Monday, October 30, 2006
Pumunta ako ng school kanina para mag-enroll. Mas ok pala kung hindi ka first day of enrollment ka mag-eenroll dahil hindi mahaba ang pila. Mabilis pa ang galaw. Kahit medyo maraming estudyante, hindi naman yon kagaya ng unang araw ng enrollment.
Ayos ang galaw ng enrollment. Yun naman talaga kasi ang kagandahan sa UE. Matatapos na sana ako. Actually nakapag-encode na nga ako at nakapagpa-print, bayad na lang ang kulang. Pababa na sana ako para magbayad ng bigla ko na lang nakasalubong ang kabarkada ko. Nanghinayang ako sa section na nakuha ko dahil sa dinami daming section na mapipili ko, magiging kaklase ko na naman ang mga classmates ko nung last semester which is ayoko. Ayoko sa kanila! Panigurado kasi kapag sila na naman ang naging kasama ko sa room, sila sila na naman ang bibida! Magi-straw na naman sa prof o kung hindi naman eh pag ang prof ang naimpluwensyahan nila, patay na naman! Kawawa ang mga estudyanteng natitira na hindi kasing galing nilang mang-akit ng prof! Mangangawawa na naman ang mga iba nilang magiging kaklase sa grades!
Nung nalaman ko na magiging kaklase ko sila, napa-change kaagad ako ng section. Medyo nagdalawang isip ako dahil sayang ang napa-print ko. Tapos na sana ako. Pero inisip ko bandang huli, wala naman akong dapat panghinayangan kung hindi ko pa naman nababayaran. Isa pa, mas magiging masaya ang pag-aaral ko kung hindi na sila ang magiging kasama ko sa klase. At least pag wala sila nakikita kong nagkakaroon ng equality sa loob ng klase. Lahat sama-sama., Fair ang mga prof at higit sa lahat may "social justice"!
Yun nung napalitan ko, naging maayos naman ang lahat. Hindi ako kinuwestyon ng mga admin don. Pwera lang ang isang babaeng nagche-check ng PEF. Medyo kinabahan ako kasi kala ko mahahalata akong nagdoble pero hindi pala. Iba ang tinanong nya...
"miss, may bagsak ka ba?" tanong nya matapos nyang titigan ng napakatagal ang subject na "financial accounting na ite-take ko ngayon.
"Po! wala po..." tanong ko sa sarili ko "bakit kaya?" ng may gulat at pagtataka sakin bakit nya yun tinanong.
"wala lang..." huli nyang sinabi at hindi nya na ako pinansin.
Nakakapagtaka kung bakit nya ako tinanong ng ganoon. Aminado ako, mahirap ang accounting namin ngayon dahil sa dinanas ko sa prof ko pero masaya ako dahil nalagpasan ko yun kahit ang grade ko sa subject na iyon ay hindi kataasan. Maswerte ako dahil nakapasa ako. Hindi ako napasama sa labingdalawa kong mga kaklaseng bumagsak. Pero nagtataka lang ako tungkol sa seksyon na napili ko kasi mukhang doon ata ang may problema kaya sya nakapagtanong ng ganoon sa akin. Iniisip ko..hindi kaya ang seksyon na napuntahan ko eh seksyon ng mga bagsak?? Hmm...ewan ko lang ah...pero kung ganoon man, mas ok na doon ako mapunta kaysa na maging kaklase ko pa rin ang yun-1st sem.
Kaya lang ang malas ko, PE ang first subject ko, limitado sobra ang absent sa mga subject na ganoon at kinakawnt talaga ang mga late doon. 7:30 ng umaga ang lahat ng pasok ko, pwera lang ang araw ng wednesday na 8:30. Lagot ako...lagi pa naman akong late!
~O~
2nd sem na, ang bilis talaga ng araw! Sa pagiging masyado mong abala sa lahat ng gawaing pang-eskwela hindi mo mamamalayan na ga-graduate ka na pala. Tapos sa paglipas pa ng panahon, haharapin mo na talaga ang totoong laban mo sa buhay. Sana magakaroon pa ako ng lakas na mapaglabanan ang lahat ng iyon.
Huwag sana maulit ang karanasan ko nitong 1st sem sa accounting. Sana yung prof na iyon hindi na sya ang maging prof ko ngayon. Magiba na sana....
sana...
sana...
sana...
puro na lang ako sana dito, basta ang mahalaga kung anuman ang darating ay maharap ko ng tama. Wala naman kasi ni isa man ang nakakatiyak sa darating na bukas. Ang kailangan lang talaga ay maging handa. Kaya dapat paghandaan ko.
Goodluck na lang sa'kin sa 2nd sem!
=mimi=
Sunday, October 29, 2006
A fighter and a risk taker
Magrereply sna ako sa kaibigan ko sa e-mail kaya lang dinaldal ako ng ate ko. Madaling araw na pero ayoko pang matulog. Nawalan na rin ako ng gana magreply kaya ito na lang muna....
~o~
Nakita ko na rin ang grades ko lahat, sa wakas! ito na yun....
ENG- 1.75 ~ buti na lang at hindi bumaba. Hindi ko rin naman ine-expect na taas dahil lagi akong late sa subject na
ito at minsan absent pa! laking pasasalamat ko at mataas ang nakuha ko dito at hindi ako naging drop sa list ng prof ko...
HU101-1.75~ Nanatiling ganito ang grade ko simula prelim. Ito ine-expect kong tataas nung midterm kasi alam
ko mataas talaga ang grade ko pero nitong finals hindi ko na inasahan. Ok lang at nakuha ko ang grades na ito kasi at least napatunayan ko sa mga kaklase ko na hindi ako hayok na hayok sa grades! sapat na sa akin na pumapasok ako ng may natututunan sa subject na ito at hindi bumabagsak. Mabuti na lang at hindi ako binabaan. Malakas siguro ang "charisma" ko kay ma'am! :)
PS112- 1.50~ Political Science. Kahit na sa subject na ito laging sa kwento nauuwi ang usapan masasabi kong
paborito ko ito. Ang galing ng prof namin dito! Lahat ng artikulo ng konstitusyon ng pilipinas noong 1987 kabisado nya. Ang galing! Isa pa, talagang pinatutupad nya sa klase ang pagkakaroon ng "social justice" nasa Article 3 sec10 yun kung hindi ako nagkakamali.
MG 1.50 ~ Management. Dito ako nagmayabang nung departmental. Pangalawa ako sa natapos sa klase. 20 mins lang ata ang nakonsumo ko sa pagsasagot, sapat na iyon para ipagmayabang ko sa mga matatalino sa amin sa klase. Nainis nga ako nung departmental kasi kopyahan ang nangyari. Kahit ba kasi sabihin na natin na last exam na yun, kawawa naman ang mga taong talagang nagpuyat magreview tapos biglang ang lahat ng sagot ay isisiwalat ng iba sa lahat tapos yung ibang hindi nag-aral ay madali lang nakakuha ng sagot. Hindi man lang naghirap! unfair! Hindi ko na nireview ang testpaper ko dahil mahirap na... Baka ako pa mapagtanungan. Mainis lang ako! Gusto kong makita kung nakasali ang pangalan ko sa top ten ng departmental. MAlay mo lang mapasama ako...kasi ang taas pa rin ng grade ko ngayon eh....saya nun!
PE,FI,NSTP ~ 1.25 ~ Sana ginanito ko na lang para madali, hindi ko na dapt inisa-isa pa! Ok naman...no comment!
walang nagbago sa grades ko nung 2nd sem 1st year sa FI at NSTP. Himala nga lang sa PE kasi 1.25 grade ko.Napakataas. Dati kasing grade ko dyan 2.00 eh..
AC 103 2.75~ Accounting. Panira sa lahat kong grades. First time in the history of my study nakakuha ako ng
ganyang kababa na grade. Pero sige...tanggap ko. Tuwang tuwa pa nga ako ng makita ko ang grade ko na nasa line of 2 pero sabi ng kaklase ko, yung kaibigan ko ba...hindi naman daw dapat ganyan ang grades na nakuha namin kasi mataas ang nakuha namin sa quizzes lahat. Although nung huli ay medyo bumaba pero hatak pa rin yon. Agree ako pero masaya na ako na nakapasa ako dito. At syempre masaya na rin ako dahil sa wakas tapos na ang buhay ko sa piling ng prof na yon!
~o~
Without my comments or violent reactions sa mga grades, ito na ang kabuuang grades ko:
EN-1.75
AC-2.75
PE-1.25
PS-1.50
HU-1.75
MG-1.50
FI-1.25
NSTP-1.25
Natutuwa ako sa grades ko ngayon dahil nasa line of one lahat (pwera lang ang accounting) Nakakapanghinayang lang dahil hindi ako umabot sa "college scholar" sa school. 1.60 ang kailangang average tapos ang average ko 1.63
Sayang ano? pero ok na rin at least nalaman ko sa sarili ko na pwede na akong maging accountant! hehehe...may pag-asa ako na maging accountant someday. Although mababa ang grades ko ngayong 1st sem natutuwa ako kasi naihabol ko ang grades ko na makapasa. Biro mo ba naman simula prelim halos kalahati ng klase bagsak! kasama na ako dun. 4 ang grade ko nung prelim kaya naging delubyo para sa akin ang subject na accounting. Nung midterm naging malaki ang improvement ko kasi napa-3 ko. oo! isang malaking 3.00 na grade. Ngayon, 2.75 na!
Naalala ko, isa-isa kaming tinanong ng prof ko kung tutuloy kami o igi-give up na nmin ang kors. Ang sagot ko "tutuloy po ako!" Pagkauwi ko ng bahay, naisip ko parang isa akong player ng deal or no deal. Since sinabing kong tutuloy ako...walang "deal" "deal" sa akin, "no deal!" ako dahil gusto ko pang lumaban! Now d, dahil sa lumaban ako napatunayan kong isa akong fighter at the same time risk taker! hehehe...ang saya pakinggan. I am a fighter or a soldier who won at the end of the war. 50-50 kasi ang lagay na ng grades ko. Maaaring tumaas at may posibilidad rin na bumagsak na ng tuluyan at since nasa gitna na ako ng laban wala ng atrasan pa! hhindi ko alam kung ano na ang mangyayari sa akin basta ang nasa isip ko lang, gumawa ako ng dapat kong gawin basta makapasa ako kahit anong mangyari! Then as a fighter, hindi mawawala ang pagr-risk. So sa nakikita ko, nagawa ko. Masaya ako dahil ako ang nagwagi sa gera between me and my subject.
~o~
Masaya ako at pasado na ako at 2nd sem na itong tatahakin ko. Pinakita ko sa tatay ko ang grades ko pati na rin sa mama ko kaya lang parang hindi ko na feel na naa-appreciate nila.
ito yung eksena sa mama ko....
ako: ma, nakita ko na grades ko...ito o... (isipin mo na lang binanggit ko ang mga grades ko sa mama ko)
mama: aba matataas ah...edi pwede ka ng iskolar?
ako:hindi eh..kasi may mababa ako, yung accounting. Panira talaga yung subject na'to! Loko talaga yung prof na yon!
mama: Nye! sayang! "trying hard" ka talaga!
ako: (sa isip ko) anak ng tokwa! bakit trying hard? maganda naman ang grades ko ah! hindi naman ako bumagsak, nakapasa naman ako, bakit trying hard. I try my best na nga para makapasa at nagawa ko naman tapos...trying hard pa rin!
background music:"i did my best, but i guess my best wasn't good enough..."
Eksena naman ito sa daddy ko...
Ako: dad nakita ko na grades ko.... (medyo malungkot na yung dating ko. mahirap na baka maulit uli!)
dadi: o! sige nga...(matapos tignan) Ay! hindi pwede 'to!
ako: HA! bakit? (gulat na gulat dahil eto na naman sa reaksyon!)
dadi: Ang baba ng accounting mo o!
Ako: ah...oo...pero maganda naman ang grades ko no? di ba? (nagtanong ako para hindi naman masyadong masaktan ang loob ko)
dadi: ah...oo...kaya lang.... (ayaw pa rin patalo ng dadi ko kahit man lang sa puntong iyon)
the end
~o~
Sa bagay hindi ko naman masisisi yung reaksyon nila dahil kahit sino ba naman mapupuna talaga ang kapuna-punang grade ko sa accounting. Pero may isang tao dito sa bahay nung pinakita ko ang grades ko kakaiba ang reaksyon...
ako: pol, tignan mo 'tong grades ko...hanapin mo kung ano ang problema...
apple:(matagal na nakatitig sa papel) hmm...o! bat may 1.75 dito?!
ako: ALin? (gulat na gulat na naman ako)
apple: ito, o...dapat sinama mo yan dito dahil hindi nya naman kahanay yan!
the end
Di mo gets ano? Sumakit ang ulo ko sa ate kong yun kaya minabuti kong matulog na lang. Akalain mo ba namang kaya pala ang tagal nyang tignan ang papel dahil ang pinuna nya pala ang pagkakasulat ko kung ascending ba o descending sa grades hindi ang kinababa ko sa accounting which is ine-expect kong pupunahin nya rin! wow! sa bagay, ang tinanong ko kasi kung anong problema sa nakasulat sa papel kaya ang sinagot nya hindi naka-ascending order ang grades ko. Hiwa-hiwalay! My gali!
~o~
Anyway, sige, hanggang dito na lang muna kasi madaling araw na...mahirap na baka baligtarin ako ng ate ko bukas sa mama ko. Sya naman din ang may kagagwan kung bakit ako tumagal dito.
By the way, the lesson in this post...Never give up the fight if you know there is still a chance or a way that will make you win. Sometime to be a risk taker ay nakakatulong din. That attitude may enhance your capacity to think of a way to solve your problem. Sometimes, nakakatulong din ang pagiging risk taker ng tao sa pagdi-develop ng personality nya. Bukod pa don ang learnings na makukuha nya is for personal experience that may also help to know his/her weakenesses. Sa pagiging ganoon mo, napu-prove mo sa sarili mo na kaya mo pala ang lahat basta you know how to work of it.
Basta ganon yung naranasan ko. Kailangan lang talaga, sipag at tyaga. Determinasyon at be a fighter with a hand of willingness to risk something. And of course, never forget to pray because prayers really works!
Totoo ang mga nakasulat sa pader ng overpass sa C5...
"pray it works!"
Magtatatgumpay ka, pramis basta maniwala ka!!
Amen!
=mimi=
Wednesday, October 25, 2006
for 2nd sem sked....
Grades ko ngayon 1st sem....
FI 113 =1.25
HU 101=1.75
MG 101=1.50
PEN 1R2=1.25
NTC2=1.25
2nd sem regular classes: November 7
Enrollment: SN begins with 2005 November 02-03
Yan...nilagay ko muna dito hindi para ipagmayabang ang mga grades ko o kaya naman umabot ako sa 2nd sem kundi para hindi ko makalimutan uli ang mga yan!
Hehehe..pero masaya akong ganyan kataas ang nakuha ko...sana makapasa ako sa accounting....
Saturday, October 21, 2006
Texting it right with T9
Texting it right with T9...ano bang ibig sabihin nito??
Kababasa ko lang sa dyaryo ng "Philippine Star" ang article na yan. Naengganyo akong basahin dahil akala ko bibigyan na ng kalutasan ang mga taong masyadong nahuhumaling a text na sadyang napapabayaan na ang grammar. Pero mali ako...
~o~
Mom: You do nothing but exchange text messages with your friends all day long!!
Boy: tok 2 me l8ter mom! cnt u c m bc? jz, lytn up, wil u?
Naengganyo akong basahin dahil sa panimulang ganyan. Naalala ko kasi ang kapatid kong umangkin na ng cellphone ko. Walang inatupag kundi ang magcellphone buong araw. Natulog na ako lahat lahat...cellphone pa rin "nya" ang hawak nya.
Sa mga expose na sobra sa text messaging, sa tingin ko madali na lang sa kanila ang i-type yan sa keypad o maging basahin man. Pero sa katulad kong walang exposure masyado sa mga wordings ng cellphone, mahirap! ultimo nga pagtata-type lang dito sa blinabi ni "boy" ay hirap na ako. Nagkonsumo ako ng maraming segundo na parang hindi ko kabisado ang nasa keyboard dahil sa pinaghalong letters at number ng salita. Mahirap!
~o~
"wru?"
"on d way na trfc e"
"got 2 go lang 2 d lab. b back here soon. wait 4 u ha?"
"b der in 15mins, will txt u."
"k,cu."
Kung nabasa mo 'to ng madaling nakuha ang sense ng text, magaling ka na! Expose na ang utak mo sa daloy ng text messaging, hindi kagaya ko.
Nung una ko yang nabasa sa dyaryo, hindi ko maintindihan. Ang pamilyar lang na salita ang naiintindihan ko pero yung iba hindi na. ganito ang pagkakaintindi ko kanina..
"wru?"- kala ko "hu u?" kala ko nagkamali lang sa type pero iy stands for "where are you?" pala yan...
"on d way na trfic e"- alam ko ang trfc ay traffic pero hindi ko alam na ang sinasabi nya pala ay na traffic sya. MAlay ko ba!..
"got 2 go lang 2 d lab. b back here soon. waith 4 u ha?"- naintindihan ko ang "got 2 go" pero hindi ko alam na balak nyang pumunta ng lab o laboratory. Akala ko kanina yung "lab" ay tumutukoy sa taong gusto nya. Kumbaga eh nagpapaalam lang sya kasi "got 2 go" hindi pala yun yon!
yung mga huling text na natitira, ok na. Naiintindihan na yun ng utak kong mahirap maka-gets sa mga text messaging.
~o~
Nung pinabasa ko iyon sa ate ko, aba ang galing! Doon ko rin naintindihan ang pinaka-ibig sabihin ng text na yan. Doon ko nakuha ang thought ng text. Nung kinitricize o bigyan na lang ng critization ang nasabing text, ako pa ang na "gaga" ng ate ko. Ang hina ko raw! Common Sense na nga lang daw yun sa text hindi ko pa na gets!
Hmp! anong magagawa ko kung hindi me kgy nla s pgttxt. hwg nla me i2lad s styl nla kng paano mgtxt dhil me bnbuo ko.
Hay...ang hirap. Ayoko ng ganito. Baka pag nasanay ako maging wrong grammar pa ako!
~o~
Ayon sa article na yon, isa sa nagiging problema na ng karamihan sa mga kabataan ngayon ay ang kanilang grammar. One factor ng pagkakaroon ng problemang iyon ay through text messaging. Kung bakit through text messaging ito ang sa tingin ko ang dahilan...
Hindi na kasi kaila sa ating bansa ang pagkakaroon ng teknolohiya. Patuloy at tuloy tuloy ang pagkakaroon ng teknoloji sa ating bansa. Isa na rito ang pagpasok ng iba't ibang features ng cellphone na ang kalimitang gumagamit ay ang mga kabataan.
Isa sa mga katanungan nabanggit sa artikulo ay "kung bakit kailangang i-abbreviate ang message sa text?"
Ayon sa isang tagapagtanggol, para daw makatipid sa load which I really disagree!
Para makatipid sa load e halos ang dami na ngang nagsisilabas na unlimited text for 1 day or even 5 days, anong tipid sa load ang pinagsasabi nya?! Yang load e halos isama na rin nila sa budget nila at minsan pinanguutang pa sa iba basta magkaload lang anong pagtitipid ang iniisip nila?!
Parehas kami ng naging opinyon ni "young" isang...mmm..isang...hindi nabanggit sa article eh..basta "young" ang tawag sa kanya. Parehas kami ng opinyon. Sa dinami daming promo na binibigay ng globe, smart, tm o kung ano pa man na unlimited text hindi na nila kailangan magtipid dahil for the whole day or week na lang siguro, wan to sawa sila sa pagtetext na walang bawas sa load kundi yung cost lang na pinangregister mo. Ano pang alalahanin mo?
Malamang nanahimik si "lawyer ng mga text" nung mga oras na iyon. Parado sya panigurado.
~o~
Magandang panimula na sana ang ginawang opiniyon ni "bata" kaya lang biglang nabago ang impresyon ko sa kanya na balak nya lang pala mag-endorse uli ng isang high-tech cellphone na ma-rereduce ang paga-abbreviate ng words because that cellphone "daw" is predictive or can remember word that you frequently use. That software is called "predictive so no need for abbreviation.
Yung function daw nito kung tinayp mo ang "t" lalabas kaagad ang word na "thank" "think" "talk" o kahit anong word na may kinalamn sa "t" oks na. Mapa tagalog dictionary pa man daw ay ok na.
Naisip ko, hindi ba halos karamihan na ng cellphone ngayon ay may ganoon nang features pero wala pa rin naman nagagawa sa grammar ng mga kabataan. Lalo pa ngang lumalala ngayon eh, di ba? Hindi naman pinagtuunan ng kabataan gamitin 'yon dahil sa kung ano-anong lumalabas na words kaya naging pahirap lang sa kanila. Kagaya na lang daw ng tinayp nilang "l" ang lumalabas kapag "like" ang word "love" kung "s" naman daw nagiging "shit" ang sa halip sana ay "sorry". Kita mo nga naman ang diperensya oo! Wala ring pinagbago! Paano kung ang pinagmamalaki nilang "t9" o "text on 9 keys" na may dictionaryong tagalog tapos naglagay ka ng "t" posible rin kayang lumabas ay t*@#~a oo possible, Alam mo kung bakit? kasi sa pinagmamalaki nilang dictionary sa cellphone, ikaw rin ang bahalang mag-insert ng salitang gusto mo. Ang pinaka-purpose lang talaga ng T9 na ito ay kung paano mapapabilis ang paghataw ng mga daliri mo sa keypad ng cellphone.
Sa makatuwid, wala rin pala silang naisip na solusyon!
~o~
Kung ako ang tatanungin, mas mabuti na lang siguro na masabihan ako lagi ng ate ko na "gaga" at mahina makagets sa ganyang klase ng pananalita sa cellphone dahil at least hindi pa ganoon kasira ang mga grammar ko. Siguro ang tanging solusyon ay nasa tao na ring gumagamit non. Tutal ang problema naman ay naggagaling msimo rin sa kanila. Sumbaga, sa kanila nagsimula, sa kanila rin dapat magtapos!
Hmm..hindi rin naman siguro lahat ng taong gumagamit ng cellphone ay sira na ang grammar. Kaya pa rin siguro nilang i-handle. Basta panatilihin pa rin nila na tama ang grammar nila. Ako hindi ako kagalingan sa grammar pero ayokong ma impluwensyahan ng pagkasira pa dahil sa cellphone. Marahil nasa tao na lang talaga kung paano sila maiimpluwensyahan ng text.
Pero hindi ba mas maganda kung tao ang iimpluwensya sa cellphone hindi ang cellphone ang iimpluwensya sa tao?
Ano sa tingin mo?
"texting it right.....not to..." ay h'wag na lang makasuhan pa akong libel eh! :)
=mimi=
Friday, October 20, 2006
humanities final
Actually tapos na ang pangyayaring ito pero gusto ko lang i-kwento dito dahiul napanaginipan ko ang babaeng yon kanina kaya..sige...
Humanities-Finals katulad ng nakikita mong title sa taas.
Nag-take kami ng final exam sa humanities nitong tuesday lang, Oct 16 kung hindi ako nagkakamali. Kainis nga dahil kung saan 'tong finals na hindi ko pinagtutuunan ang pagre-review. Actually, ok lang sana na kahit h'wag ng mag-review kung na discuss naman namin yun o nagkaroon kami ng proper discussion tungkol sa topic na yun, kaya nga lang...wala. As in wala kaya wala rin akong idea about sa topic o chapter na iyon.
Ang coverage ng exam ito:
Dance
Theatre
Cinema
May kanya-kanyang chapter yan sa libro. Napakahaba ng theatre kaya talagang naghabol ako. Yung cinema natapos ko ang buong chapter sa kalahating oras ng pagbabyahe. Nova-blumen pero hindi pa ako nakakaabot ng blumentriit tapos ko na ang cinema. Ganoon talaga siguro pag naghahabol ka. Yung Dance hindi ko gaano pinagtuunan ng pansin dahil na lesson sa amin yan ng maayos kaya stock knowledge na lang yun.
Sinisisi o sinesermunan ko pa nga ang sarili ko dahil tinulugan ko lang ang subject na humanities sa pagre-review. Inisip ko kasi na magre-review na lang ako ng madaling araw pero...as if naman na kaya kong gumising ng 3:30 ng umaga. Alas singko na nga lang hirap pa ako 3 pa kaya?
~o~
Yun na. Nasa school na ako. Swerte ko dahil late lagi pumapasok ang prof kong taga UP. Ramdam na ramdam ko ang pressure ng pagre-review sa loob ng room kaya sa labas ako nag-review. Ok naman. Natapos ko ang pagre-review ng pahapyaw. Basta magkaroon lang ako ng idea about sa isang term. ok na yun. Kaya nung dumating ang prof ko at magbibigay na ng exam, edi pa-cool lang ako na aakalain mong marami akong alam. Kahit na hindi at nalilimut-limutan ko na ang iba kong na-review dahil sa dami.
Yung kaklase ko na isa..hmmm...tawagin na lang natin sya sa pangalang "mata" kasi hindi nalalayo ang pangalan nya sa isa sa mga parte ng mata.
Nung magsisinula na ang exam, nagulat ako nung sinabi nyang..."mi, pakopya!"
Actually, hindi sa madamot ako pero...kaya nga pinili ko ang upuan sa dulo at pinakagilid dahil ayokong magpakopya. Pero kung kapit sa patalim na talaga ang sitwasyon nya...pasimple kong io-open ang papel ko at bahala na lang sya kumopya. Basta kung may makita syang sagot mula sa akin, bahala na syang isulat pero kung wala, edi wala.
Ganoon lagi ang thinking ko. Kaya lang sa ginawa nya nung habang nagsasagot ako. Aba nairita ako! Dahil sa pagkairita ko nawalan tuloy ako ng awa.
Tulad ng sinabi ko kanina sa taas, kung may makikita ka sa pappel ko, bahala ka ng kumopya pero huwag ang bulgarang talagang kinuha mo pa ang papel ko. I mean mismong kamay mo pa ang nag-open ng papel ko. Anak ng yan paano kung mahuli kami, edi lagot na ako! finals pa man din yun!
Inisip ko tuloy, kung ako kanina,halos naghabol-haboil sa pagre-review magkaroon lang ng idea bakit sya hindi nagawa yon?
Lalo akong nawalan ng awa nung maalala ko na nakita ko lang syang nakikipagdaldalan kanina at hindi nagre-review tapos inaasa nya lang ang magiging sagot nya sa iba. Bakit ba may mga taong ganun?
Ayaw maghirap, gusto puro na lang pasarap!
~o~
Hindi sa naging malupit ako nung mga oras na yon pero gusto ko lang ipaintindi sa kanya ang lesson na dapat nyang matutunan.
Actually hindi ko alam kung saan at paano nagkaroon ng salitang "bawal ang mangopya" pero sa nakikita ko bawal kaya naging bawal yon dahil sa pandarayang ginagawa mo hindi lang sa ibang tao kundi sa sarili mo!
Ang pangit kasi isipin na kaya ka lang pumasa ay dahil sa utak at effort lamang ng iba. (hindi kasama ang effort mo sa paghagilap ng sagot dahil hindi mo rin matatawag na effort yun. Effort sa pag-aaral ang tinutukoy ko)
Para kasi sa akin, hindi mo matatawag na deserving ka sa grades na yun kung wala ka man lamang bakas ng paghihirap doon. Yung masasabi mo na ikaw talaga ang gumawa.
Ok lang sana sa akin ang magpakopya kung alam kong nag-aral ka tapos nakalimutan mo lang kaya hindi mo masagot. Ang masakit at nakakairita eh halos lahat na ng sagot ko eh gusto nyang kopyahin! Ano yon?? Hindi naman sya naghirap eh...kung kokonsintihin ko yon magiging pasarap lang sya at hindi matututo. Sayang ang pera naginagastos ng magulang nya kung wala naman pala talaga syang natutuanan sa araw-araw na pinasok nya sa eskwelahan.
Alam kong medyo may kalupitan ang ginawa ko pero ginawa ko lang ang sa nakikita kong tama. Ayoko lang din na dahil sa ka-irresponsible nya sa pag-aaral madamay ako. Kaya hindi ko na sya pinakopya kahit na tawag pa sya ng tawag sa pangalan ko.
~O~
Agad kong pinasa ang papel ko pagkatapos na pagkatapos kong masagutan ang exam. May ibang items na wala akong sagot. Hinayaan ko na lang. Wala akong ideya eh. Wala na ring mapipiga sa utak ko dahil hindi ko talaga alam. Ayokong kumuha ng sagot sa iba dahil pag naging mataas ang nakuha ko sa exam, hindi ako deserving sa grades na 'yon. Yun ang iniisip ko.
Sabi ng kaibigan ko nung kinuwento ko yun sa kanya nakita nya nga raw na walang sagot si "mata" maraming blangko. Medyo nakunsyensya ako kaya lang kung hindi ko gagawin yun, hindi sya matututo. Hindi nya mare-realize na masama o hindi maganda ang umasa sa iba.
Alam kong medyo naging malupit ako pero yun ang desisyon ko sa sarili ko para sa kanya.
~o~
Hindi naman masama o magbigay ng sagot dahil desisyon mo yun. Ang akin lang sa mga taong kagaya ni "mata" matuto silang tumayo sa sariling paa. Hindi lahat ng tao pwedeng sandalan. Malas nya ako pa ang natipuhan nyang pagkopyahan. Ako pa naman ang klase ng taong iniisip muna kung dapat o hindi dapat gawin bago gumawa ng desisyon. Kaya yan...nakawawa tuloy sya sa akin.
I feel sorry for her pero gusto ko lang na marealize nya na what she did is wrong. I hope natuto sya sa ginawa ko.
~o~
Malupit na kung malupit ako sa paningin ng iba pero gagawin ko lang ang sa tingin ko ay tama!
Sa tingin mo, tama lang ba ang ginawa ko?
o masyado akong naging malupit?
=mimi=
Thursday, October 19, 2006
Pizza Promo
hmm...maikli lang ito. Gusto ko lang ilabas ang side ko...
hindi ko alam kung ako o hindi ang dahilan ng pagkawala ng mood ng ate ko. Dahil lang kasi sa pag-deliver ng pizza hut. I mean pagpapadeliver pala ng pizza hut.
Napili kasi ang mama ko na maka-avail ng 100 pesos discount dahil sa pagiging regular customer nya sa pizza hut tapos naalala yun ng ate ko ngayong gabi kaya sabi nya sabihin ko raw yun sa mama ko. I know gusto nya ng pizza hut, ako ok lang. Kaya naman sinunod ko ang utos nya na i-inform ang mama ko dahil ang promo na yun ay within this day lang. 10 ng gabi ang expiration ng promo na yun so sinabi ko.
Ang akin lang kasi kanina, naiirita talaga ako kapag nagsusulat o nagpo-post ako dito na may kumakausap sa akin. Katulad sa naunang kong post dito na "sem break" ang pamagat, hindi na ako nakapag-focus doon kasi kinakausap nya ako. Ayoko ng ganoon talaga kasi nawawala sa isip ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin.
Kaya nga "the silent of night" ang pangalan ng webpage ng blog na ito ay dahil gumagawa ako nito tuwing gabi. Yung kung saan tulog na sila at tahimik ang paligid para walang istorbo.
Kahit medyo naiirita na ako dahil hindi na ako makapagsulat, sinusunod ko pa rin. Kahit paputol-putol sige ok lang. Kaya lang nung gumawa na ako ng move na sinabi kong sya na ang mag manage don sa baba. Biglang tanggi sya!
Inisip ko, sya 'tong nagpupumilit na sabihin yun sa mama ko para makakain ng pizza tapos ang gumawa ay ayaw nya. Ako na lang ang pinapakilos. Hindi naman sa inaano ko ang ate ko pero, I have done my part, sana gawin nya ang kanya. Malay ko ba sa gusto nyang kaining pzza para ma-suggest sa mama ko. Ako kahit hindi ako kumain o kahit ano pang klase ng pizza ang nakalantad dyan wala akong paki! Hindi naman kasi ako humihiling na magpa-deliver ng pizza, basta I'm just informing my mom na may tumawag sa kanya dahil sa promo na yun, then its up to her kung ia-avail nya yun o hindi. Hindi big deal yun for me!
Ang lagay kasi sa ate ko, sya lang ang pinababa ko para sabihin sa mama ko kung anong klaseng pizza, nawalan na ng gana! Susmaryosep! Ewan ko ah kung ako ang may kasalanan ng lahat!
Ngayon kasalukuyan syang natutulog. Ewan ko kung tulog na pero alam ko hindi pa. Pinipilit nya lang ang sarili nya dahil nga sa nawalan na sya ng gana. Tinanong ko sya kung kakainin pa ba sya nun dahil nga matutulog na agad pero sagot nya hindi na raw. Malamang nawalan na ng gana.
Ewan ko pero nagiguilty ako sa nangyari. Pero kung iisipin wala akong nagawang kasalanan. Ginawa ko lang naman ang part ko, ginawa ko lang ang inutos nya. then nung makita kong dapat sya na ang umaksyon. Sya na ang bahala kung gagawin nya yun. Kung gusto nyang ipagpatuloy, edi go on! Actually yun na nga lang ang gagawin nya, ayaw pa! Gusto ipagawa na sa akin ang lahat.
Basta wala akong ginawang mali. Ganito lang ako dahil ayokong may taong ewan ko kung ano ang itatawag sa kanila- "taong nagtatampo o may sama ng loob?"
Basta akin lang, wala akong ginawang mali kanina. Kawalan na nila ngayon kung hindi sila makakain ng pizza. Sila lang naman ang nagde-decide ng magiging action nila sa buhay eh.
Kung gusto na nilang maging bad trip ngayong gabi, edi magiging bad trip nga pero kung hahayaan na lang iyon at try to enjoy eating pizza na lang edi mangyayari rin yon dahil yon ang desisyon nila.
ika nga:"life is a matter of choice" applicable di ba?
~o~
Hay nako sabi ko kanina maikli lang pero humaba na naman dahil lang sa topic na "pizza"
letseng pizza yan! parang yun lang pinag-iisip ako!
Sige andyan na ata yun!
Pag ako nainis hindi ko pa bayaran yun eh! Teka hindi nga pala ako ang magbabayad sila mama yun...
basta pag ako nainis, solohin ko na lang yun kainin, hindi ko sila bibigyan!
:P
=mimi=
hindi ko alam kung ako o hindi ang dahilan ng pagkawala ng mood ng ate ko. Dahil lang kasi sa pag-deliver ng pizza hut. I mean pagpapadeliver pala ng pizza hut.
Napili kasi ang mama ko na maka-avail ng 100 pesos discount dahil sa pagiging regular customer nya sa pizza hut tapos naalala yun ng ate ko ngayong gabi kaya sabi nya sabihin ko raw yun sa mama ko. I know gusto nya ng pizza hut, ako ok lang. Kaya naman sinunod ko ang utos nya na i-inform ang mama ko dahil ang promo na yun ay within this day lang. 10 ng gabi ang expiration ng promo na yun so sinabi ko.
Ang akin lang kasi kanina, naiirita talaga ako kapag nagsusulat o nagpo-post ako dito na may kumakausap sa akin. Katulad sa naunang kong post dito na "sem break" ang pamagat, hindi na ako nakapag-focus doon kasi kinakausap nya ako. Ayoko ng ganoon talaga kasi nawawala sa isip ko ang lahat lahat ng gusto kong sabihin.
Kaya nga "the silent of night" ang pangalan ng webpage ng blog na ito ay dahil gumagawa ako nito tuwing gabi. Yung kung saan tulog na sila at tahimik ang paligid para walang istorbo.
Kahit medyo naiirita na ako dahil hindi na ako makapagsulat, sinusunod ko pa rin. Kahit paputol-putol sige ok lang. Kaya lang nung gumawa na ako ng move na sinabi kong sya na ang mag manage don sa baba. Biglang tanggi sya!
Inisip ko, sya 'tong nagpupumilit na sabihin yun sa mama ko para makakain ng pizza tapos ang gumawa ay ayaw nya. Ako na lang ang pinapakilos. Hindi naman sa inaano ko ang ate ko pero, I have done my part, sana gawin nya ang kanya. Malay ko ba sa gusto nyang kaining pzza para ma-suggest sa mama ko. Ako kahit hindi ako kumain o kahit ano pang klase ng pizza ang nakalantad dyan wala akong paki! Hindi naman kasi ako humihiling na magpa-deliver ng pizza, basta I'm just informing my mom na may tumawag sa kanya dahil sa promo na yun, then its up to her kung ia-avail nya yun o hindi. Hindi big deal yun for me!
Ang lagay kasi sa ate ko, sya lang ang pinababa ko para sabihin sa mama ko kung anong klaseng pizza, nawalan na ng gana! Susmaryosep! Ewan ko ah kung ako ang may kasalanan ng lahat!
Ngayon kasalukuyan syang natutulog. Ewan ko kung tulog na pero alam ko hindi pa. Pinipilit nya lang ang sarili nya dahil nga sa nawalan na sya ng gana. Tinanong ko sya kung kakainin pa ba sya nun dahil nga matutulog na agad pero sagot nya hindi na raw. Malamang nawalan na ng gana.
Ewan ko pero nagiguilty ako sa nangyari. Pero kung iisipin wala akong nagawang kasalanan. Ginawa ko lang naman ang part ko, ginawa ko lang ang inutos nya. then nung makita kong dapat sya na ang umaksyon. Sya na ang bahala kung gagawin nya yun. Kung gusto nyang ipagpatuloy, edi go on! Actually yun na nga lang ang gagawin nya, ayaw pa! Gusto ipagawa na sa akin ang lahat.
Basta wala akong ginawang mali. Ganito lang ako dahil ayokong may taong ewan ko kung ano ang itatawag sa kanila- "taong nagtatampo o may sama ng loob?"
Basta akin lang, wala akong ginawang mali kanina. Kawalan na nila ngayon kung hindi sila makakain ng pizza. Sila lang naman ang nagde-decide ng magiging action nila sa buhay eh.
Kung gusto na nilang maging bad trip ngayong gabi, edi magiging bad trip nga pero kung hahayaan na lang iyon at try to enjoy eating pizza na lang edi mangyayari rin yon dahil yon ang desisyon nila.
ika nga:"life is a matter of choice" applicable di ba?
~o~
Hay nako sabi ko kanina maikli lang pero humaba na naman dahil lang sa topic na "pizza"
letseng pizza yan! parang yun lang pinag-iisip ako!
Sige andyan na ata yun!
Pag ako nainis hindi ko pa bayaran yun eh! Teka hindi nga pala ako ang magbabayad sila mama yun...
basta pag ako nainis, solohin ko na lang yun kainin, hindi ko sila bibigyan!
:P
=mimi=
Sem. Break
Sem Break na at last...kailangan ba akong mag...
"woohooo...sem break na!"
?
?
~0~
Sa nakikita ko ngayon parang naninibago ako. Pakiramdam ko hinang-hina ang katawan ko. Wala akong magawa. Puro tulog lang, kain nood ng t.v., gitara, kompyuter...ano pa?! Lahat ata siguro ng gawaing katamaran ay sa tingin ko nararamdaman ko ngayon. Ayoko ng ganito!
~o~
Masaya ako dahil at last sem break na. Lahat ng paghihirap sa mga gawaing eskwela ay natapos ko na. Hindi na ako magpupuyat uli. wala na akong poproblemahing mga subject, tapos na ang paggawa ng kung anu-anong term papers o research paper, wala na ring pressure na mararamdaman sa pag-aaral. Wala na tapos na ang lahat dahil tapos na ang 1st sem nitong second year ko. Pero parang nakaka-miss din....
~o~
Kadalasang maririnig natin sa mga estudyante ang ganitong salita:
"pag may pasok gusto mo wala na lang, pero pag walang pasok gusto mo pumapasok ka!"
Hindi eksakto ang pagkakasulat ko pero ganyan na ganyan ang diwa ng salita. Ang diwa na yan ay sadyang nararamdaman ng mga estudyanteng nagsisipagaral o pumapasok sa eskwela araw-araw. Seryoso man sila o hindi pero bawat isa nakakaramdam nyan.
~o~
Kung tatanungin ako kung nage-enjoy ba ako sa pagpasok ng eskwelahan o sa pag-aaral na may dalawa lamang pagpipilian na sagot, ang isasagot ko ay OO!
Siguro ngayon ko lang talaga masyadong na-appreciate yung pag-aaral nitong college. Masyang pumasok ng eskwela araw-araw kahit saksakan ng pamatay na gawain ang nakatambak sa iyo, Ang saya at ang sarap sa pakiramdam kung nalagpasan mo ang lahat ng iyon.
Bagamat makakatagpo ka ng mga subject na saksakan ng hirap at hindi mo talaga maintindihan, matutuwa ka o mararanasan mo ang tuwa at saya kapag nakalagpas ka o naka-survive ka doon. Isa iyong napakahalagang karanasan na dapat i-treasure dahil maaring hindi iyon nararanasan ng iba o sabihin na lang natin na hindi halos lahat nakakaranas ng ganoon.
Kahit na mahirap talaga kung minsan ang gawaing eskwelahan, sulit din ang paghihirap mo dahil hindi mo namamalayan ng kahit puro reklamo ka sa hirap ng ginagawa o ay natututo ka. Ang saya di ba?! Tutal ang hirap ay hindi naman nawawala para ma-achieve mo ang totoong tagumpay sa buhay.
~o~
Ang saya pala talagang maging estudyante ano?? Dyan yung...
Base ito sa aking karanasan na maaring nararamdaman din ng katulad kong estudyante
1.Mararanasan mong maghabol ng oras kung pang-umaga ka at na late ka ng gising.
2.Mararanasan mong 2 beses ka lang pala kung kumain sa isang araw, minsan isa na lang at hapunan na lang iyon.
3.Mararanasan mo ring sumugod sa baha, mabasa ng ulan dahil sa katamarang magdala ng payong at
magdalawang isip kung papasok ka ba o hindi dahil sa inabutan ka na ng malakas na ulan na hindi ka pa
nakakaalis sa bahay nyo
4.Mararanasan mo rin ang maghintay ng matagal para makasakay papuntang eskwelahan dahil punuan ang jeep,
maging fx man.
5.Kapag nasa sasakyan, mararanasan mo rin ang makatulog sa byahe na hindi mo naman gawain.
6.kapag estudyante ka, mararanasan mo rin na kulang ka sa tulog kaya nararamdaman mo ang nasa # 5
7. Makakaya mong mag-review ng paghakahahaba habang chapter within 1 hour na pagbabyahe dahil sa paghahabol na kung tutuusin na kapag ni-review mo iyon sa bahay ay inaabot ka pa ng mahigit isang oras o 2.
8. Kapag pumasok kang late, mararanasan mo rin at madedevelop ang pagkakaroon mo ng makapal na mukha sa pagharap sa prof mo dahil sa kagustuhan mo talagang pumasok sa subject nya.
9. Mararanasan mo rin ang problemahin ang subject lalo na kung major subject pa yun nahindi mo naman dati pinuproblema nung highschool kahit major pa yan.
10.Makakaranas ka rin ng iba't ibang sakuna sa daan katulad ng banggaan, kawalan ng break ng sasakyan at kung anu-ano pang pangyayaring nakataya ang buhay mo.
Actually marami pa yan. Kung babanggitin ko pa lahat baka humaba na sobra ang post ko. Pero gusto ko pang ilagay kung ano ang masarap na nararansan mo kapag estudyante ka...
Mare-realize mong....
1. Ang masarap na paghiga sa kama ay kapag nararamdaman mong pagod ka na at sumusuko na ang katawan mo sa mga gawaing eskwela. Doon mararanasan mo ang masarap na tulog.
2. Masaya ang mabalitaan mong walang pasok kapag maagang nai-announce sa t.v o sa radyo. Hindi kasi maganda kung nasa school ka na at sinuspinde pa. Sayang ang pamasahe, sa totoo lang. Although maraming natutuwa kahit nasa school pa sila nung sinuspinde, ako naiinis dahil sa panghihinayang sa time and effort ko sa pagpunta ng eskwelahan at syempre sa pera na sa halip ay naipon ko na lang! Hindi worth ang pamasahe kung walang natutunan o nawalan ng halaga ang pagpasok mo.
3.Masayang karanasan ang obserbahan ang lahat ng nakikita mo sa paligid mo. Gawain ko yun at...heheh..i used it as my daily and best lesson na dapat at importante talaga nang matutunan ng isang tao na hindi dapat puro academic sa school lang ang nakabase.
Marami pa sana akong masasabi kaya lang ginulo na ako ng ate ko kaya nawala na kaagad sa isip ko. Mahirap kasing mag-isip ng may kumakausap sa'yo. Mawawala ka talaga, kagaya ngayon, kasalukuyan akong nagtata-type pero patuloy pa rin syang kinakausap ako.
tama na nga lang muna ito!
~o~
Masayang pumasok dahil mararanasan mo talagang buhay ng pagiging estudyante. Bagamat mahirap pero worth it kasi magagamit mo naman hirap na iyon to be successful in life.
Ngayong sem break na, hinihintay ko na lang ang releasing of grades. I hope na pasado ako sa accounting dahil iyon ang delikado kong subject. Naiinis nga ako dahil kung ano pang major, yun pa ang mababa ko. First time in the history of of my college life ang mangamba talaga sa subject. Kahit kasi sisihin ko yung prof ko dahil sa pagiging bias nya o kung ano pa...wala ring mangyayari. Basta i did my best na lang to pass that subject. Whatever may happen, all i have to do is to accept it. Matindi at seryoso talagang usapin na ito. Ngayon lang kasi ako nakatagpo ng ganoong klaseng prof pero thanks to him natuto at nakaintindi ako through my own understanding. Naranasan ko kung gaano kahirap ang mag self study without any backgrounds or idea to that lesson or subject, thaks to him.
Hopefully, makapasa ako. That will be the best gift I will receive in my birthday kung nmakapasa ako kasi that will be mean na naka-survive ako sa pahirap na ginawa nya. Thanks to God dahil sa lakas ng loob, for letting me not to give up!
Kaya in this sem break, nakakamiss pero itutuon ko muna ang utak ko talaga sa pahinga pero i will treasure and serve that expeerience as a lesson in my life dahil nitong second year first sem ang dami kong natutunan na nakapag-mold sa sarili ko.
~o~
Sige na muna at nakakabad-trip na naman ang nangyari dito sa bahay...ayusin ko muna!
:)
=mimi=
Friday, October 13, 2006
NTC2-Narrative Report
2:09 na ng madaling araw. Naninigas na ako sa lamig ng aircon. Hindi na ako dinapuan ng antok dahil sa naka-idlip naman na'ko kanina. (sanadali nga patayin ko muna aircon..san ba yung kutsilyo?)
Katatapos ko lang gawin ang narrative report namin sa NSTP. kinareer ko kasi ang paggawa. Pero kahit na magkanda puyat-puyat ako sa paggawa nun, worth it naman dahil sa experience. Kasalukuyan akong nakikinig ng pupils "nasaan ka" o "nasan ka" basta yun ang title.
hmm...NTC2 which stands for National Training Civic Welfare kung hindi ako nagkakamali, alam ko may welfare pa yun. 2 dahil tapos na ako sa 1. Una inis ako sa NSTP. Sa tingin ko kasi dagdag lang 'to sa pahirap nitong college. Pero nung aking namang napagtanto, hindi naman pala ganoon.
Habang papungas-pungas pa ako dahil kagagaling ko lang sa "idlip" (kung matatawag nga yung idlip dahil pakiramdam ko pumikit lang ako) hindi ko talaga alam kung paano sisimulan ang narrative report ko na final requirement sa nstp ko. Iniisip ko na aksaya oras lang 'to. Magpa-finals na nga lang, nagdagdag pa ng gawain kaya inis talaga ako kanina. Pero nung masimulan ko na ang pag-kwento, ngayon ko lang na-realize ang ikinaganda ng curricular na yun.
~o~
NTC1-
Bwisit ako! (bwisit o bwiset?) o basta inis ako. Puro discussion lang kami about good manners and right conduct. Hindi ako o kami naging ganoong ka-expose sa barangay. Kung tutuusin kumain lang kami sa tusok-tusok ng klasmeyt ko nung mga araw na ng barangay kami dahil halos wala naman kaming ginagawa. Hindi ganoon ka-prepare ang prof ko. Hindi pa ganoon nakakapag-check ng attendance o sabihin nating hindi kami nasusubaybayan. pakiramdam ko pumunta lang kami doon kasi andon yung friend nya. Para lang may masabi na may barangay kami yung malapit na at yung may kakilala sya, kaya yun ang pinuntahan namin.
Did i make a difference to others?
Ewan ko.Actually ang focus ng NSTP namin sa for community service at hindi pang literacy! Iba ang NTL sa NTC pero yun ang pinasok namin nung NTC1. Kaya nawalan ng kabuluhan ang pinaka-purpose ng NSTP. Hindi ko rin nagustuhan, Hindi ko na-enjoy at wala akong na-discover which I can say to myelf "sana" na nabago nito ang pananaw ko sa buhay.
Naging mind set ko "NSTP is just a waste of time!" Pramis! masama na ang dating kung masama pero ganun talaga pakiramdam ko sa NTC1 ko.
~o~
2nd 1st sem- NTC2
"NSTP na naman!" sabi ko sa sarili ko.
"Pagtitiyagaan (pag-ti-ti-ya-ga-an ano ba yan nabubulol na ako!) ko na lang tutal last NSTP ko na ito!" dagdag pa yan nung sinabi ko sa sarili ko. Hindi kasama ang naka-parenthesis ngayon ko lang sinabi yun.
Kung ano ang kawalan ng kabuluhan sa akin nung NTC1 ngayong NTC2 naging ok! Masaya...oo na mahirap.
Ang prof namin ay talagang pursigidong makatulong. Pursigido rin syang tuparin ang purpose ng NSTP. Which i think ang purpose nitong NSTP is not just to help but to make a difference to at least anybody kahit hindi mo magawa na everybody basta at least anybody na sa tingin mo kaya mong makatulong. To make a difference not just to others but also to yourself. Hehehe...yun ang gusto ko. Ang pinaka-importante kasi sa akin ang application hindi yung basta naka-stock lang sa mind na parang tipong alam mo na dapat tumulong pero hindi mo magawang tumulong. Ano yun? ayoko ng ganoon! Gusto ko yung tipong kahit alam mong sa kokonting maio-offer mo ay malaking impact na yun sa tinulungan mo.
Ganoon nga ang nagyari sa NSTP ko ngayon. Wow tuwang-tuwa ako. Ewan ko lang sa iba kung nag-enjoy kasi nung mga nabasa kong narrative report na "bored" lang daw sila.Wala raw kwenta. Sa bagay kanya-kanyang pananaw at reaksyon yan pero ang sa akin kahit dagdag 'to sa time, kahit nakukulangan na ako ng oras sa pahinga, natuwa ako. Masaya ako dahil may natutunan ako.
Unang experience ko sa NTC2 nung hindi pa nagbabarangay, naranasan kong makipag0usap sa prof ko one on one break time namin. Hindi ko na tinake ang break ko dahil ang 15 mins na binigay ay ubos na sa pagbaba mo pa lang ng hagdan. Pano pa kaya sa kakainan mo? kaya hindi ko na ti-nake. Pihado ko nainis ang prof ko nun dahil matanong ako. Bukod sa matanong ako mukhang ...ay hindi pala mukha, talagang hindi ko na sya napag-take ng break nya. Malay ko ba! hindi ko naisip yun sa kakatanong ko. Kaya naman nung nag-resume na ang klase, special mention ako although hindi binanggit ang pangalan ko pero alam kong ako yung tinutukoy nya.
Tinanong ko nun ay yung sa plano namin for "adopt a family project"
Pangkabuhayan. Just a simple "pagkakakitaan" like banana cue, turon, polvoron (nabubulol na naman ako, nakakailang erase na ako ng word na yan dito. Basta yun na yun.alam mo na yan pag nabasa mo. tama naman ata spell ko eh) at kahit ano na pwedeng mabenta. Humaba ang discussion naming dalawa tungkol lang sa magiging plano ng grupo namin. Masyado kasi akong acting leader kahit hindi naman talaga ako ang leader. Wala rin naman kasing nag-piprisinta kaya ang makapal ko ng mukha ang nag insist na ako na ang leader ng grupo.
Sabi ng prof ko nung balik discussion na:
"May naka-usap ako. One of your classmate, hindi ko na babanggitin kung sino sya basta sasabihin ko na lang ang pinag-usapan namin habang tine-take nyo ang break nyo..."
So yung mga klasmeyt ko walang ideya kung sino yun dahil wala talagang natira sa room kundi ako lang at prof ko. At wala na rin dapat akong ipag-isip pa kung sino pa ang taong yun dahil ako lang naman ang naka-usp nya.
"Gusto kong i-share sa inyo dahil alam kong makakatulong sa inyo..." ang ganda ng opening kung tutuusin, pakiramdam ko bibida na ako.
"Sinabi nya sa akin kung pwede raw ba ang kabuhayan like (yung sinabi kong ititinda sa taas yun na yun) eh hindi pupwede yun! Baka ang pamilyang pinuntahan nyo ay mas may alam pa tungkol sa pagbenbenta edi naphiya pa kayo! Hindi pwede yun dahil hindi naman kayo naka-attend ng seminar o kung ano pa man tungkol sa pagbi-business kaya hindi pwede yun!"
Anak ng yan! lokong yun! buti na lang walang nakakalam na ako yun! Palibhasa kasi hindi ko pinagtake ng break nya kaya ginantihan ako! Hiyang-hiya ako kaya umisip na langh ako ng ibang plano. Makalipas ang ilang linggo,Bago kami pumunta ng brgy sya na mismo nag-insist na kailangan may magbenta raw. Inisip ko:"kala ko ba h'wag yung ganun dahil baka mapahiya kami sa pagtuturo tapos ngayonsinasuggest mo!"
Bagamat wala akong pruweba pero may kutob talaga ako hanggang ngayon na ginanun nya ako dahil hindi ko sya pinag-break.
~o~
One thing na naging dahilan kung bakit nagustuhan ko ang nstp 2 ay dahil sa exposure ko sa brgy. Ang sarap maktulong kahit sa konting bagay lang. At ang pinakamasaya pa dun ay yung magkaroon ka ng kaibigan na mga bata na parang ang naging turing sa'yo nung mga batang iyon ay kapatid. Sus! kulang na lang malaglag ako sa kinauupuan kong manipis na kahoy dahil sa kakayakap at kandong sa akin. Parang kala mo nangangampanyang mga pulitiko sa mga mahihirap ang naging itsura ko. Masyadong naging makamasa ang dating. Pero ang saya ng pakiramdam kahit puro talsik ng ambon yung mukha ko sa tapat ng mataas at nakaasilaw na liwanag ng araw bale wala na lang sa akin. Buti nga hindi naisipan ng mga batang iyon na halikan ako dahil kahit bata yun papatulan ko yun. Di bale nang matalsikan ng mga ambon nyang laway h'wag lang manghalik! Pero buti naman hindi nangyari yun!
nakaka-aliw silang kasama. Madaling mauto kung tutuusin. Madaling mauto dahil...nung nagpapabili sila sa akin ng ice cream sinabi ko:
"wala akong pera....kung ibibili ko kayo, wala na akong perang pauwi sa bahay. Pag hindi ako nakauwi ng bahay magaalala sa akin yung mga magulang ko"
effective. Sumakay sila dyan. Tinigilan na nila ako sa pangungulit na ilibre ko sila ng ice cream halangang 6.00 pa ata o 5.00. Ilan silang lahat...10 pa atang bata na nakapalibot sa akin. Para ngang nangangampanyang pulitiko na nakikita mo sa T.V na kala mo ang daming natulungang tao. Ganon ang naging itsura ko talaga. Gustuhin ko man kasi ibili sila ng ice crem na yun eh wala talaga akong pera. Totoo ang sinabi ko sa taas. Pag nilibre ko sila hindi na ako mamakakauwi. Hindi ako nagsinungalin ng dahil bad yun! Dapat maging good model o role model ka sa mga bata.
~o~
Ang natutunan ko nitong nstp 2 which i think may na-discover talaga ako is yung how to be contented on what you have. Nakita ko sa mga bata kung gaano sila kasaya ng abutan sila ng kendi. Kung gaano sila kasya ng mabigyan sila ng attensyon ng isang taong kagaya ko. Actually, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero ang ibang klasmeyt ko sa nstp ang layo ng loob nila sa mga bata. Ni hindi nga nila ako sinamahan nung maraming batang naka-umpok sa akin. Wala lang dedma lang sila. May nagsabi pa sa akin..."ok ka pa dyan?!"
Parang ang dating tuloy sa akin, bakit kailangan nya pang itanong yun. Bata lang itong kasama ko. ang saya ngang kasama at ka-kwentuhan. May dahilan ba para hindi ako maging ok? Kung sa bagay kasi hindi ko naman sila masisisi kung hindi sila ganoon ka "masa" sa mga bata. Parang ang purpose lang nila is for the sake of grade and for appreciation, acceptance help o kung anu pa man.
~o~
The only thing which I think i will treasure the time that I have been there. Lahat, ang dami kong natutunan. Ang dami kong na diskubre sa sarili ko at sa buhay ng tao. Doon ko nabigyan ng proof na ang kahirapan ay hindi sagabal to achieve your dreams. To be happy. Palaisipan kasi sa akin ang katanungang "paano malalaman na masaya kang talaga?" "Ano ang kaligayahan?" Isang sagot doon na natuklasan ko is pagiging kontento mo sa kung anong meron ka at appreciation. Ang saya talaga kapag may tanong ka sa sarili mo tapos nasagot ng ganoong experienced ang saya talaga. Para sa akin parang iyon ang totong knowledge. totoong learnings. Hindi kailangan ng maraming discussion dahil dito ay application kaagad tapos habang ina-apply mo, you are discovering something, learning and gaining knowledge at the same time developing your inner self. Ang saya at nakakatuwa ang malaman at marinig ang mga buhay-buhay ng mga tao. Ito ang nilagay ko sa narrative na ginawa ko kanina.
~o~
Tapos na ang NSTP ko. Masaya ako na bago pa man natapos 'yon may magandang nangyari at naging makabuluhan na meaning ng NSTP sa akin.
Parang "NSTP is one way to start a new beginnings of one's life"
Goodbye na sa 2nd year 1st sem...
antok na ako...ngayon pa lang ako matutulog...
=mimi=