blog different from diary?... siguro..ay hindi na pala siguro, obvious na pala talaga na ang blog ay nasa web- high tech samantalang ang diary "manual" di-sulat ka lang!


----------------------------------------------------------------------------------------


When i read my previous post in this blog, nakakatuwa dahil parang pala akong baliw! Kumakausap ka ng invisible na tao. Pero ang maganda dun, nalalabas ko ang nasasaloob ko. Dito ko nashe-share ang mga kabaliwan sa isip ko. Ang kawirdohan ko. Ang karanasan ko. At higit sa lahat ang kagaguhan ko!

Hehehe...nakalimutan ko, dito nga rin pala ako unang nagmura but correction...at least hindi pa verbal pero dito ako natuto! hehehe..



----------------------------------------------------------------------------------------

Sa Blog ko rin na ito nalalaman ang tunay na ako na walang pagkukunwari sa ugali.

Anak ng yan! Sa bawat taong nkakaharap sa bawat araw na lilipas sa buhay mo, dapat marunong kang maka-adapt! Alam mo rin dapat kung paano sila pakikibagayan para wala nagiging problema sa pakikisama. Iniisip ko nga, basta't pumapasok ang salitang "pakikisama" o "pakikibagay" hindi dapat nawawala o nakakalimutan ang baon mong maskara. But i'm not saying na sa bawat nakakasalumuha mo, kailangan mo nito dahil lumalabas pa rin naman ang totoong ugali mo, yun nga lang, still, you must know your limitation to others. Kailangan mo rin i-analyze angmga situation before you act or go in making a decision.

(parang nawala ako sa topic?...)

Walang pagkukunwari...Korak!


----------------------------------------------------------------------------------------

Dito sa blog, ako ang tipo ng taong maraming nasasabi, malalim, hindi ako mabait, marunong ng magmura kaya masasabi kong BAD!, at may kabaliwan. Sa totoo lang, Having a blog or should I say reading someone's blog is also reading one's mind. (parang naguluhan ako dun!) Pero totoo kung na-gets mo na ang idea ng pagkakasabi ko..Kaya kung bakasakaling may mapadaan at may nakabasa ng ilang mga post ko dito, hindi siguro kapani-paniwala na ako ang nagsulat dahil hindi ang tipo ko ang ganun magsalita.


hmm...siguro ang masasabi ko lang, ang blog na ito ang syang laman ng isip ko. Kaya kung hindi ganoon kaganda ang mga pinagsasabi ko, kung medyo "bad" ika nga...Ganoon talaga ka-demonyo ang isip ko. Hindi ako kasing buti ng iniisip ng iba. Pero hindi ako ganoon kasama mag-isip sa pagkakalarawan ko dito sa sarili ko. I still try to be even. I should make everything in balance. Kumbaga sa accounting, yan talaga ang trabaho ko, kaya sa tingin ko dapat lang talaga na mapunta ako sa course na yun!


---------------------------------------------------------------------------------------

Anything that I want to say, I will just post here in my blog. Wala lang...kahit walang kwenta kung minsan, ok lang. Kung ganoon naman kasi nasa isip ko, why not to post, di ba?

Desisyon ko na yun. Sa ngayon, marami kasing nangyari sa akin nitong mga nakalipas na araw. Marami akong gustong i-post. But before i-post that, i want to make sure na lahat ng sinasabi ko dito is just my opinion, my observation, and my ideas and thoughts. Nagbabalak na rin kasi akong sabihin ito sa iba. I love my blog and I also like others to read my thoughts. Sharing ideas, if ever. But if ever there is so much foul words indicated in some of my thoughts ( if ever) just never mind it. Enjoy na lang ng mga mambabasa ang murahan, kakulitan, kawirdohan at kabaliwan ko dito sa blog ko.

----------------------------------------------------------------------------------------

I want to start again my blog without any hesitation or doubts in saying something this...or that. Akin naman ito...utak ko yun, isip ko yun. Respect is my policy. Acceptance also will do. Understanding my words and thoughts (mas ok yun!). Last but not the least, Critization, sharing ideas, opinions, suggestions, or any comments are not prohibited in this blog. Libre lahat magsalita, yun ang gusto kong maging atmosphere ng blog ko. Ayoko nga lang yung may mang-aaway! Gusto kong maging malaya...naks! Sabi nga sa isang sloga:" Set your spirit free! "


----------------------------------------------------------------------------------------

Sa ngayon ito na muna ang i-popost ko. Wala kasi akong magawa kanina (kahit na marami pa akong assignment) na-isip kong maganda ilagay sa blog ang mga lesson na binabanggit ng mga prof ko. Nakakatuwa...sana nga ma-post ko lahat.



Anyway, See you soon!





=mimi=


P.s.

Promise magiging matino na ito....


Friday, November 10, 2006

Daanan ng dinaanan ng buhay ko...

Inatake na naman ako ng sakit ko ngayon. Sakit sa pag-iisip ang tinutukoy ko. Nag-isip na naman ako ng mga bagay na talaga nga namang magpapagulo na naman sa isip ko. Ang mga bagay na ito ay sadyang hindi naman talaga dapat isip-isipin pa. Pero ganito talaga ako! Kahit gaano kababaw...napapalalim ng utak ko...kahit gaano ka-simple basta't gustuhin ng utak kong gawing komplikado, mangyayari iyon. Lahat ng maisip ko..wala akong pakialam sa anong iisipin sa akin ng tao. Basta't may nag-iisip ako, yun ang gagawin ko...saka na sila pag medyo natauhan na ako... Kailangan ko munang alamin kung anong problema ko. Kung bakit ako nag-iisip ng ganito? kung bakit sila ay hindi? kung bakit ang lahat ay may dahilan? kung bakit lahat ay may katanungan?

Maraming gustong malaman ang isip ko. Pero hindi ko alam kung ano! ano pa ba yun? ano pa ba ang dapat kong hanapin? ano pa ba ang kulang? Kuntento na nga ba talaga ako?? Ano pa ba ang dapat kong malaman??


"The unexamined life is not worth living"
"A person who knows is a person who knows what he does not know"
~o~
Ginabi na ako sa pag-uwi kanina sa kadahilanang..wala lang! Gusto ko lang manatili sa eskwelahan. Siguro...para wala na ring istorbo sa paggawa ko ng mga assignment. Makakapag-focus ako. Nanatili ako sa library, kasama ang dalawa ko pang kaibigan. Matapos ang maikling oras sa pagpapa-photo copy at konting pagre-research sa mga pagkukunang sagot sa assignment, nauwi rin sa kwentuhan ang drama namin.
Nagkaayaan ng umuwi, mga pasado alas-kwatro na rin yun. Naubos ang oras namin sa kwentuhan, ano na nga ba ang aming pinatunguhan dun??
Nagkita kami ng iba ko pang kaibigan. Inaaya kaming manood ng promotion ng panoxyl sa school. Dahil sa balitang darating ang artistang si Dennis Trillo, dinumog ng mga estudyante ang "dalupan hall". Tumanggi ko sa paanyaya. Sa isip ko.."pakialam ko sa artista na yan!" pero sa panlabas, sinagot ko lang sya ng ngiti at mukhang hindi alam na may magaganap na ganoon. Sinagot ko na lang sya na "uuwi na ako! mauna na lang ako..ayokong manood dahil gagabihin na ako"
tuloy tuloy ang lakad ko hanggang sa sakayan ng dyip sa Morayta na kadalasan ko sinasakyan papuntang blumentrit.
~o~
Habang nasa dyip, may konting pagkainis sa isip ko...
"kaya nga ba ayaw kong mgpahapon ng dahil ganito kabagal ang daloy ng trapiko dito!"
hmp! Sino nga ba may dahilan kung bakit ako umuwi ng ganoong kahapon?
~o~
Hindi kalayuan sa babaan ng Forest Hill, naisip kong maglakad na lang hanggang sa'min. Ang dahilan...wala lang! Gusto ko lang mag-isip ng malalim...malalim ng kahit na sino man ay hindi kayang sisirin.
Habang naglalakad ako naisip kong h'wag na lang ituloy...biglang nagbago ang isip ko. Pero ayokong umuwi ng bahay na ganito pa kagulo at hindi pa nakukuntento ang isip ko! Habang nasa tapat na ako ng botika ng forest hill, patuloy pa rin ang isip ko sa paggawa ng desisyon. Gayundin ang mga paa ko na patuloy sa paglalakad na hindi alintana nito kung gaano kahaba ang babalakin nitong lakarin.
Habang naglalakad na nag-iisip, napatingin ako sa langit.
"ang ganda naman ng langit! Bagamat madilim na..ang ganda pa lang pagmasdan ang natitira pang liwanag na kulayorange na ulap. Hmp! ginabi na naman ako! Lagot ako, tapos maglalakad pa ako. Pero ayokong sumakay! Pero tyak nyan magagalit sa'kin samama pag nalaman nyang naglakad lang ako pauwi."
Hindi sa wala akong pera kung bakit ayaw kong sumakay. Ako ang tipo ng taong hindi nawawalan ng ipon, kuripot ako eh! Bagamat ako na ang tumaya ng baon ko kanina pati ang baon ng kapatid kong nag-aaral din sa maynila, hindi alam ng mga magulang ko na may extra pa akong pera kung bakasakaling mangailangan ako. Tanging naisip kong dahilan kung bakasakaling magtanong...
"Naubusan ako ng pera eh..kaya naglakad na lang ako"
Kahit ang totoo nyan, dala lang ng kabaliwan ko kung bakit ako naglakad pauwi.
~o~
Habang naglalakad at pinagmamasdan ang bawat madaanan, biglang bumalik sa aking isipan ang independent film na pinanood ko kagabi sa "shorts". BISIKLETA.
"Sa bawat daanan na ating dinadaan, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin...Ngunit gayun pa man ang lahat ng ito ay may dahilan. At sa bawat daanan na walang kasiguraduhan, asahan mong ang lahat ng daanang ito, bagamat hindi mo makita pa ang dulo, ang daanan na iyon ay tiyak na may patutunguhan."
Parang ganyan ang diwa ng mensahe nya pero sa binasa mo kanina ako ang gumawa nyan. In my own words, sentences or paragraph, Naisip ko ang bagay na iyan!
Ano nga bang naghihintay sa akin sa paglakad ko sa daanang ito pauwi sa amin? Maaring kapahamakan, maaaring wala lang, maaari rin namang naghanap lang ako ng pagod at pangingimay ng paa, kalyo, alikabok, sakit o kung anupaman. Pero walang makakapagsabi kung ano talga ang tunay na patutunguhan. Ipapag sa Diyos ko na lang ang lahat..
~o~
Daanan...
Ang daanan ay maaring maihalintulad sa buhay ng tao. Sa paglakad mo sa daanang napili mo, ikaw na rin mismo ang gumagawa sa buhay mo. Nagdedesisyon ka kung saan ka tutungo at sa bawat daanang iyon kahaharapin mo ang bawat pagsubok na naghihintay sa'yo.
Sa paglakad ko kanina, bagamat alam kong madilim at sadyang delikado ang maglakad mag-isa sa daan, tumuloy pa rin ako. Desisyon ko yon! Alam kong hindi ko alam kung anong kapalaran ang naghihintay sa akin pero...ako ang gumagawa ng mismo kong daanan sa buhay kaya desisyon ko ang syang masusunod. Alam kong maaring kapahamakan ang naghihintay sa akin pero ipapagsa diyos ko na ang lahat. Handa kong tanggapin kung ano pa man ang naghihintay sa akin.
~o~
Daanang pababa, ito siguro ang napakasayang daanan sa lahat. Hindi ka mapapgod at wala kang kahirap-hirap. Tuloy tuloy ang lakad mo pababa. Walang humaharang sa'yo, wala kang nararadaman bigat sa katawan, sumusunod ka lang sa daloy ng daanan. Wala kang problema kung ito ang madaanan mo.
Daanang diretso, pangalawang daanang nilakad ko. Ayos naman. Hindi ka mahihirapan dahil balanse kayo! Makakaramdam ka ng konting pananakit sa paa pero ayos lang dahil kontrolado mo pa ang daloy ng daanan. Kaya pa yan kung tutuusin.
Daanang pataas, pangatlo sa daanang nilakad ko. Kung sa pangalawa ay medyo nakakaramdam na ako ng sakit sa paa, dito mararamdaman mo ang hirap sa paglakad dahil sa paakyat. Nararamdaman mong parang hinihila ka na pababa ng mga paa mo. Mararamdaman mong masakit na sa paa ang paglakd na nakakapagod na pero pipilitin mo pa ring makaakyat sa daanang iyon, malagpasan at makauwi lang sa bahay mo!
Daanang diretso uli, pang-apat, medyo pagod na ako, pinagpawisan dahil sa pakyat ng daanang iyon pero at last, natapos ko ang paghihirap na iyon. Ngayong diretsong daanan na uli ang nilalakaran ko, balik na uli sa dati ang ginhawang nadarama ko.
Daanang pababa uli, pauwi na ako. Malapit na sa bahay ko. Matapos ang pagkahaba-habang daanan na nilakad ko, andito na ako uli na muli ng makakauwi ng wala ng kahirap-hirap dahil natapos ko na ang daanan.
Nakauwi na ako at nagpahinga...
~o~
Naging masaya ang paglalakad ko dahil my natutunan na naman ako. Gustong-gusto ko talaga maglakad habang nag-iisip dahil sa bawat nakikita mo at namamasdan mo, lahat pala yon ay mauugnay sa buhay mo. Katulad na lamang ng isang daanang dinadaanan ko pauwi.
Para sa mga abalang tao, hindi nila alam kung anong nakatagong dahilan kung bakit may "daanan". Bagamat alam natin daanan, simpleng daanan lang ito at minsan naiinis pa tayo dahil sa kung anong sumasagabal sa atin habang naglalakad tayo, hindi natin napapansin na may iba pa itong pakahulugan sa isang tao.
Katulad ng mga daanang binanggit ko sa itaas, isa itong representasyon ng isang buhay ng tao kung paano nya tinatahak ang sarili nyang buhay. Kung paano sya gumawa ng desisyon? kung paanong nya nilakd at pinanindigan ang daanang iyon? Kung bakit may sobrang dali, tama lang, mahirap na daanan? Kung bakit sa kabila ng paghihirap ay bumabalik uli sa tama lang ang lahat? Pagkatapos ng lahat ng paghihirap na iyon, ang huling huling daanan na dinaanan mo ay daanang madali uli kaya nakauwi ka ng matiwasay? Lahat iyon kaparehas ng pagtahak mo sa buhay mo ngayon.
Bakit hindi ka sumuko sa mahirap na pagsubok na iyon sa buhay mo?
Bakit patuloy ka pa rin naglalakad sa hindi malamang kadahilanan?
Lahat ng iyan..papasok sa isip mo at hindi maglalaon mahahanapan mo ng sagot.
~o~
Daanan...masyado talagang mamisteryo ang buhay. Ultimo simpleng daanan nabigyan ko pa ng puna. Gayun pa man, ganoon man kasimple ang bagay na iyon, lahat ay may malalim na pakahulugan..
Hindi man natin alam kung ano ang naghinhintay sa buhay natin...tuloy pa rin tayo sa paglakad sa buhay. Patuloy pa natin malalaman kung ano pa ang misteryong nababalot sa buhay natin bagamat hindi man natin alam ang dahilan kung bakit may ganoong kaugnayan, Ang dahilan kung bakit may katungan, at ang dahilan kung bakit may dahilan pa sa bawat dahilan ng mga buhay at bagay dito sa lupa.
~o~
Sa ngayon, ito ang nasa isip ko. Hindi ko alam kung magulo ang paliwanag ko.Maaring hindi mo maintindihan ang pinagsasasabi ko pero nasisiguro kong naranasan mo na ang ganitong daanan sa buhay mo.
Alam mo ba ang daan ng buhay mo?
Ang gusto ko lang ay mayroon ding makapansin nito..Malaman na ang buhay ay sadyang mamisteryo. Bakit kaya ang lahat ng ito ay may dahilan sa mundo?
"dumidilim ang paligid,
may tumatawag sa pangalan ko.
Labing isang palapag tinanong kung ok lang ako.
Sabay abot ng baso.
May naghihintay
at bakit ba pag nagsawa na ako
bigla na lang ayoko na
at ngayon di pa rin alam
kung bakit tayo nandito.
Pwede ba itigil mo na ang pag-ikot ng mundo"
"ewan mo at ewan natin kung sino ang may pakana?"
-spolarium of eraserheads
=mimi=

Wednesday, November 08, 2006

Unang tulang nagawa ko dito sa blog!

Hangin

Lumipas ang araw ng hindi tayo nagkita.
Nagkausap ng kaunti-ngunit hindi katagalan.
Malamig ang hangin, ang aking nararamdaman.
Sa isip ko, marahil...malapit na ang kapaskuhan.

Masarap sana samyuhin ang ganitong kalamig na hangin,
parang ang sarap yakapin nung ikaw pa noon ay nasa akin.
Ngunit nag-iba na ngayon.
Lahat ay nagbago.
Ang dati'y malamig na hangin noon ang syang nang
nagdudulot ng lamig sa puso ko ngayon

Lamig sa puso, walang init na matampo.
Sa lamig ng panahon, sino kaya sa akin ngayon ang mag-aahon?
Ang puso ko ay tila naninigas kagaya ng ng isang bato
May pag-asa pa kayang muli akong makakabangon?

Lumipas ang mga araw at hindi na tayo nagkita
Walang tinig na narinig kahit himig sa aking gunita
Malamig pa rin ang hangin ang sya ko pa ring nadarama
Talaga bang dapat ko na lang tanggapin na wala ka na?

Mahirap harapin ang mundo ng nag-iisa
Bagamat akala ko noon, madali lang ang mag-isa
ngunit aking napagtanto, ang hirap pa lang mag-isa!
Lalo na't nung malaman kong ikaw na pala ang aking sinisinta.

Lamig sa puso, walang init na matampo.
Sa lamig ng panahon, sino kaya sa akin ngayon ang mag-aahon?
Ang puso ko ay tila naninigas kagaya ng ng isang bato
May pag-asa pa kayang muli akong makakabangon?


Malamig na hangin, sana iyong damhin...
Nang malaman mong ito'y nanggaling sa akin..
Ang minsan nagkaroon sa'yo ng pagtingin,
Iyon na lang siguro ang aking tatanggapin.


Sa aking pagsuko, sana matanggap mo
Huwag mo lang sanang isipin na parang isa na akong bato.
Bagkus ang isipin mo, isa na lang akong malaking yelo
Na bagamat matigas at malamig
may pumapatak ding tubig
Sa tuwing ang hangin ay dumadapo.


Hehehe...masyadong malungkot ang tula ko. Pero sana maibigan nyo. Wala kasi akong magawa dito sa kompyu kaya nagtrip lang ako!



=mimi=


Monday, November 06, 2006

Sais hindi kwatro

Wala lang ito...remembrance lang ito ng b-day ko...


HAPPY 18th BIRTHDAY



na lang sa sarili ko.

Sa mga pumunta o dumalo nung kwatro, maraming salamat. Sa lahat din ng taong nasa likod o may pakana ng handaang iyon., Marami ring salamat. Sa mga bumati sa kin nitong November 6, maraming salamat. Tanggap ko na ngayong 18 ako dahil ito naman talaga ang araw ng kapanganakan ko sa mundo hindi nung kwatro.

Salamat sa Diyos at tumagal pa ako dito sa mundo!


=mimi=

Friday, November 03, 2006

1st entry this month of november

Maikli lang ito dahil gusto ko ng may mailagay na kaagad nitong november. Birthday ng tatay ko ngayon. Happy Birthday sa kanya. Gaganapin iyon sa Sabado, November 04. Isasabay na rin doon ang b-day ko. Anak ng tokwa! debu ko na! Parang gusto ko ng lumipas ang araw na iyon! Masaya akong nagaabala sila doon kaya lang ayoko ng bongga o malaking handaan. Tama na sa akin ang simple lang. Ayos na sa akin ang simpleng handaan. Kaya lang wala akong magagawa kasi parang planado na nila lahat. Maraming kamag-anak ang pupunta. Konti lang sa kaibigan ko dahil nasa bakasyon pa.

Hay...hindi ako sanay sa ganoon. Basta bahala na! Ayos na sa akin ang walang 18 roses o 18 candles man lamang dahil ayoko naman talaga magkaroon ng ganoon.


Sige...hanggang sa muli....


Ba't ba napaka espesyal ang 18th birthday sa mga babae??


Ayokong marinig uli sa mama ko na "dalaga na ako" waah...kinikilabutan ako!

Ang bilis talaga ng takbo ng panahon!



=mimi=