DVDX...pirated cd...
Aba aba...ngayon lang ata ako nabakante ng gagawin sa eskwela ah..nakakapanibago. Dati kasi even weekends tambak ako ng gawain..halos lagi akong naghahabol sa oras dahil ang dalawang araw na walang pasok ay kulang na ulang para magawa ko lahat ng mga gawain na yun pero ngayon..Ayos! wala akong ginagawa...nakakainip!
********************
Tapos ko na ang assignment ko para sa Tuesday..ginawa ko na dahil wala akong ginagawa..wala naman kasi kaming assignment for monday..Actually meron pala sa accounting kaya lang nagawa ko na yun matagal na kaya yun..hindi ako natambakan. Ang tanging ginagawa ko na lang ngayon..ito habang nakikinig ng music na pirata!
Basta pirata...ate ko talaga nangunguna...mula sa mga pirated cd na movie pati music pinatulan na rin. Halos lahat ata ng cd nyang mga RNB (yoh!) pulos pirata eh...HIndi ko kasi inuudyukang bumili ng orig. kaya yan...tuloy pa rin sya sa gawain nya. Pero minsan sinabihan ko yun kaya lang tulad ng dahilan ng nakararami pag tungkol sa bilihan ng kung anumang bagay..."walang budget!" yun...no comment na lang ako dahil wala rin naman akong money para mag-provide sa gusto nya...(pero sa gusto ko meron!wehehe..)
********************
Kasalukuyan akong nakikinig ng binili nyang cd...sound trippin' while typing! hehehe...Bagamat mahilig sa rnb ang ate kong 'yon hindi rnb ang binili nya ngayon. This is composed of opm bands..himala nga eh..bumili ng ganito. Actually, parang ako pa ata ang may dahilan kung bakit sya bumili ng ganito...pero anyway, bahala naman sya ano...desisyon nya ang pagbili nito...makikigamit na lang ako!weheheh...:P
Ayos nga ang cd na 'to eh...ganito pala pag pirated ang daming mga mp3 songs. Korak! MP3 lang...so it means hindi sya pwede sa mga cd player na hindi rin mp3 player kaya naman pinapakinggan ko ito ngayon sa kompyuter.
Since mga mp3 songs lang ito natural ang dami.. naglalaman ang cd ng 32 banda na may mali maling spelling ng pangalan at kanta nila...to mention the bands included in this cd..ito yun...
1. Vic Chesnut
~hindi ko alam kung banda nga ba 'to dahil parang tambay lang sila sa tabi-tabi o taong naisipan lang kumanta at mukhang nakatira pa ng pinagbabawal ng gamot ang kumakanta. Ni revived nila ang kantang "so sad" na nagmula sa isang rnb song. Dahil ang nilalaman ng kantang ito ay panibugho at kabiguan sa pag-ibig, binago nila ang lyrics ng kanta pero hindi naman nalalayo sa diwa ng kanta. Yun nga lang pagnapakinggan mo..puro mura. Bukod sa mura may malalaswa pang mga salitang hindi dapat marinig ng isang batang kagaya ko. Kaya itong kanta nila will be rated as PG-18!
2. Six cyclemind
~hindi na bago 'to sa isang piratang cd kagaya nito. Malamang malalagay talaga ang 6 cycle sa cd na 'to dahil sikat sila sa mga teenagers ngayon. ("Di pa naman ako teen di ba?---aimme from 7yrs ago")
3. Bamboo
~ok din ang bandang ito..gusto ko nga s kanta nila ngayon ay "peace man". Nagandahan kasi ako sa tunog...*peace*
4. Blades
~ Napakinggan ko na dati ang bandang ito sa NU 107 sa radyo. Ang kantang narinig ko pa noon ay yung kanta nilang "ouch!".Nakakita na rin ako ng album nila matagal na kaya lang nagdadalawang isip ako kung bibilhin ko dahil isang kanta pa lang ang naririnig ko (yung ouch!) But since, napakinggan ko ang apat sa kanta nila ngayon...parang gusto ko ng bumili dahil ayos naman ang tunog at kanta nila. (kailangan ko ng mag-ipon ngayon...may bago na naman akong pagkakagastusan..)
5.Brownman Revival
~no comment. Hindi ko pinakinggan eh...di ko trip makinig ng reggae kanina kaya nilagpasan ko ang files nito..
6.CallaLily
~alam ko lumabas ang banda 'to kasabayan ang "callalily" na drama sa t.v. Yung pinagbibidahan ng dalawang kambal na bata na ang pangalan ay "charlene". Basta yun....kaya nung nakikita ko sa songhits ang pangalan ng bandang ito..kala ko yung kanta nila ang OST ng teleseryeng "callalily" sa t.v. Kala ko rin dun sa kanila denirived ang title ng teseryeng yun!weheheh...*churi..churi* :)
7.Cheese
~ cheese ang nakalagay sa cover pero kanta ng cueshe ang nasa track. Halata talaga pag pirated eh noh?! hehehe...anyway, may cheese talaga sa cd na 'to..mali lang talaga ang gumawa ng cover..
8.Chicosci
~Hindi nakalagay sa cover pero andun din sa cd. Kung original cd 'to tapos hindi nilagay ang chicosci gayung kasama pala sila sa album, aba, dapat ireklamo ng chicosci yun dahil prang hindi man lamang sila na-acknowledged o parang pinagkaitan sila ng recognition. Kagaya sa cd na 'to..buti na lang pirated..hindi orig..pero kahit na..Malamang hindi alam ng gumagawa ang bandang ito...
9. Cueshe
~Hindi rin nawawala ang cueshe sa mga pirated cd. Natural lang dahil sikat sila...lalo na sa mga girls! (babae ba ako? *peace* :,). Nakita ko na ang bandang 'to sa personal. Accidentally na nasa sm fairview kami ng ate ko na may promotion of album atang matatwag yun..yun andun sila...nakita ko silang lahat. Wala lang...no comment ako pero sabi ng ate ko..."kalalaking tao ang kakapal ng powder sa mukha!" Uy!hindi ako nagsabi nyan ah..ate ko...malabo ang mata ko...kaya hindi ko gaano napansin na napowder pala sila...
10. Frio
~nilagpasan ko uli itong pakinggan kaya no comment...(swerete ng bandang 'to wala akong any violent reaction!)
11.Hale
~nilagpasan ko rin pakinggan although gusto ko ang bandang ito. Wala lang...after the released of their second album parang masyadong tahimik ngayon ang hale. After ng kanta nilang "waltz" sinundan ng "hide and seek" at pagkatapos hindi na nasundan uli. BAkit kaya?? pero kung ikukumpara ko ang 1st album nila to their 2nd album ngayon, pipiliin ko ang 1st...Yung 2nd kasi nila...ewan ko kung bakit parang natitigilan akong pakinggan. Paranghindi ko pa gaano naappreciate ang 2nd album nila. Pero ang kanta nilang "last song" from their 2nd album...Yun pa lang ata ang na-appreciate ko sa ngayon....dahil siguro kasi sa title. I used to make a song kasi entitled "the last song" before pa sila naglabas ng album kaya siguro yun...
12.Hilera
~ito ang bandang bumili ako ng album pero pinangregalo ko sa isang kaibigan. hindi ko alam kung bibili ako. Pero sinabi ko na kasi sa sarili ko na hindi ako bibili ng cd na 'to. Kaya pinangregalo ko na lang muna sila sa taong maappreciate ang kanta nila. Actually ok naman ang kanta nila, yung music...kaya lang wala lang muna...Saka na lang muna...pag-iisipan ko...(nabablanko ang utak ko...basta..ayos lang! yun lang ang masasabi ko bandang 'to)
13.Imago
~Wala sa list ang "idlip" kaya hindi ko pinakinggan...
14.Join the club
~ang pinakinggan ko lang ay yung "handog" na galing pala yun sa "hopia mani popcorn". Sila ang nag-revived ng song. Naalala ko kung paano namin asarin ang isa kong ate gamit ang tono ng kantang 'to...ito ang lyrics...
"parang kailan lang, ang mata ni (pangalang ng ate ko..) ay puno ng bituwin....toorootorooot...at parang kailan lang, ang mata ni (pangalan uli ng ate ko) ay puno na ng dilim!..... turuturut.... tatanda at!...(*cut)"
Hanggang dun lang ang kanta. Ang katoto kong ate sa pangaasar ang kumakanta at ako back-up lang. Ako ang nag "tuturururut" heheheh...
BAD!
15.Kamikazee
~ayoko makinig ng maingay nung mga time na yun. Inaantok na kasi ako kaya nilagpasan ko muna.
16.Mayonaise
~Isa sa mga bandang kasabayan ng hale magperform sa myx live. Mas sila ang pinanood ko kaysa sa hale noon. Trip ko rin ang music ng mayo...pero di ko alam kung bibili ako ng cd nila. Balak pa lang siguro...Gusto ko sa kanta nila ay yung "panaginip" nakakarelate tayo eh! wehehehe...(tama na!)
17.Metafour
~senti.
18.Orange and lemons
~sila pala ang kumanta ng isang commercial for anti-dandruff shampoo sa t.v. Ewan ko...pero narinig ko...title ng kantang yun.."let me"
19.Paramita
~matagal ko ng binalak bumili ng album nito pero hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakabili. Basta ngayon tototohanin ko na...(parang nabulol ako dun ah! totototo)
20.Protein shake
~di ko trip pakinggan sana kaya lang nagta-type ako kaya..yun...tapos na...
21.Rivermaya
~matgal na na banda 'to. Grade school palang ako sikat na ito. Pero mas gusto koyung dati kaysa ngayon. Hmmm..wala lang!
22.Sandwich
~kasalukyan kong pinapakinggan ngayon...Mula sa APO tribute...
23.Shamrock
~Pangalan ng school ni marcos sa Laoag city...
24. Six part Invention
~Wala akong ideya sa banda. Pero ngayon pinapakinggan ko, babae pala ang vocalist nito. Tapos, mellow at love song ang kanta...yun
25. Slapshock
~tagal na rin nito...pero hindi ko lang trip...
26. Soapdish
~hehehe...ito ang bandang gusto ko at paborito ko ngayon. Gustong-gusto ko ang music nila at lyrics ng kanta. Parang minsan kwento ng buhay ko ang nasa lyrics ng kanta! wahahaha...hindi ko alam kung paano nakakagawa ng ganoong lyrics si jeff bolivar pero natutuwa ako sa kanya. Lalo na sa lyrics ng "until the morning comes" na nsa footnotes ng blog na ito. Hehe..wala akong masasabi sa bandang ito kundi "keep up the good work!". Sana maglabas pa sila ng album...aabangan ko yun at bibili ako nun panigurado...Susuportahan ko si papa jeff! weheheh...
27.Spongecola
~Ang badang ito ang may maraming kanta sa cd na ito pero sa cover ng cd wala ni isa mang anino nila. Ang gulo eh no? Ang nasa cover ay ang pic ng calla samantalang sponge cola ang may maraming list ng kanta dito sa cd! ang kulit! Basta pirata talagang ganito...Nakita ko na ang bandang ito sa personal. SM fairview uli...autographed signing at realeasing of their album ata ang nagaganap nung time na yun. Yun lang...
28. Stonefree
~Mas nauuna akong magtype kaysa sa music na pinapakinggan ko ngayon. Kaya pass muna...
29.Sugarfree
~Gusto ko ang kanta nilang burnout pero wala sa cd na'to...kainis!
30.Sunflower day Camp
~nalaman ko ang bandang ito nung mapanood ko sa myx ang..ang..ano bang tawag dun?? Yung labanan ng mga rookie band...Basta napanood ko yun kaya lang ang nanalo nung time na yun ay ang "hardboiled eggs" ata... Basta yun...
31. Typecast
~uy...hindi ko namalayang matatapos na ako sa mga banda ah...#31 na 'to...hehehe...typecast..familiar ang pangalan pero kanta hindi eh...pero ngayong pinapakinggan ko na...alam ko na...napakinggan ko na nga...kilala ko na...yun lang...uhmp..
32.Urbandub
~Una hindi ko 'to gusto...pero di kalaunan..ayos naman din pala ang music nila...no comment na lang muna...
*********************
Akalain mo yun..nagpapalipas lang ako ng oras ng hindi namamalayang ang haba na ng nata-type ko. Syang sa kuryente kung tutuusin...at sayang din sa internet. Pero di bale dinisconnect ko naman muna para hindi nga naman sayang sa internet. Maya ko na lang iko-connect uli pag ipo-post ko na...
*********************
Sa halagang P35 pesos may cd kanang ganito karami ang kanta. Kumpara sa original na isang band lang ang kumanta ay aabot pa ng P300 ang cd. Pero gayun pa man...tangkilikin pa rin natin ang orig para wala tayong nasasagasaang trabaho. Kung patuloy tayong tatangkilik sa ganito, sisirain lang natin ang industriya nila na maari ring humantong sa kawalan nila pag-produce ng cd or album. So kahit ganoon kamahal....worth it naman kasi original at high quality talaga...walang talon..walang mali-mali ng spelling at higit sa lahat...hindi imitation!
Sa mga makakabasa nito....huwag nyong tularan ang ate ko!weheheh... Pero salamat sa kanya...dahil kahit anong oras pwede ko nang pakinggan ang "kahit maputi.." ng soapdish!
*********************
Ito na muna sa ngayon..sana hindi na ito magloko sa spacing..dahil nakakahilong basahin sa totoo lang tapos ganito pa kahaba....hay nako po....
babu...
:)
=aimme=
saktong alas dose ako natapos ah! ganoon ba ako katagal inabot...parang hindi ata ah...:P
Labels: All music is important if it comes from the heart. ~ Carlos Santana