This is Beautiful! Try not to cry...reaction...
Matapos ko kasi mabasa ang istorya muntikan na akong maiyak na hindi ko akalaing mararamdaman ko ang pag-iyak mula sa pagbasa lang nun!
******************
Maganda ang istorya kung tutuusin. Very inspiring lalo sa mga taong nakakaramdam ng problema o pagsubok sa buhay...
Nung buksan ko ang e-mail ko kanina at pagkainteresang basahin ang article na 'to, kala ko simpleng istorya lang na kagaya ng ibang inspiring stories na sinesend ng iba ko pang kaibigan. But then..nagkamali ako!
After I read the whole story, may message sa ibaba na:
"( Let's see Satan stop this one. ) Take 60 seconds and repost this, within the hour, you will have caused a multitude of believers to pray to God for each other. Then sit back and feel the Holy Spirit work in your life for doing what you know God loves "When you're down to nothing, God is up to something."
Email this. Title : This is beautiful ! Try not to cry. "
Kung tutuusin, kung babasahin mo yan..simple lang...parang wala na ring dating dahil ito naman kasi lagi ang nakalagay pagkatapos ng forwarded e-mail. Pero pagkatapos kong mabasa ang istorya, tapos nung time na sinimulan ko basahin yang nasa itaas na yan..bigla akong kinilabutan at muntikang maiyak!
sumagi sa isipan ko ang lahat ng problema, kalungkutan, kaguluhan ng isip ko at ang bumabagabag sa isip ko. Lahat ng iyon pumasok sa utak ko. MUntikan akong mapaiyak dahil napag-isip-isip ko...ang dami na nga palang nangyari sa buhay ko na kasama ko Sya. Na minsan nakakalimutan kong magpasalamat. Bukod pa dun..dahil sa medyo inis ako sa nangyayari sa paligid ko, masyado pang napupuno ng galit ang puso ko. Lalo akong nagiging matigas sa anumang bagay na dapat ang isipin ko ay maging mapang-unawa at higit sa lahat ipanalangin sa Kanya.
Bigla gustong tumulo ng luha ko kanina nung matapos kong mabasa ang e-mail kaya lang dahil nga ang nakalagay ay "try not to cry" edi pinigil ko! Isa pa..baka isipan pa ako ng hindi maganda ng ate ko dahil katabi ko lang sya kanina dito sa computer. Baka magtaka yun kung bakit ako umiyak bigla samantalang ang saya at maganda ang mood ko kanina. Kaya yun pinilit kong hwag tumulo ang luha ko.
*******************************
sa totoo lang, ngayon lang sa akin nangyari ang ganito. Lagi naman kasi ako nakakabasa ng mga forwarded e-mails na may religious ang topic pero hindi katulad sa ngayong naramdaman ko.
Pakiramdam ko kanina..niyakap Nya ako sa puntong binabasa ko ang huling parte ng kwento. Kung saan na bagamat iba ana ang sinasabi dun dahil tapos na ang story, dun siguro talaga ang paramdam Nya sa taong nagbabasa.
At that time..naiiyak ako..painiisip ko nga ngayon na baka nga niyakap nya ako..medyo naiiyak pa rin ako. Parang kasing sa lahat lahat ng pagsubok na dinadaanan ko ngayon, pinarating NYa sa akin ngayon na "hindi ako nang-iisa!" andyan lang SYa parati. Kasama ko lang Sya palagi..na bagamat hindi ko man Sya physically nakikita ipinararamdam Nya sa'kin na andyan lang Sya at hindi Nya ako iiwan!
Ang saya malaman ang ganoon..nakakaiyak lang talaga dahil lumalabas ang kahinaan mo mula sa pagpapanggap na kaya mo ang lahat!
*******************************
Sa mga dinaranas ko ngayon, natutuwa akong malaman na kinakaya ko. Bagmat nakakaramdam ako ng inis, galit, panghihinayang, lungkot at panghihina ng loob dahil sa mga taong nasa paligid ko, masaya akong malaman ngayon na niyakap NYA ako para iparating na ginagabayan Nya ako at tinutulungan Nya ako.
Heheh...dito ko lang sa blog na ito sasbihin..
Alam mo ba na pagnamatay ako, ang pinakahuli kong wish ay yung Mayakap Sya! (naiiyak na naman ako! drama portion 'to) Kahit san man ako mapunta basta bigyan lang ako ng pagkakataong makita, makausap Sya para humingi ng kapatawaran at Higit sa lahat Mayakap sya. Yun lang ang huli kong gustong gawin pagnamatay na ako at kasalukuyang naglalakbay sa daang ginagawa ko simula ng nabubuhay ako.
Yun talaga ang wish ko, ang Mayakap Sya para humingi nga kapatawaran!
********************************
Siguro kaya ako naiiyak ngayon ay dahil sa nararmdaman ko lang masyado ang presence Nya. Sa taong nag-forward sa akin nito.. Pangalanan na lang natin syang "Win". Bagamat masyao akong nagiging mataray sa kanya nung highschool days..sa pagkakataong ito..may utang na loob ako ngayon sa kanya ng hindi nya nalalaman dahil pinadala nya sa akin ang e-amil na yun.
Salamat sa kanya dahil nagkaroon ako ngayon ng lakas ng loob para harapin pa ang problema ko sa pag-aaral at sa pamilya.Ngayon araw na kasi nito masyadong magulo ang utak ko kung paano makakapasa sa major ko. Nawalan pa ako ng grade dahil sa pagkaka-absent ko nung nagkasakit ako. Sa pamilya ko naman, masyado nang nagiging magulo ang takbo ng pag-aaral ng kapatid ko. Nanghiinyang ako sa oras at gastos ng daddy ko para sa pag-aaral nya kung ihihinto nya lang ang lahat. Naawa ako sa hirap ng tatay ko! Naiinis ako dahil hindi ko alam kung bakit nakakapag-isip sila ng ganoon! Kahit na ipakita ko sa kanila na parang hindi ako apektado sa nangyayari at kahit na ipakita ko sa sarili ko na makakayanan ko ang lahat ng iyon, hindi ko akalaing nasasaktan ko na pala ang sarili ko. Minsan pala talaga kailangan mo rin ipakita sa sarili mo na mahina ka para sa susunod lalo ka pang tumibay at lumakas!
Kaya para kay "Win" salamat...nasaktuhan na may problema ako tapos nabasa ko yun kaya guamanda ganda ang loob ko. Guminhawa at nadagdagan ang spiritual ko! hehehe..
Sige hanggang dito na lang....
=aimme=
(bagong name ko dito sa blog!)
P.S.
pinost ko nga pala dito ang story with the same title, sa mga mapapdayo basahin nyo na lang then see for yourself the effectiveness of that story...
HAve faith in HIM!
God Bless!