Nararamdaman mo ba na magba- bagong taon??
Kung ako ang tatanungin....Sa anong paraan na hindi ko gaano naramdaman na malapit na sumapit ang pasko nung mga nakalipas na araw, mas malala ang ngayon!
Hindi ko nararamdaman na matatapos na pala ang taon. Bagamat nakakarinig ako ng malalakas na putukan sa labas, wala pa ring epekto at hindi ko nararamdaman na magba-bagong taon na pala. Siguro..sa nakikita ko ngayon, dahil sa hindi ko maramdaman na malapit na ang pagpasok ng bagong taon medyo pawala na rin ang ispirito o sabihin nating diwa at kahalagahan kung bakit nga ba nagkakaroon ng selebrasyon sa araw na yun.
Marahil ang dahilan ng pagkawala at nagsisilbing ordinaryong araw na lumilipas ay ang kahirapan ng buhay. Sa bagy..hindi naman na kasi nabago yan sa Pilipinas, sa bansa. Pero marahil hindi lang naman ang bansa natin ang nakakaranas ng kahirapan. Halos lahat naman nakakaranas ng hirap. Sino bang hindi?
Pakiramdam ko ngayon pumapasok lang ang bagong taon pero hindi nagbabago ang buhay ng tao! Ano ba nga naman ang bago sa araw sa kalendaryo? wala rin naman nababago sa pinagdadaanang mga numero?? Anong bago sa apat na Linggo meron sa isang buwan?? Lilipas at Lilipas uli ang labindalawang buwan na may katumbas na isang bagong taon uli na simula. Anong bang bago sa bagong taon?? Nababago kasi ang numero, ganun?? Halimbawa...dahil 2006 ngayon sa susunod na taong darating 2007. So bago yun kasi yung 6 napalitan ng 7! Ganun ba yun??
******************************
Ewan ko...siguro masyado lang ako nag-iisip at nago-over react sa mga nakikita ko at nararamdaman ko. Wala kasi akong makita at maramdaman na may nagbabago nga sa bagong taon. Kahit kasi sabihin kong kahit hindi na lang ang tao ang magbago kundi ang patungkulan na lang ay ang araw...wala pa rin..panahon...oras...buwan...taon...wala pa rin. Wala pinagbago! Sabihin na lang natin na dumadaan lang sila pero ano ang bago??
*****************************
sa naiisip ko ngayon, maari lang maramdaman ang pagbabago ng taon kung ipararamdaman ng tao na nagbabago rin sila. Kung tutuusin, sino lang ba kasi ang may buhay sa mundong ito...HIndi ba tayong mga tao lang?? Tayo lang ang nabigyan ng kakayahan para makapagbago ng isang bagay! Kung walang kikilos para magkaroon ng pagbabago...paano magiging bago ang panahon, ang oras, ang araw, ang buwan, ang taon...kung walang kikilos para magbago nito.
Magiging simpleng araw at taong lumipas nga lang ang "taon" kung tayong mga tao ay walang pagbabago...
Importante pala talagang magsimula ang pagbabago sa tao para maramdaman mong nagbabago rin ang panahon, ano??
*****************************
Hindi ko alam...pero sa nakikita ko ngayon wala akong nakikitang bago sa bagong taon kung wala akong nakikitang pagbabago. Maaring ang numero lang nagbabago sa bilang ng taon pero ang ugali, nararanasan o karanasan, pagkilos ng isang tao, wala akong nakikitang pagbabago kung wala nga namang nais na magbago.
*****************************
Sa ngayon siguro, alam ko hindi naman agad agad napapagpabago ang isang bagay pero at least sana, subukan di ba??
Alam ko sa sarili ko medyo hirap din ako magbago pero at least alam ko rin sa sarili ko na sumusubok ako. Hindi naman ako nagsasalita lang dito na pahangin lang! Sayang naman 'tong sinabi ko kung patatamaan ko ng salita na 'to ang sarili ko. Hindi naman ako gago! para magsulat na alam kong ito ang diperensya ko!
*****************************
New years resolution??
Effective pa ba yun??? kahit anong oras, araw, panahon naman basta naiisip mong may dapat baguhin sa sarili mo hihintayin mo pa ba ang sumapit ang katapusan ng taon at pagsapit ng bagong taon??
Hmmm..wala lang....
Pero ako may new years reso ngayon, Actually, natyempuhan kasing matatapos ang taon kaya gagawin ko na lang ito new years reso ko...
BABAWAS-BAWASAN KO ANG PAGIGING MAINITIN NG ULO KO. IIWASAN KO ANG MABILIS NA PAGKAIRITA!
Napansin ko kasi yan sa sarili ko ilang linggo na rin ang nakakalipas...pinipilit kong baguhin.At medyo nababago ko naman..:)
Kung dati talagang parang nakakabulyaw ako sa mga tao dito sa bahay...ngayon, pagirita at inis ako sa mundo...tahimik na lang ako. At para mawala ang irita ko...Kahit inis...pinapakita ko na lang ang pamatay kong ngiti, kahit hindi naman ako marunong ngumiti! Kasi nakakapagtaka nga naman sa part ng ibang tao kung pati sila madadamay sa irita,inis at katopakan ng isip ko! Kaya ang gamot ko na lang sa sakit kong iyon, isang malaking SMILE kahit minsan sa mukha ng mga tao na dito sa bahay, isa na akong baliw! Ayos na rin kaysa makanakit pa ako di ba? At least kung nakangiti ako, wala akong nassasaktan. Hay nako...pero ang laking pasakit din naman sa sarili ko! Padagdag ng padagdag ang kinikimkim ko. Buti nga hindi ako inaatake sa puso. Hmp! pero napapansin ko...pag ganoon hindi lang ako makahinga. Ang hirap! Kaya iniiwas iwasan ko rin talaga ang magalit. Pinipilit ko kalmahin ang sarili ko sa mga bagay na makakapaggulat at galit sa akin. Hehehehe...dito ko lang yan sinabi sa blog ko dahil pag nalaman ng mga tao dito sa bahay magiging issue na naman ang kalusugan ko. Magiging parang isang showbiz ang buhay ko dito sa bahay kaya h'wag na....
*******************************
Alam kong medyo napalayo na ako sa topic ko sa taas. Medyo gumanda-ganda na rin kasi ang mood ko ngayon kaysa kanina kaya hindi ko na alam kung paano ibabalik ang katopakan ng post ko sa taas.
Tama na muna siguro 'to dahil alam kong mahaba haba na rin ang nasulat ko.
HAPPY NEW YEAR! na lang siguro. Maging maganda nga sana ang pasok ng taon sa mundo. Lahat ng gustong magbago at magkaroon ng pagbabago...sana nga magkaroon kung yun sa tingin nila ang makakabuti hindi lang para sa sarili nila kundi pati na rin sa kapwa nila!
Ayos na siguro 'to!
ayos?
ayos!
=mimi=
P.S.
HIndi ko alam kung may napapadayo sa blog ko na 'to pero kung bakasakaling meron ang masasabi ko lang..."Hindi nyo kailangang patulan ang sinabi ko sa taas! Kabaliwan ko lang yun! Wala kasi ako sa katinuan kanina kaya ko nasulat yun. Pero...aaminin ko, hindi ko talaga nararamdaman ang pagpasok ng bagong taon. Wala kasi akong nararamdaman na pagbabago eh..kaya ganoon"
Happy new year uli sa lahat ng tao sa mundo! Naway maging masagana tayong lahat!
:)
Yun